Chapter 58✔

27 7 15
                                    

The Offer

Kyla's P.O.V

Tapos na akong kumopya ng assignment kay Mark ng mapagtantuan kong sobrang tahimik nya, simula noong bumalik s'ya ang tahimik nya.

Sino naman kaya ang kausap nito?

"Hoy, okay ka nga lang?" Tanong ko sakanya, hindi nya pa din ako napansin  hanggang sa tumayo na ako.

"H-Hey, what is your question again?" Tanong nya, sinulyapan ko s'ya ng tingin at ibinaling ulit sa ginagawa ang paningin ko.

Naramdaman kong tumayo s'ya at pumunta sa likuran ko, laking gulat ko nang yakapin nya ako sa likuran. Mabuti nalang talaga at umuwi na ang ibang istudyante at walang makakakita sa amin ngayon.

"I'm sorry okay? Hmm?" Ani nya, lumingon naman ako sakanya habang nakayakap pa din s'ya sa akin ngayon.

"Tinatanong kita kung ayos ka lang? Hindi mo naman ako pinapansin." Saad ko at sumimangot.

"I'm okay, don't think about me my baby," sagot nya, hindi naman sa naiinis ako pero parang ganon na nga.

Habang linalagay ang mga gamit ko sa bag, bigla akong nagutom, parang gusto ko ng ice cream yung rocky road. Napasimangot ako ng maalala na hindi sila nagtitinda dito sa school.

Napalingon ako kay Mark na nakakunot noo habang may kinakalikot sa cellphone nya. Naka-upo na s'ya ngayon sa tapat ko.

"Mark," sambit ko sa pangalan nya, liningon naman nya ako.

"Gusto ko ng ice cream, ibili mo ako no'n," utos ko at ngumuso tila ba nagpapa-cute. Kinurot nya ang ilong ko at tumayo.

"Okay, I'll buy you that, what kind of flavor do you like?" Tanong nya, nakangiting tumayo din ako.

"Gusto ko ng rocky road, ang sarap kasi no'n, nakita ko sa facebook kanina." Ani ko, tumango naman s'ya at binitbit ang bag ko habang hila hila ako paalis do'n.

Nakapunta kami sa parking lot at andoon ang sasakyan nya, tanging sasakyan nalang ni Mark ang nandoon at sa mga teachers na laging nago-overtime.

Pinasakay nya ako doon na agad ko naman ginawa dahil nae-excite na ako para sa ice cream na ibibili nya para sa akin.

Habang nagmamaneho s'ya napatingin ako sa may bintana ng makita ang isang ice cream parlor, agad ko naman s'yang binalingan nang tingin. Alam nyang doon din ang punta kaya nagtungo kami do'n.

Bumaba kami sa sasakyan at pumunta sa counter, madaming istudyanteng nandito dahil malapit lang din s'ya sa school. Tumingin ako sa tinitinda nilang ice cream nang makarinig ako ng bulungan.

“Si Mark ‘yon diba? Grabe ang gwapo nya sa malapitan ‘no?”

“Oo nga, alam mo ba nag break sila ni Isabelle dahil may gustong iba si Mark?”

“Navarro daw ata ‘yon e—”

“Shh! Ang ingay mo naman, kasama nya yung Navarro oh, hayst.”

Napakunot ang noo ko dahil sa mga bulungan, pati ba naman ako pinagbubulungan nila. Ayaw ko pa naman sa lahat ay 'yong ganito.

"Miss, anong gusto mo?" Tanong ng lalaki sa akin, sa tingin ko binatilyo rin s'ya.

"Dalawang rocky road po," ani ko.

"120 pesos po lahat." Saad nya at ibinigay sa amin ang ice cream, akmang kukuha na ako ng pera sa wallet ko ng ibigay ni Mark ang black card nya.

First Time Having A Relationship (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon