Chapter 43✔

29 8 56
                                    

Last disclaimer ko na 'to, typos and grammatical errors are written by accident! Thank you! Kwenies❣

Which House

Kyla's P.O.V

Hindi ko alam kung nanaginip ba ako o hindi pero—ay ewan basta! Kanina gustong gusto kong lumubog pero ngayon gustong gusto ko nalang mawala.

"What?" Tanong ko dahil nakatitig lang s'ya saakin.

"Can I know what topic we're going to do?" Inosenteng tanong nya habang nakanguso, hindi ko maiwasang mag-iwas nang tingin.

Bakit kasi kailangang ngumuso, lalo akong nahihirapang iwasan ka eh.

"E-Ewan, bakit hindi mo tanungin si Sir?" Tanong ko at kinalikot ang cellphone ko, ngunit nagulat ako ng kuhanin nya iyon mula saakin.

"Ibalik mo nga 'yan!" Sabi ko at sinubukang kuhanin ang cellphone sakanya pero tinaas nya lang iyon.

"Hindi ka nakakatuwa!" Sambit ko pa at binitbit ang bag ko akmang aalis ako do'n, sa hindi inaasahang pangyayari hinapit nya ako sa kamay at hinila.

"Here, don't leave please.." sabi nya at binigay ang cellphone ko, do'n nanuyo ang lalamunan ko nang tignan nya ako ng taimtim.

Nakakailang..

Sa pagkakataong ito ayoko nang umuwi, sana laging ganyan kasi kahit close man lang wala kaming ganon. Mapait na napangiti ako at iniwas ang tingin sakanya.

"You okay?" Tanong nya at hinawakan ang braso ko "Why are you crying did I do something wrong?" Hindi ko alam na naiyak na pala ako, agad ko namang pinunasan iyon.

"Wala napuwing lang," sambit ko ngunit parang hindi s'ya kumbisado dahil taimtim pa rin nya akong tinitigan.

"Hoy ano ba? Wala nga lang," sabi ko at tumingala parang naiiyak na naman ako, bakit ba ang emosyonal ko naman ata ngayon? Hindi na tama ito.

"Stop crying," sambit nya at tinulungan akong punasan ang luha ko.

"Bakit ka ba umiiyak?" Tanong nya uli.

"W-Wala may naalala lang," pagdadahilan ko at pinaglaruan ang mga daliri ko.

"Okay." Ani nya, ang manhid mo naman, ang manhid manhid mo.

"Ganito nalang saan tayo gagawa ng project?" Tanong ko, napahawak naman s'ya sa baba nya tila ba nagiisip.

"Sa amin na lang," sambit nya, doon ako napahinto sa pagtitig sakanya, bakit sakanila? Dapat pala hindi ko na tinanong.

"H-Hindi sa amin nalang," pag prisinta ko, umiling naman s'ya at tumayo na. Nagulat ako ng ilapat nya ang kamay nya para bang aalalayan ako.

Hindi na ako pumalag at hinawakan ang kamay nya, nang makatayo ako lumayo ako agad sakanya. Napatungo ako at nagiwas nang tingin.

"Sumabay kana saakin," ani nya, naiangat ko ang ulo ko dahil do'n. Hindi nag proseso ang sinabi nya sa'kin, kahit gusto kong sumabay sakanya mayroong parte saakin na ayaw dahil sa mga bulungan na magaganap.

"Hindi na, ano ka ba?" Natatawang sabi ko sakanya pero natahimik ako ng tumitig lang s'ya saakin.

"Ano na?" Sabi ko pa at pumitik pitik pa sa harapan nya.

"Magpaalam ka na sa driver mo," utos nya, napakunot ang noo ko. Sino namang driver ang tinutukoy nito?

"Sinong driver?"

First Time Having A Relationship (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon