Chapter 38✔

24 6 22
                                    

Ako ay naghihingi ng paumanhin kung mayroon kayong makikitang palimbagan o kaya naman ay ang aking pagkakamali sa gramatika.✌🏻

Isabelle Angelic Alvarez

Kyla's P.O.V

Katulad nang inaasahan namin palagi, mayroong almusal na nakahanda sa lamesa. Dalawang buwan na rin noong nakarating kami dito ni Clarence, ngayon ang unang pasukan para sa 3rd year highschool.

Kasabay kong bumaba si Clarence naligo na din ito, naka t-shirt na din s‘ya at pants. Ako naman ay naka manipis na sando at cycling.

Nagtungo kami sa dining table, andoon ang cornbeef at ham kasama na din ang kape. Kasabay naming kumakain si Kuya, ngayon din ang unang pasok nya sa trabaho nya.

“Ang tanda na natin, Hon.” sabi ni Mom kay Dad, inakbayan naman ni Dad si Mom.

“Matanda ka ba nyan, ang ganda mo parin sa paningin ko,” paglalambing ni Dad, napangiti ako at tumingin sakanila.

“Pareho naman kayong hindi pa matanda eh,” sambit ko, ngumiti naman sila.

“Pamang bola talaga ang Daddy mo Kyla,” sagot ni Mom at natawa, sinamaan naman ni Dad ng tingin si Mom at tinaasan ng kilay.

“Nambobola?” tanong ni Dad, napahawak s‘ya sa baba nya tila ba nagiisip “Parang gusto mo atang sundan ang bunsong Kyla, Hon.” nangaakit na ani ni Dad.

“Dad, Mom. Kadiri kayo,” sumbat ni Kuya.

“Wala ka kasing lovelife eh,” sabat ko.

“Kala mo s‘ya meron.” sabi ni Kuya at sinamaan ko naman s‘ya nang tingin.

“Ay, bata pa kayo h‘wag munang ganyan.” pagbabanta ni Manang.

Tumahimik na kami at kumain nalamang, mayroon parte sa sarili ko na ayaw kong pumasok kasi kaklasi ko si Isabelle, mayroon din na gusto kong pumasok dahil sila parin ang kaklasi ko.

“Tapos na ho ako, magbibihis lang po ako.” pagpapaalam ni Clarence, halos sabay lang din kaming natapos, si Kuya kasi may inaasikaso sa laptop nya.

Linagay ko na ang plato ko sa sink at ang mug na pinaglagyanan ko ng kape. Busog ako dahil naka dalawang kuha ako ng almusal.

Madami talaga ang kinakain ko kapag umaga dahil kaunti lang ang nao-order ko sa Canteen tuwing breaktime.

Pagkaakyat ko sa kwarto ko ay sinuot ko na ang blouse ko at ang blazer na kulay black kasama din ang darkblue na necktie. Sinuot ko na din ang palda ko na below the knees.

Kinuha ko sa kama ko ang bag ko at wallet ko pati narin ang cellphone, wala akong abubot sa buhok tanging bracelet na rubber lang ang suot ko.

Pinihit ko na ang doorknob at bumaba na ng hagdan, pumunta muna ako sa kusina at kinuha ang tumblr ko na may laman na malamig na tubig.

Pagkatapos kong kunin ‘yon ay pumunta na ako sa harapan ng bahay namin, tulad ng inaasahan ko andoon si Clarence na hinihintay ako.

Nakita nya ako kaya may pinindot s‘ya sa susi, bumukas naman ang pintuan. Pinagbuksan na nya ako, sumakay na ako sa passenger seat at linagay ang seatbelt.

“Kasama din ba kita sa isang section?” tanong nya habang inuurong ang sasakyan.

“Oo naman, sa pagkakaalam ko ikaw at si Isabelle ang transferred ngayong taon,” paliwanag ko, tumango nalang s‘ya at nagdrive na.

Nakakaantok din dito sa sasakyan dahil sa makalumang kanta na pinapatugtog galing sa speaker, isabay mo pa na ang aga naming nagising.

Napatitig ako kay Clarence na nagdr-drive, gwapo talaga s‘ya siguro pag andoon na kami may titili rin para sakanya. Ang puti nya, dinaig pa ako.

First Time Having A Relationship (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon