Stop, we're done.
Pumasok ako ng kwarto ko para mag bihis at maligo. Sumunod naman saakin si Jona at Adams na dala 'yong malalaking maleta habang si Jona naman ay pagkain ko.
Pumasok ako sa cr ng mismong kwarto ko at naligo. Umalis sila Ate Lanette at Siarra para kumuha ng ticket paalis kaagad ng bansa.
Ginawa ko ang dapat gawin ko at lumabas na rin pagkatapos ng trenta minutos. Pero napapaisip ako. Di naman ako makakaalis ng bansa ng walang passport.
"Diba hindi ka pwedi makakaalis ng bansa pag wala kang passport?"
Nilingon ako ni Jona. "Oo, pero sayo nagawa na. Kaya wala 'yong parents mo dito."
Tumango lang ako at umupo sa higaan ko. Binuksan naman ni Jona ang aparador ko at kinuha lahat ng dapat kunin. Tinupu nya muna ito bago pinasok sa maleta habang si Adams naman ay may tinatawagan.
Kumain ako para naman may lakas ako mamaya pag babyahe na kami.
"Siguro dapat ko munang kausapin si Vandros bago ako aalis, diba?" Wal sa sarili kung sabi.
"Bakit? Eh, niloko ka na nga non." Sabat naman ni Adams at binaba ang telepono.
"Makikipag hiwalay muna ako bago ako umalis."
Nabitawan ni Jona ang dala yang damit at inisahan ako ng kilay. "Kayo na? Kailan pa?"
Umuwang naman ang bibig ni Adams at tinuon ang boung atensyon saakin. "Sinagot muna pala!?"
Dahan dahan akung tumango at tiningnan sila isa isa. "Kahapon lang nung sinagot ko sya."
Lumunok si Adams at tumango habang si Jona naman ay kinuha anh damit ko sa sahig at umiling. Alam kung disappointed kayo sa desisyon ko.
Sorry if I let my heart win over my mind. Akala ko kasi sa pag mamahal, dapat na talaga sundin ang puso. Na dapat wala kang ibang pakikinggan kundi ang puso mo lang kahit gaano na kasakit yung nararamdaman mo, puso mo parin ang mag dedesisyon ng lahat. Pero mali ako. Sana nakinig nalang ako noon. Pero wala e. We should accept our failures. And I think, phase lang talaga sa buhay ko si Vandros.
Bumaba muna si Adams at may kakahanin daw sya. Kaya kami nalang ni Jona ang natira sa bahay.
Bumuhus ang libo-libo kung emosyon na kahit anong gawin ko ay diko mapigalan. Wala akung laban talaga. Mayaman sila e. At ikakasal. Pero bakit ganito? Bakit parang naulit 'yong nangyari saakin ni mama at papa? Pero baka iba ang sitwasyon namin. Pero bakit hahantung sa ganito.
"Shhh, iyak kalang." Yan lang ang nasabi nya at hinawakan ako sa balikat.
Pero bobo ako e. Nagpadala ako sa temtasyon ng sarap. Masakit yung ginagago ka pero nag pagago ka naman. Yung nag padala ka sa matatamis nyang salita. Oo, hawak ko nga ang lalaking pinapangarap ng kababaihan pero sya mismo ang bumitiw at nagpahawak sa iba.
Tumunog ang cellphone ni Jona at tiningnan nya kung sino ang tumawag. Bumungad saming dalawa ang pangalan ni Vandros na nakalagay sa cellphone nya kaya tiningnan nya muna ako na parang himihingi ng kompermasyon na sagitin nya ang tawag ng anak ng kanyang amo.
Tumango ako pero sinenyasan ko sya na dapat i loude speaker para marining ko ang usapan.
"H-hello, Kuya..." utal na sabi ni Jona.
Suminghap muna sya bago nag salita. "Malaki ang kasalanan ko sa kaibigan mo. Im sorry if I failed you."
Kumirot ang dibdib ko kaya napahawak ako neto at tumulo nanaman ang traydor kung luha.
BINABASA MO ANG
Vengeance Of Mine (Isla Del Fuego Series 1)
General FictionVandros Darrick Sandoval is an elite bachelor and finally found someone whos way younger than him. Is it history repeats it self? Or this is their Vengeance?