Chapter 28✔

40 8 9
                                    

Expect grammatical errors and a lot of typos. I don't do back reading, thankyou❣

Advice From Manang Romelita

Kyla's P.O.V

Naalimpungatan ako sa tunog ng cellphone ko, may tumatawag. 'Di ko nagawang tignan ang pangalan nang tumatawag at agad na sinagot 'yon.

"Oh?" May pahid na-inaatok pa na sagot ko.

[Tsk! Oy, gumising ka na dyan! Aba! Aba! Sobra naman ata ang beauty rest mo?!] Tch, kilala ko na 'to.

Si Jaymee 'to, ang ingay e..

"Oo na! Panira ka ng tulog e no?" Sabi ko na at ngumuso kahit alam kong 'di nya nakikita iyon.

[Hoy—]

"Ano nanaman ang patakaran mo?" Sabi ko at naglabas naman sya ng makalas na buntong-hininga.

[Para sabihin ko saiyo, alas-dose na nang tanghali. Kadiri ka, 'di ka nanga kumain, 'di ka parin naghihilamos.] Tila nandidiring ani nya pa.

Aba, siraulo 'to ah..

"At bakit? Ikaw ba e naghilamos na, samantalang diretso ka agad sa cellphone mo at naglalaro ng mobile games?"

[Tsk! Sige na, kumain kana. Pupunta na kami maya-maya d'yan] ha?

"At bakit naman kayo pupunta?" Takang tanong ko, narinig ko naman ang pagtawa nya ng mahina.

[Halos ata ng kalutangan inangkin mo Kyla Jane Navarro-Gue–] agad kong pinutol ang sasabihin nya.

"Kyla Jane Navarro lan—"

[Ewan sayo, tss] at nagpakawala nanaman ng buntong-hininga [Napaka-lutang, hays. Diba nga magre-review tayo sainyo?]

"Ay oo nga pala, nakalimuta—"

[Ewan sayo, tss. Bye] at binaba na nya ang tawag.

Hays, napaka-siraulo. Tch, tch, tch!

Agad akong dumeretso sa banyo at kinuha ang towel ko at naligo, kung walang bibisita hilamos lang ang ginagawa ko pero pag meron ligo agad.

Nagmatapos akong maghimalid ng katawan, nag toothbrush na ako at nagmumog ng mouthwash. Amoy na amoy ko ang mint na hininga ko.

Sarap ko sigurong halikan nito, tch, tch, tch...

Pagkalabas ko ay pumunta ako agad sa kusina habang nagpapatuyo ng buhok, bumungad saakin ang hotdog at meatloaf, at syempre kape.

Saraaaaaapppppp!

Kumain na ako nang kumain hangga't maubos ko ang asa plato ko, sumipsip naman ako sa kape ko, 'di ko kayang lagukin ito dahil mainit parin.

Umakyat ako uli sa kwarto ko at inayos ang studytable ko, dahil dito kami mag re-review panigurado.

*Ringgggg**Ringgggg*

Agad kong sinagot iyon, nakita ko naman na si Lesha 'yon.

[Hello!] Ang lakas nang sigaw nito.

"Hi, papunta na kayo?" Tanong ko.

[Oo, malapit na kami dyan, gamit namin yung sasakyan ni Jaymee]

"Good, maayos na din ang pwesto dito" sabi ko at pumagpag pa sa lamesa.

[Haha, alam mo bang nakabusangot ang isang Jaymee Rose Javier?]

First Time Having A Relationship (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon