Surprise
Unti-unti nawawala sa paningin ko ang kausap ko kanina kaya binaling ko nalang ang atensyon ko sa kaibigan ko na hindi parin tapos makipag usap sa matiponong lalaki. Inikot ko muli ang paningin ko para hanapin si Ate at Siarra na nandun parin sa stanti ng mga borloloy.
"Ate? Di pa tayo uuwi? Pagod na ako." Bulong ko.
Tiningnan nya lang ako umiling habang si Siarra naman ay binitawan ang napiling borloloy at lumapit saakin.
"Gutom kana?" Tanong nya.
Tumango ako at hinimas ang tyan ko. "Oo."
Hinatak nya ako papalapit sa isang Spanish Resto na malapit sa botique.
Agad kaming sinalubong ng waiter at ningitian kami. "Buenas dias senyorita, table for dos?"
"Yes please."
"Local or tourist?"
Kunyareng nag iisip si Siarra pero sa huli "Hmm, tourist."
Kumunot ang noo ko at natawa. "Kailan kapa naging torista?"
"Hmm, ngayon lang. Torista ako sa sarili kung bayan."
Umupo kami malapit sa bintana at agad din kaming binigyan ng menu. Nachos lang ang natikman ko dito.
May sinabi si Siarra sa waiter na diko mahanap sa menu kaya tinanong ko sya. "Ano yan? Wala sa menu ah."
Umiling lamang sya at binalik pansin sa waiter. "Hmm, senor make it two please."
Nawala agad sa harap namin ang waiter at nilagay muli ni Siarra ang menu sa lamesa.
"May paaralan dito?"
"Natural meron noh. Pero parang ilalagay ka ata sa spanish school ng kapatid mo." At kabit-balikat sya.
"Bakit? Paparusahan ba ako?"
"Ewan. Siguro para madali kang matuto mag spanyol."
Tumigil kami sa pag uusap ng dumating ang waiter. Nilapag nya ang pagkain namin at ng bow bago umalis.
Tinitigan ko ang pagkain ko dahil walang kanin. So, pano ako mabubusog neto?
"Dika nag order ng kanin."
Lumaki ang mata ni Siarra at tumawa. "Anong kanin? Di naman sila kumakain ng kanin ah."
Kumunot ang noo ko. "So walang kanin dito?"
"Wala." Diretsahan nyang sagot.
"Pano ako mabubusog neto?"
"Nakakabusog naman yang inorder ko ah, para kana ring kumakain ng kanin."
Umirap nalang ako at kinain 'yon. Tama si Siarra, masarap nga at parang kumakain na rin ako ng kanin.
Pag katapos namin kumain ay agad rin kaming lumabas. Diko man lang namalayan na nag bayad si Siarra. Diko nga din alam na may dala itong pera e.
"Teka, wala na yong sasakyan naten." Turo ko sa tapat ng fountain.
"Umuna na umuwi sila. Ako na bahala sayo di naman kita aanohin."
Nagpahatak nalang ako kung saan nya ako gustong dadalhin. Pumasok kami at loob ng botique at agad kaming sinalubong ng baklang designer.
"Buenos dias Senyorita Siarra. Its nice to see you, again here." Gamit ang ibang tono.
Nag beso silang dalawa at nag usap gamit ang espanyol na salita. Tinitingnan ko ang mga gowns na nasa kanilang mga lalagyan. Maganda iyon at mahirap soutin. Pati na rin ang mga pang lalaki. At dulong bahagi ay may nakita kaming barong at Kimuna. May mga nakakakalat rin na mga tape measures at mga gowns na hindi pa tapos gawin.
BINABASA MO ANG
Vengeance Of Mine (Isla Del Fuego Series 1)
General FictionVandros Darrick Sandoval is an elite bachelor and finally found someone whos way younger than him. Is it history repeats it self? Or this is their Vengeance?