38

3.2K 126 24
                                    

NAPAHINTO si Krissa nang makita ang babaeng mag-isang nakaupo sa sulok ng cafeteria. Bumuntong-hininga siya bago nagpatuloy sa paglalakad palapit sa kinaroroonan ng babae.

"Jenny," tawag niya sa pangalan ng babae. Nag-angat naman ito ng tingin ng marinig nito ang tawag nito.

Ngumiti ito sa kanya. "Hi, Krissa! Have a seat," wika nito sabay muwestra sa silya na katapat nito.

Umupo naman siya sa harap nito. "Care for drinks?" alok nito.

"No. It's okay," tanggi naman niya. "Thank you, by the way." wika niya. Tumikhim siya. "Ano pala ang pag-uusapan natin?" tanong niya.

Nasa apartment siya ng makatanggap siya ng tawag mula rito. Gusto nitong makipagkita sa kanya dahil may pag-uusapan daw sila. Hindi naman niya alam kung paano nito nalaman ang numero niya.

Napansin naman niya ang pagseryoso ng mukha ni Jenny habang nakatingin sa kanya.

"It's about Jackson."

"What about him?" Tanong niya.

"I know the real score between the two of you. Jackson told me," wika nito.

Nagulat siya sa sinabi nito pero hindi niya iyon pinahalata sa harap nito. Hindi din siya makapaniwala na iku-kwento ni Jackson ang bagay na iyon sa babae. "Simula noon ay alam ko na may nararamdaman ka na para kay Jackson kaya ka pumayag na magpanggap na girlfriend niya para pag-selosin ako. And I know that you still love him kaya ka pumayag sa set-up niyong dalawa ngayon." pagpapatuloy na wika nito. "At ngayon na nandito na ako at hindi na muling aalis pa ay pwede niyo ng itigil kung ano ang mayron sa inyo. After all, hindi naman seryoso ang relasyon niyo."

Kumuyom ang kamao niya na nasa ilalim ng mesa sa pagkainis na naramdaman para rito. "Gusto ko lang ipaalala sa 'yo baka nakakalimutan mo, iniwan mo si Jackson para sa pangarap mo. You choose your dream than him." sabi niya rito habang hindi inaalis ang tingin rito. "At ngayon babalik ka na parang walang nangyari? Na para bang hindi mo siya ipinagpalit sa pangarap mo?" hindi niya mapigilang isumbat iyon rito.

Akmang magsasalita ito ng mapahinto ito ng muli siyang magsalita. "And yes, I love him before and up until now, I still love him." pag-amin niya. "At hindi gaya mo, hindi ganoon kababaw ang nararamdaman kong pagmamahal para kay Jackson. My love for him is so deep na hindi ko siya ipagpapalit sa kahit sino, sa kahit na ano."

Kumunot ang noo niya nang makita niya ang pagsilay ng ngiti sa labi nito. "Yes, you love him. But the question is? Is he loves you? Sinabi ba niya sa 'yo na mahal ka niya?"

Hindi siya nakasagot sa sinabing iyon ni Jenny. Hindi kasi niya alam kung ano ang isasagot rito. Dahil kahit sa sarili niya ay hindi niya alam ang sagot.

Hindi kasi niya alam kung mahal ba siya ni Jackson. Hindi niya alam kung nagtagumpay ba siya sa plano niya na paibigin ito. Dahil sa araw na kasama niya ito ay hindi man lang niya narinig ang salitang mahal siya nito.

Aaminin niya, may mga kilos ito na nararamdaman niya na he cares, na may nararamdaman na ito para sa kanya. Pero para sa kanya, hindi sapat ang kilos lang. Gusto niya na manggaling mula sa bibig nito mismo ang salitang mahal na siya nito.

"Silence means, yes. And I take that an answer." Wika nito ng hindi pa siya sumasagot sa tanong nito. "I don't want to be mean to you, Krissa. But Jackson doesn't love you. He loves me," diniinan pa nito ang salitang 'me.'

"And don't hurt yourself anymore, so please stay away from Jackson before he leaves you by choosing me." wika nito bago ito tuluyang umalis.  

---

Your comments and votes are well appreciated. Thank you.

Kapag may time din po kayo, kindly follow, like, join and subscribe my social media account. Thank you!

The Ex-girlfriend (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon