Chapter 46✔

28 7 33
                                    

Elevator

Kyla's P.O.V

Napatingin ako sa gawi ni Zelda, bakit parang namutla s'ya sa sinabi ni Clarence? Diŕen sino naman kaya ang mga 'to?.

"Gang ang mga 'to, and I can tell na sila ay kid members," pagtutuloy ni Clarence.

"Paano mo nalaman ang mga ito?" Tanong ni Emiradian sakanya.

"Nakalaban ng Kuya ko ang mga 'to noong 2010, hindi ko lang alam kung bakit hanggang ngayon ay sumusunod sila," saad ni Clarence.

"Wala sa bulletin board na kasama ang Kuya mo," sabat ni Zelda kaya't napalingon kami sakanya. Bakas sa mukha nya ang pagkagulat sa sinabi ni Clarence.

"Dahil noong matapos ang labanan na iyon, itinago mo s'ya. Huwag mong sabihin na hindi totoo iyon." Malamig na sabi ni Clarence.

"Clarence, tama na 'yan-" hindi na ituloy ni Emiradian ang sasabihin nya ng sumabat si Clarence.

"Mauna na 'ko, alam kong hindi mo naman sasabihin ang totoo dahil mapanglihim ka." Ani nya at tuluyan nang lumabas.

"Sino ang mga ito, Zelda?" Tanong ni Jaymee.

"Hindi ko alam kung s-sino ang mga 'yan..." sagot ni Zelda.

"Kung ganon, aalis na kami. Pasensya na sa abala," pamamaalam ni Xander at tuluyan na ding umalis.

"Mauna na ho kami," pamamaalam ko at nag bow kay Emir.

"Sige hija at hijo, salamat. Babalitaan na lamang namin kayo kapag nalaman ko kung sino ang mga 'yon." Nakangiting sabi ni Emiradian, ngunit parang ayaw mangyari iyon ni Zelda dahil siniko nya si Emir.

Umalis na kami doon hanggang marating namin ang parking lot, agad akong napaiwas nang tingin nang mapagtantuan ko na nakisabay lang pala kami sa mga sasakyan nila Mark.

Nagulat ako ng binuksan nya ang pintuan para sa passenger seat, naiilang ako kaya hindi ako sumakay ka agad.

"Get in," ani nya kaya kahit na naiilang ako sumakay na lang ako.

Agad naman nyang ini-start iyon, tumingin lang ako sa labas ng bintana. Madaming gusali ang nadadaanan namin. Napaisip ako, paano 'ba maging masaya? 'Yong alam mong natural at hindi pilit.

"Kyla," napalingon ako kay Mark na tinawag ako gamit ang pangalan ko.

"B-bakit?" Tanong ko, nag-ayos muna ako ng upo.

"I know that we did that... that kind of weird kiss. I am sorry, I didn't meant to do that. Just ignore it-forget it," ani nya, napatulala ako dahil doon.

Hindi nya sineryoso 'yon?

"H-Hindi seryoso para sa'yo 'yon?" Nagtatakang tanong ko.

Umiling s'ya parang nanikip ang dibdib ko dahil doon, anong ibig nyang sabihin na ang pagnanakaw ng halik sa isang tao hindi nya kailanman siniseryoso?

Gusto ko nang lumabas dito sa sasakyan, kung pwedi lang tumalon ginawa ko na. Kung hindi lang talaga 'yon nakakamatay sigurado akong gagawin ko iyon.

"'Wag mo sanang masamain ang sinabi ko, Kyla. Girlfriend ko na si Isabelle, ayokong pag awayan namin ang ganong bagay," sabi nya, mas lalo akong nanlumo dahil sa sinabi nya.

"S-Sige kakalimutan ko ang bagay na 'yon, pero sana kung gagawin mo sa ibang babae ang ginawa mong panghahalik sa akin, sana seryosohin mo. Hindi porke halik lang 'yon, h-hindi na big deal para sakanila o saamin 'yon," pagpapaalala ko sakanya.

First Time Having A Relationship (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon