Kabanata 4

4.5K 132 10
                                    


Mr. Saavedra


Narating namin ni Vandros ang mansyon nila. Lumaki ang mata ko sa aking nakikita! Just wow. Still the same house! Nag bago lamang yung pintura pero over all, ang ganda parin. Nilibot ko uli ang tingin sa buong lugar. From wall paints to precious carpet. Parang nahihiya akung tumapak. Nakakahiya kasi yung sapatos ko luma tas yung aapakan ko, kasing mahal ng ginto.

"Why?" Kunot noo na tanong ni Vandros sakin.

Umiling lamang ako at kinuha ang kamay ko sa kanya. Umupo sa sahig para hubarin ang luma kung sapatos. Nakakahiya talaga!

"What are you doing?" Tanong nya uli.

"Ah, hinubad yung sapatos ko." Sabi ko at iniwas ang tingin.

Kumunot lalo ang noo nya. "At bakit naman?"

Pumula ang pisnge ko. Part of me don't know what to say. Gusto ko sabihin na nahihiya akung tapakan ang mamahaling nuwebles ng mansyon nila.

"Sobrang linis ng sahig nyo. At sobrang mahal pa. Nakakahiya naman tapakan iyan ng mga mumurahin at sira kung sapatos." Sinabi ko iyon ng walang pag aalinlangan.

Humalakhak lamang sya sa ginawa kung rason. Diko alam kung ano ang nakakatawa don. Ano? Tatawanan nya ako dahil sira na ang mga sapatos ko? Or dahil mura lamang ang mga ito?

Grade 11 pa itong sapatos ko. Sa awa ng Dyos, hindi naman ito masyadong nasira. Carry pa na ilalakad araw-araw.

"You don't have to do that. You can wear that inside our house." Sabi nya.

Hinatak nya na ako papasok sa mansyon nila. Kada katulong na nakasalubong namin, binabati sya tas ako naman titingnan mula ulo hanggang paa. Like im just a trash na hawak hawak ni Vandros. Habang hatak-hatak nya ako, naka yoko lamang ako. Ano, hobby ko na ba talaga ang pag yoko ha?

"What do you want?"

"Kung anong meron jan. Yun ang kakainin ko."

"Eh ako lang ang meron dito so kakainin mo 'ko?"

Napakurap ako sa kanyang sinabi. Ano?

Tumawa sya. Anong ibig nyang sabihin?

"Kidding. May hinanda si manang. Ito nalang?"

"S-sige..."

Tinuro nyang ang high chair at pinapaupo doon. Habang sya naman ay nag hahahanda. Para kaming mag jowa sa ginawa namin. Naka ngiti lamang sya habang sineserve nya ang pagkain sa aming dalawa.

"Salamat..."

"You're welcome. Dahan dahan lang mainit pa iyan."

Tumango lang ako at sinimulan ang pag simsim sa matamis na sabaw. Para akung nabuhayan. Ngayun lang din ako nakakain neto.

"So... classmate pala kayo ni Jona?" Pag babasag ng katahimikan nya.

Pinunasan ko muna ang bibig ko bago sumagot. "Oo, since grade 7."

"Hindi naman kayo pinahihirapan ng teacher nyo?"

Umiling ako. Wala naman except ni Ma'am Maano pero dahil buntis sya. Pero carry naman.

"Uh, wala naman. Okay lang."

Tumango lamang sya at isinubo ang pag kain nya. Diko parin nagalaw ang akin dahil hindi parin naman ako makapaniwala na niyaya nya ako dito.

"Ayaw mo nyan?" Tanong nya na napakurap ako.

"Gusto! May i-iniisip l-lang..."

Umigting ang panga nya at ipinag patuloy ang pag kain. Sinubo ko na rin yun. Not bad. Masarap iyon. Ngayun ko lang ito natikman pero hindi ko alam yung pangalan.

Vengeance Of Mine (Isla Del Fuego Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon