Business
"May babayaran bang bill?" tanong ko habang hinahanap yung wallet ko na diko alam na nadala ba ni mama o wala.
"Bat naman babayaran?" tanong nya rin pabalik saakin kaya napakunot yung noo ko.
Tumigil ako sa pag hahalungkat ng gamit ko at hinarap sya at tinitigan ng may diin. Self, where did you get the guts to stare this man? Tapang mo yata ngayun, Lauvette. Anong gamot ang tinira ng doctor sa iyo at nagka ganyan ka.
"Ano ba talaga, Kuya Van?" diniin ko talaga ang kuya para maiinis sya. After all, he's still my kuya.
"You call me what? I didn't hear it right." kalmado nyang sabi pero may diin.
"Uh, Kuya Van? I think you heard it right." pag mamatapang ko.
Umismid sya at nilayo ang tingin saakin.
"Sumagot ka kasi ng maayos. Tinanong kita e."
Kumunot ang noo nya at tiningnan nya uli ako.
"Hays, how many times I told you that you owned this hospital? Matalino ka sana yet slow. I need to do something about that." sabi nya kinuha ang kamay ko.
Di na ako umimik at sumunod nalang sa pag lakad nya. Sya lahat nag bitbit ng bag samantalang ako, yung shoulder bag ko lang ang dala ko.
Pumasok kami sa lift at may pinindot sya pababa. Hinayaan kulang sya gawin iyon. Ginalaw ko ang kamay ko para makawala sa kanya kasi alam kung nahihirapan na sya. Tsaka, pasmado ako. Nakakahiya hawakan tong kamay nya.
Hinigpitan nya ang hawak pero dahil matigas ang bungo ko, dinadahan dahan ko kinuha ang kamay ko. Namamawis na ako dito. Dapat makuha ko na talaga ito.
"What are you doing?" kunot nyang tanong.
"Ano?" tanong ko din pabalik.
"Ang kulit mo talaga." tsaka ng iwas sya ng tingin.
"Pinapawisan na ang kamay ko, Van." diretsahang sabi ko na nakapag pakaba ko.
"ow" bigla nyang sabi at pinahid nya sa kanyang mamahalin nyang damit ang kamay kung parang water falls.
Anong katarantaduhan ang ginawa mo, Vandros?
"Ano ba 'yan, Vandros! Alam mo naman na mamahalin 'tong damit mo tas dito mo pa pinahid yung kamay ko."
"So what?" Tinaas nya ang kilay nya bago nag salita. "Mas mahal kita, you kid."
Napakurap ako sa kanyang sinabi. What? Ang gulo nya. Noon, gusto nya lang talaga ako. Tas ngayun, mahal nya na ako. Ganito ba yung pag ibig? Sorry wala akung alam. Masyado pang bata yung isip at puso ko para maramdaman ito. Nakakatakot sumugal sa alam mong wala namang kasiguraduan. Napaka vulgar nya. Di man lang sya nahiya na sabihin 'yon saakin. Nakaka ano talaga 'tong lalaking to!
"God! Didn't know that I know how to fire some cheesy lines!" biglaan nyang sabi at tinitigan ako.
Bakit ganito? Ang bagal ng takbo ng lift? Sya lang nakikita ko. Well, sya lang rin naman yung tao dito. Wala naman kaming ibang kasama. Pero bakit may kulisap na nabubuhay sa tyan ko? Teka, yung dibdib ko, parang tinakbo ko yung Santa Ana hanggang Lazi sa sobrang bilis.
Nabigla nalang ako nung biglang tumunog ang lift. Doon na ako natauhan at kinurot ang sarili.
"Your spacing out lately, may masakit ba sa'iyo?" tanong nya.
Parang wala lang yung sinabi nya kanina. Parang hindi siguro ako makakatulog ngayung gabing ito.
"Ano ba 'yan! Mahuhuli tayo sa flight! Maya na kayo mag lampungan 'dyan pag dating natin sa Lazi. Nakoooo nagugutom na ako." biglang sapaw ni Jona habang dala ang nga plastic bag na binili.
BINABASA MO ANG
Vengeance Of Mine (Isla Del Fuego Series 1)
General FictionVandros Darrick Sandoval is an elite bachelor and finally found someone whos way younger than him. Is it history repeats it self? Or this is their Vengeance?