Chapter 31✔

45 8 5
                                    

Expect grammatical errors and a lot of typos, I don't do backreading. Thank you⚡

Rain

Kyla's P.O.V

Nag-unat ako ng napakatagal, sarap na sarap ang tulog ko dahil, madali lang ang test namin ngayon.

Perfect ako nito, tsk tsk tsk..

"HAY! ANG SARAP SARAP SARAP!" sigaw ko bago ako pumunta sa banyo, pagkarating ko din do'n ay naligo ako, medyo malamig din dahil sa panahon.

Uulan pa ata, hays.

Pagkatapos no'n ay dumeretso ako sa dining area katulad ng parati kong ginagawa, wala pa rin akong nadatnan na kung sino, katulad ng parati kong nakikita.

Wala pa rin si Manang, wala din si Mommy at Daddy, wala din si Kuya.

Tinignan ko ang cellphone ko kung may nagsend pa ng messages, 'di ako nabigo ng makita ang message ni Mom.

Mom: 'Di parin ata kami makakauwi anak, sobrang lala ng nangyari dito. Nag-text na ang kuya mo saamin ng dad mo, si manang mamayang hapon pa daw dadating.

Mom: Marunong ka naman magluto diba, ikaw na muna ang magluto ng breakfast mo ha? Bye anak, I love you.

Kyla: I love you too, kwento mo saakin mom yung nangyari ha, sorry ngayon ko lang nabasa yung text nyo, hehe

Agad ko ding pinatay 'yon, binuksan ko ang cabinet para tignan kung may maari ba akong kainin dito, nakakita naman ako ng bacon.

Takot pa naman ako sa talamsik, hays bahala na.

Kumuha ako ng kawali at binanlawan 'yon, baka may gumapang na doon. Kumuha din ako ng sandok na flat.

Inunwrapped ko ang bacon at pinaghiwalay ang mga iyon, kumuha ako ng anim, tatlo saakin at kay Clarence. Natigilan naman ako nang maiisip 'yon, 'di pa s'ya gising.

Hinayaan ko na 'yon at linagay ang mantika sa kawali at hinyaang uminit 'yon, habang naghihintay tumitig lang ako sa mantikang umiinit.

Mainit na kaya 'to?

Oo mainit na'to, baka.

Linagay ko na ang isang bacon, nagmala ninja pa ako sa pagtakbo dahil sa mga mantikang kumakawala do'n, mamamatay ata ako ng maaga dito.

Wooooo safe pa, safe.

Finlip ko naman 'yon at linagay ang isa, katulad ng kanina nagmamala ninja ako pag linalagay ko ang bawat piraso ng bacon sa kawali.

"Ang cute mo," nabigla ako sa nagsalita, at tumingin sa may kinakatayuan nya.

Nakita nya kaya ako? Nakakahiyaaaaa!

"Nakita mo lahat yung ginawa ko!?" Pasigaw na tanong ko habang nanlaki pa ang mga mata.

"Oo, pati yung paghinga mo ng malalim at pagsalita ng mag-isa pag ayaw sumama pag kinukuha mo na sa kawali," lalong nanlaki ang mga mata ko.

"'Bat 'di mo man lang sinabi na nandyan ka pala?!" Sigaw na tanong ko, napakamot naman s'ya ng ulo.

"I like looking at you like that, you're so cute by doing that," sabi nya at kinamot naman ang kilay nya.

First Time Having A Relationship (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon