Chapter 59✔

31 7 37
                                    

Shocking Announcement

Kyla's P.O.V

"Huy, bakit hindi ka pa kumakain?"

Napalingon ako sa kumausap sa akin, nakita ko si Clarence na papalapit sa akin. Hindi ako kumibo at nag-iwas ng tingin sakanya, napasinghap ako ng hilahin nya ako at pinalupot sa mainit na bising nya.

Doon natuloy ang balak ko sa pag-iyak, ang sakit pa din pala kahit ganto lang ang nagyayari sa akin. Naramdaman ko ang kamay nya na hinahaplos ang buhok ko.

"A-Ang sakit p-pala," bulong ko at gumati ng yakap sakanya.

"Shh, it's alright. Katulad ng una kong inisip, you're my first angel." Ani nya, napapikit nalang ako at sinubsob pa ng husto ang ulo ko sa dibdib nya.

"C-Clarence, b-bakit nya nagawa 'yon? B-Bakit ganon, parang may i-iba?" Utal utal na tanong ko, marahan nya ang hinawakan sa braso at pinaharap sakanya.

"Wala akong makitang dahilan para ganyanin ka nya, sorry kung hindi man lang kita masamahan, sorry kung sa iba ako nakatuon ngayon." Paghingi nya ng paumanhin, nagpilit ako ng ngiti, wala naman s'yang kasalanan eh.

"Wala ka namang kasalanan, ako naman ang nasasaktan at hindi mo kasalanan 'yon," sabi ko at tuluyan ng umalis.

"Hindi ka pa kakain?" Tanong nya at hinaplos ang pisngi ko, agad naman akong umiwas.

"Baka magselos nyan si Bianca kapag nakita tayo," natatawang sabi ko at suminghot.

"Hindi 'yan, wala namang gusto sa akin ang isang 'yon. Tyaka may tiwala naman sa'yo ang isang 'yon, tara na?" Aya nya, hinawakan nya ang kamay ko at hinila palabas ng room.

May mga estudyante sa hallway pero kaunti lang, nakita kong pabalik na si Lesha at kasama nya si-teka sino 'yon? Si Noel?

Bakit kasama nya ang ex nya?

Napalingon s'ya sa akin, nakakunot ang noo nya at tumakbo papunta sa pwesto ko.

"Bakit ka umiyak?!" Tanong nya tila ba nagaalala, ngumiti ako.

"Wala 'to, kakain lang kami ha?" Sagot ko, kahit nagaalala s'ya tumango nalamang s'ya.

Pakiramdam ko nailang ako bigla nang hawakan ni Clarence ang kamay ko, napatunghay ako at tinignan s'ya, deretso lang s'yang nakatingin sa daan.

"B-Bakit mo hinahawakan ang k-kamay ko?" Nahihiyang tanong ko, wala akong gusto sakanya pero pakiramdam ko pulang pula na ako.

"Walang malisya ito 'no." Natatawang sagot nya at pinisil ang kamay ko.

Siraulo talaga...

"Saan tayo kakain?" Masiglang tanong ko habang nagtatalon at naglalakad.

"Sa gusto mong kainan dati, sisig tayo ulit ha?" Sabi nya, tumango nalang ako at ngumiti ng matamis.

Narating namin ang parking lot at asa unahan nakaparada ang sasakyan nya, pinasakay na nya ako at sumakay na din s'ya sa drivers seat.

Minaneho na nya ang sasakyan patungo sa pinagkakainan namin dati, napasulyap ako sa ice cream parlor. Doon kami pumunta kahapon.

"Bakit kasi 'yan pa ang pinagbayad mo, asa parlor lang tayo eh."

Napailing nalang ako ng maalala na naman ang nangyari kahapon, hindi ko dapat inaalala 'yon, hindi muna ngayon. Naiinis pa din ako sa ugaling pinapakita nya sa akin.

"Tara nasa loob," aya ni Clarence, tumango ako at binuksan na ang pintuan ng sasakyan.

Pumunta kami sa loob ng pinagkakainan namin, napalingon ako sa loob, madami ng kumakain dito. Siguro halos na ng estudyante, hindi na din kasi kami bumalik dito dahil si Mark ang kasama ko tuwing Lunch.

First Time Having A Relationship (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon