Talk
Pagkatapos namin kumain ay nag babad agad ang mga lalaki sa dagat samantalang kami ni Jona, Siarra at Adams naman ay nag kukumpulan at nag uusap kung paano namin gawin ang plano namin na paramihan ng lalaking malalapitan at makakausap.
"Di sasali si Lanette?" Out of nowhere na tanong ni Siarra.
Sumagot naman kaagad si Jona. "Hindi. Bumalik nga kaagad 'yon sa suite kasi mag bibihis. May kailangan syang kausapin for your business daw."
Napaisip ako, nasabi na noon saakin 'to ni Vandros. Ate is not into business. So how come na may kinakausap sya? Or may ikikita lang na hindi namin alam?
"Ha? E hindi naman interesado si Lanette sa mga negosyo, e." Nag taka narin si Siarra.
"Ewan. Baka may ikikita lang di natin alam." Nag kabit-balikat si Adams.
I shrugged my head at nakinig nalang sa kanilang walang kwentang pinag usapan.
"So ganito 'yong plano natin..." umpisa ni Adams.
"Paramihan tayo ng lalaki. Kung sino ang pinaka marami, sya yung mananalo. Deal?"
Tumango-tango rin si Siarra at agad kinuha ang pera nga sa bra.
"Here, 500 bucks. Pusta ko 'yan. How 'bout you, Jona?"
Agad rin naman kinuha ni Jona ang pera nga sa bra rin. "Same. 500 rin sakin."
Kinuha iyon ni Adams at may binunot na pera sa bulsa nya.
"500 rin sakin. So..."
Sabay-sabay nila akung tinignan at lahad ng kamay.
"Vette..." at sabay creepy na ngiti.
Tumayo kaagad ako at umatras. "Di ako sasali sa inyo."
Nag iba ang aura ni Jona at tumayo rin sya.
"Ang KJ naman! Ngayon lang naman tayo mag lalaro ng ganito please sabayan muna kami!"
Umiling kaagad ako. "Wala akung pera..."
Tumawa silang lahat kaya umirap nalang ako sa kawalan at hinayaan silang lahat na tawanan ako. May pera ako pero nandun sa bag. Tsaka, dapat ako mag tipid noh. Diko din naman bet ang laro nila.
"Oh, utang ka muna sakin." Nag volunteer si Siarra at kumuha ng pera sa bra nya.
Aangal na sana ako pero tinitigan nila ako ng masama. Wala na akung ibang nagawa kaya sumunod nalang ako sa kanila.
"So, ito ang mechanics ng game. Dapat may picture kayo ng boy na makakausap mo or makikilala mo. Dapat kilala mo rin."
Tumango naman kaagad si Adams at pumalakpak. Mukha masaya sya. Ngumiti naman si Jona habang malagkit akung tinitingnan.
"So, the game will start... NOW!" Sigaw nya.
Umirap ako sa plano na tumatakbo saaking utak. Well, mag lalaro lang naman kami. At tsaka, wala namang masama sa gagawin ko. Kaya hinubad ko ang bathrobe ko at binalandara ang katawan ko sa publiko. This will be my first and last. Kung di lang talaga dahil sa laro na 'yan e! Sino ba naka isip.
Naramdaman ko ang paninitig ng ibang tao saakin. Yung iba naman na tumitig ay binatukan ng kanilang kasama. Patago akung ngumiti at narinig ang palapak galing sa likod ko.
"That looks good on you." Ani Adams.
"Ang galing ko talaga mamili!" Proud na banat ni Jona.
BINABASA MO ANG
Vengeance Of Mine (Isla Del Fuego Series 1)
General FictionVandros Darrick Sandoval is an elite bachelor and finally found someone whos way younger than him. Is it history repeats it self? Or this is their Vengeance?