Chapter 48✔

18 7 33
                                    

Quiting

Kyla's P.O.V

Suminghot ako at pinunasan ang mga luha kong natuyo na, tumingin ako sakanya at hinawakan ang magkabilang pisngi nya.

"'Wag kang magalala, hindi naman tatagal itong nararamdaman ko para sa'yo, pangako 'yan," sambit ko at binigyan s'ya ng mapait na ngiti.

"T-That's not what I meant, Kyla—" hindi ko na pinapatapos ang sasabihin nya at humiwalay sakanya.

"Kahit hindi mo naman sabihin, ako ang lalayo hindi naman ikaw," ani ko, napasinghap ako nang yakapin nya ako.

Ginantihan ko s'ya ng yakap at sumubsob sa dibdib nya habang nakakulong sa bising nya.

"Mahal na mahal kita kaya ako na ang iiwas, ako na ang lalayo, ako na ang aalis mula sa sinimulan ko..." ani ko at tumingala.

"Sasaya kana lalo, Mark." Sambit ko at ngumiti, umalis ako sa mga bisig nya at humakbang patalikod.

"Mauna na 'ko," ani ko at umalis doon.

Nanghihina pa din ang tuhod habang tinatahak ang garden ng school, mabagal ang mga hakbang na ginagawa ko para mabawasan ang pamumula ng pisngi at ilong ko.

Nakita kong nagk-kwentuhan pa din sila ngunit wala na si Jemzie, mukhang nagselos talaga s'ya. Hindi mo din kasi masisisi si Jem eh, alam naming matagal na s'yang may gusto kay Kyle.

**flashback**

"Hoy bakit ka nakatulala dyan?" Tanong ko kay Jemzie, andito kami sa park ng village namin.

"W-Wala, inaantok kasi ako." Sagot nya, pero bakit parang hindi naman 'yon ang dahilan?

"Ano nga? Hindi 'yan ang nakikita ko sa mata mo," ani ko at hinimas ang likod nya.

"Naranasan mo na 'bang magkagusto, Kyla?" Tanong nya kaya't napatungo ako, oo hindi nga ako masuklian eh.

"Oo naman," sagot ko.

"Naranasan mo na 'bang maiwasan?" Sunod na tanong nya dahilan para mapatingin ako sakanya.

"Paanong iwas?" Nagtatakang tanong ko.

"Alam mo yun, yung tipong hindi nya alam na mahal mo s'ya. T-Tapos parang ayaw ka nyang kausap?" Tanong nya.

"O-Oo..." nauutal na sagot ko.

Lagi ko naman nararanasan 'yon, hindi na bago para saakin. Paano pa nga ba magiging bago iyon eh araw araw 'kong nakikita at nararanasan.

"Masakit?" Interesadong tanong nya.

"Syempre, sino ba namang tao ang hindi masasaktan doon?" Natatawang sagot ko, natigilan ako ng makita ang mga mata ni Jem-malungkot ang mga 'yon.

"G-Gusto ko si Kyle," ani nya, nanlaki ang mga mata ko dahil sa pag amin nya.

"Seryoso?" Tanong ko.

"Mukha ba akong nagbibiro? Seryoso ako.." sambit nya, halatang seryoso nga ito dahil ang lungkot lungkot nya.

"H-Hindi pero mayabang iyon eh," ani ko.

"Kamusta naman kaya si Lesha ano? Mas mayabang ex no'n." Natatawang sagot nya pero sumeryoso din sa huli.

"Hindi ko alam ang gagawin ko, Kyla. Habang nakikita ko s'yang iba iba ang mga kasama nyang babae. Kahit araw arawin nya 'yon, ang s-sakit pa din," sabi nya, nakita ko ang pagtulo ng butil ng luha nya.

First Time Having A Relationship (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon