Repost...
ABALA si Krissa sa pagbabasa sa kanyang paboritong libro ng tumunog ang message alert tone ng cellphone niya na nakalapag sa ibabaw ng bedside table.
Napakagat siya ng ibabang labi nang makita at mabasa kung sino ang nag-message sa kanya. Hindi din niya napigilan ang pagkabog ng dibdib sa sandaling iyon.
Itiniklop ni Krissa ang hawak na libro at mabilis niyang binuksan ang natanggap na message para basahin.
From: Jackson
Are you busy?
Mabilis siyang nag-reply rito. Sinabi niyang hindi siya busy. At kahit naman na busy siya, sasabihin niya rito na hindi.
Ilang segundo lang ang hinintay ni Krissa ng tumunog na naman ang message alert tone ng cellphone niya. May reply siya galing rito.
From: Jackson
Can we talk now?
Kagat ang ibabang labi na nag-reply siya ng 'okay' dito. Akala niya no'ng nag-reply siya ng 'Okay' ay tatawag ito sa kanya para makapag-usap sila gaya ng gusto nito. Pero laking gulat na lang niya ng tumunog muli ang message alert tone ng phone niya.
From: Jackson
Come outside. Nasa harap ako ng bahay niyo.
Nanlaki ang mga mata ni Krissa sa nabasa. At nang medyo nahismasan ay dali-dali siyang bumaba sa kanyang kama. Sa kakamadali pa niya ay muntik pa siyang mapasubsob sa carpeted floor, mabuti na lang at na balance agad niya ang katawan.
Patakbo ang ginawa ni Krissa palapit sa bintana. At mula ro'n ay sumilip siya sa labas. Naroon nga si Jackson, nakita niyang nakasandal ito sa hamba ng kotse habang nakatutok ang atensiyon nito sa hawak na cellphone.
Umalis siya mula sa pagkakasilip sa bintana at nagmamadaling lumabas ng kwarto para puntahan si Jackson pero bumalik ulit siya sa loob ng maalalang wala pala siyang suot na bra. Hindi kasi siya nagsu-suot ng bra kapag nasa loob na siya ng kanyang kwarto.
Nang makapag-ayos ay tuluyan na siyang lumabas ng kwarto at nang bahay. Hindi na naman napigilan ni Krissa ang pagkabog ng dibdib habang naglalakad siya palapit sa kinaroroonan ni Jackson.
"Hey," tawag niya sa atensiyon nito. Nag-angat naman ito ng tingin. At lalong trumiple ang kabog ng dibdib niya nang magtama ang paningin nilang dalawa.
Malakas talaga ang impact ni Jackson sa kanya-lalo na sa puso niya. Tingin pa lang kasi nito ay pinapakabog na nito ng husto ang puso niya.
No wonder, she was smitten by him.
He is Jackson Galvez-one of the campus crush slash campus heartthrob sa Montenegro University na pinapasukan nila. Maraming babae na nagkakagusto rito dahil sa nag-aapaw na hotness at ka-gwapuhan nito. Idagdag pa na matalino ito, he's consistent deanlister. At isa siya sa mga babaeng nagkakagusto kay Jackson sa campus nila.
Na like at first sight si Krissa rito noong una niya itong makita ng mag-transfer siya sa Montenegro University no'ng second year college siya. Naging kaklase pa niya ito. Pareho kasi sila ng kursong kinukuha-ang Civil Engineering.
Madalas din na kasama ni Krissa si Jackson sa mga group projects nila sa school. At ito ang madalas na group leader nila.
Mabait si Jackson, lalo na sa kanya. Kapag nasa classroom sila ay lagi siya nitong nilalapitan para kausapin. Kapag may hindi siya naiintindihan na lecture ng professor nila ay nilalapitan niya ito para magtanong at magpaturo. Wala namang pagdadalawang isip na tinuturuan siya nito.
BINABASA MO ANG
The Ex-girlfriend (Completed)
Aktuelle Literatur(Warning: SPG | R-18) The Ex Series 1: The Ex-girlfriend Jackson Galvez