29

3K 100 1
                                    

NAGTAKA si Krissa ng pagmulat niya ng mga mata ay nasa loob na siya ng kwarto niya. At komportableng nakahiga sa kanyang kama.

Paano siya napunta sa loob ng kwarto niya? Eh, ang huling natatandaan niya ay nakatulog siya sa loob ng sofa? Nag-sleep walk ba siya?

Hanggang sa unti-unting luminaw sa kanyang isip kung paano—o mas tamang sabihing kung sino ang nagdala sa kanya sa kwarto.

At walang iba iyon kundi si Jackson.

Natatandaan din niya na minasahe nito ang sentido niya ng mailapag siya nito sa kama hanggang muli siyang makatulog.

May ngiti sa labi na kinuha niya ang unan at niyakap niya iyon. Hindi niya maipaliwanag pero ang gaan-gaan ng pakiramdam niya sa sandaling iyon. She felt energize. Para ngang hindi umatake ang migraine niya kanina lang.

Ilang sandali din siya na nasa ganoong posisyon hanggang sa napasyahan niyang bumangon mula sa pagkakahiga niya.

Akmang papasok siya sa loob ng banyo na nasa kwarto din niya ng mapahinto siya nang makita ang itim na coat na nakasampay sa silya na naroon.

Jackson is still here? Tanong niya sa sarili. Kagat ang ibabang labi na nilapitan niya ang coat na iyon. Kinuha at inamoy niya ang coat. And a familiar scent linger in her nose. At kilalang-kilala ni Krissa kung kaninong pabango iyon. At kahit na nakapikit siya ay alam niyang kay Jackson iyon.

"You're awake."

Hindi napigilan ni Krissa ang pagkabog ng dibdib ng marinig niya ang pamilyar na boses na iyon. At domoble ang kabog ng dibdib niya nang makita si Jackson na nakatayo sa hamba ng pinto ng kwarto niya ng lumingon siya sa pinanggalingan ng boses. "Is your head hurt?" Tanong nito ng magtama ang mata nila.

"Not anymore," sagot niya rito.

He smiled at her. "That's good. You make me worry," wika nito habang nakatitig sa kanya.

"Why?" tanong niya. Napansin naman niya ang bahagyang pagkunot ng noo nito. "Why are you worried about me?" pagpapatuloy na tanong niya habang nakatitig dito. Gusto niyang malaman kung bakit ito nag-aalala sa kanya. Gusto niyang malaman kung pareho ba sila ng nararamdaman sa tuwing nag-aalala siya para rito.

She felt worried about him because he is special in her heart. And how she wished that he feel the same way, too.

Nagkibit balikat naman si Jackson. "I don't know. I just feel it." sagot nito sa kanya na para bang hindi nito alam kung ano ang nararamdaman nito.

Nakaramdaman naman siya ng pagkadismaya sa sagot nito. Hindi kasi nito sinagot ang tanong niya sa paraan na gusto niya. Pero okay lang, umaasa pa rin siya na magbubunga ang plano niya.

Kapag may tiyaga, may nilaga, ika nga.

Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. Pagkatapos ay naglakad siya palapit rito. At nang makalapit siya ay hindi niya napigilan na yakapin ito. Naramdamaan niya na saglit itong natigilan sa ikinilos niya. Pero naramdaman naman niyang humawak ito sa baywang niya.

"Why are you hugging me?" narinig niyang tanong nito.

Tumingala naman siya para makita ito. Nginitian niya ito. Napansin naman niya na napatitig ito sa mukha niya. And his eyes become soft. "I just feel to hug you," sagot niya dahilan para mapangiti ito.

Hinawakan ni Jackson ang baba niya at pinatingala siya lalo. At bahagyang nanlaki ang mga mata niya ng yumuko ito para bigyan siya ng halik sa labi. Awtomatiko namang pumikit ang mga mata niya ng simulan nitong halikan ang labi niya ng puno ng pagsuyo.

Kakaiba ang halik na pinagkakoob nito sa kanya. Hindi lang niya mapin-point kung ano ang kakaiba do'n pero hindi na lang niya iyon binigyan pa ng atensiyon. Pinagtuunan na lang niya ng atensiyon ay ang labi nitong nagdulot ng kakaibang pakiramdam sa buong pagkatao niya.

She opened her mouth and started to respond to his sweet kisses. And she savours the sweet sensation she felt right now with his kiss... with his embraced and with him. All of him.  


The Ex-girlfriend (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon