Chapter 44✔

26 7 14
                                    

Argue

Bianca's P.O.V

Sobrang ganda dito sa bahay nila Kyla, ang ganda ng hardin banda doon sa Veranda. Para akong asa mansyon ng mga sosyal, napatingin ako sa kasama ko, hindi s'ya nagsasalita kanina pa.

Nakakita ako ng matandang babae na nagaayos ng mga damit, base sa itsura nito maganda siguro s'ya noong kabataan nya dahil maganda s'ya kahit may ka-edaran na s'ya.

"Clang, sino iyang kasama mo?" Tanong ng babae at tumingin saakin.

"Hello po Tita, ako po si Bianca kaklase po ni Clarence," sabi ko at nakipagkamayan sakanya.

Yinakap din naman ni Clarence iyong babae at nagmano din. Kaano ano nya kaya iyon? 'Di bale itatanong ko nalang mamaya, kung kakausapin nya ako.

"Gagawa lang kami ng project, pupunta na kami sa taas," pamamaalam ni Clarence at inunahan akong umakyat sa taas.

"Mauna na po kami," sabi ko at ngumiti, pumunta na din ako sa taas.

Nakita ko na nakatayo si Clarence sa isang kuwarto—harapan ng isa pang kuwarto. Mayroon ding isang pintuan na malaki sa gitna at dalawa pang pintuan sa gilid nito.

Pagkabukas ng pintuan agad naman na s'yang pumasok, hindi muna ako kaagad pumasok at hinintay na munang magsabi s'ya.

"What are you standing there? Go inside," utos nya, napatikom ako ng bibig at sinunod ang utos nya.

Napaawang ang bibig ko ng makapasok na ako sa kuwarto nya, grabe malaki pa ito sa bahay namin eh. Sa totoo lang hindi naman kami mayaman, sakto lang para ilarawan ako.

Nakatira lang kami sa isang subdivision, magaganda naman ang mga bahay do'n. Pero walang second floors katulad nito. Simpleng bahay, harapan at likod lang ang andoon.

Umupo ako sa isang upuan na asa harapan ng study table nya, ang ganda din ng study table nya. Mayroong laptop iyon at mga school supplies na simple.

"Do I have to tell you to start?" Tanong nya kaya naismid ako.

"Hindi naman, itong laptop mo 'ba ang gagamitin natin o yung akin nalang?" Tanong ko, malamig na tinitigan lang nya ako.

"Sabi ko nga yung laptop ko nalang," sambit ko at kinuha ang laptop mula sa bag ko, napalingon ako sakanya ng kunin nya ang tuwalya nya at pumasok sa banyo.

"Hoy! Hoy! Walang hiya ka, tulungan mo ako dito— Hoy!" Tawag ko sakanya ngunit nakapasok na s'ya sa banyo.

Hinayupak, anong gusto nyang iparating? Na ang ambag nya ay ang bahay ni Kyla? Hindi pwedi 'yon.

Naiinis na binuksan ko ang laptop, sa pagkainis naipit ko ang balat ko doon. Napaawang ang labi ko dahil sa sakit. Hindi na ako tumili dahil baka lumabas si Clarence ng walang saplot.

Hihi.

Binuksan ko ang powerpoint at nagsimulang gumawa ng presentation namin. Napapasinghap nalang ako dahil sa mga litrato ng reproductice system ng lalaki.

Napasulyap ako sa banyo ng bumukas iyon, naka boxer lang s'ya at nakat-shirt. Napatikom ako ng bibig dahil umupo s'ya sa kama nya at tumingin saakin.

"Anong tinitingin tingin mo dyan? Alam mo 'bang hindi ka tumulong ha? Anong ambag mo itong kwarto mo? Hindi ko ilalagay ang pangalan mo sa presentation! Ako pa din 'ba ang magrereport nito ha?" Tinuro turo ko pa s'ya habang nagsasalita.

"Can you shut the fvck up?! Stop asking will you!? Just add my name on there, I'll report it tommorow," utos nya, hindi ko nalang s'ya pinansin at inililagay ang pangalan nya bilang reporter.

First Time Having A Relationship (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon