Kabanata 23

2K 44 2
                                    

Time

Panay ang kulikot ni Adams sa cellphone nya habang nakatitig ako sa kawalan. Ito yung una at huling araw ko dito sa Manila kaya sulit-sulitin ko na ang mga araw na nandito ako.

Panay turo naman ni Jona sa mga taong dumadaan o papunta sa kinaroruonan namin. Hinahayaan ko lamang sya.

Nilapitan kami ng waiter at binigay na ang order namin. Kinuha ko agad ang pagkain ko dahil gutom na ako. Di naman ako tulad ng iba jan na pag broken e hindi na kakain. Di bale ng sawi yung puso ko wag lang ang tyan. Ayoko pa mamatay. Maybe, Im dead inside but I wont let it affect my physical.

Nag usap si Ate at Siarra gamit ang kanilang lenguahe habang tumatawa. Nakikinig lang ako sa kanila kahit alam ko naman na wala akung maintidihan na kahit ano.

"Anong oras naba?" Tanong ko.

Tinuon nila lahat ng atensyon saakin at tiningnan ang mga relo nila.

"2:45 pm pa. Mama pang 4:30 alis natin dito." Ani Siarra.

"Eh ano naman oras flight naten?"

"6:20 pm. Pero dapat nasa airport na tayo by 5:30."

Tumango lang ako at pinagpatuloy ang pagkain. Bumalik din sila sa dating gawi kaya nanahimik nalang. Pagkatapos namin ay lumabas na kami. Nag libot sa paligid. Lahat ng shop ay napasukan na namin at may binibili sila. Di man sila napagod.

"Gutom na ako." At hinimas ni Adams ang tyan nya.

"Eh dika kasi kumain bakla ka. Tara kain muna tayo bago umalis."

Hinatak ni Ate ang braso ko at sabay kami nag lakad. May binulong sya na hindi ko maintindihan kaya kunot noo akung lumingon sa kanya.

"Ano?"

"Anong gusto mong phone?" Tanong nya.

Huminto ako sa paglalakad at tinitigan sya.

"Wag na, ate. Baka malaman pa ni Van ang number ko mahanap nya pa tayo."

Tumawa si Ate. "Ang advance mo naman ata mag isip." Hinampas nya si Siarra kaya kunit noo syang lumingon ni ate.

"Oh ano?" Tanong nya.

"Wala... natatawa lang ako kay Lauvette."

Umirap lang sya at tinuloy ang ginagawa.

"Irereto kita don sa mga Latino." Biglang sabi ni Ate sa tabi ko.

"Ate..."

"What? Besides single ka. Mas gwapo pag latino ang ma boboyfriend mo. Tsaka, latina ka rin naman ah? Whats the problem?"

"Hindi ganun 'yon. I mean, mag momove on muna ako bago ako papasok sa ganyan."

Tumatango sya at hinigpitan ang hawak nya.

"Masakit ba talaga ang ginawa nya?"

Umirap ako at hinarap sya. "Ewan ko sayo, Ate. Iiyak ba ako kung hindi? Tsaka, aalis ba ako ng bansa pag hindi?"

Nag kabit balikad lang sya at sumama kay Siarra sa pag papamili ng pagkain. Naalala ko, birthday kuna pala ngayon sabado. Pero parang nakalimutan ata nila. Di bale na, wala rin naman akung gana mag celebrate.

"Teka, ano ba kakainin naten?" Tanong ni Adams.

"Ewan, parang nag mamadali sila. Tsaka malapit alas 5 dapat nandun na tayo sa airport." Ani Jona.

"Teka, nagpalit naba ng simpack mama mo?"

"Oo, Adams. Pati na rin ako pero parang palpak ang plano e. May mag tetext na hindi ko kilala. I mean, Unregistered number."

Vengeance Of Mine (Isla Del Fuego Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon