"KRISSA, it's already twelve. Wala ka bang balak na kumain?"
Inalis ni Krissa ang tingin sa monitor ng laptop niya at nag-angat siya ng tingin ng marinig niya ang pamilyar na boses na iyon. Nakita niya ang ka-work niya na si Gweneth na nakatayo sa harap ng cubicle niya.
Apat na araw na ang simula no'ng mag-umpisa siyang mag-trabaho sa Galvez Firm. Sa unang araw niya sa trabaho ay pinakilala siya ng HR Manager sa ka-trababo niya bilang bagong engineer ng firm. And so far, so good wala namang problema sa mga ka-work niya dahil mababait ang mga ito. At mabilis na napakalagayan niya ang mga ito ng loob.
"Lunch time na ba?" Tanong niya rito. Tutok na tutok kasi ang atensyon niya sa ginagawa kaya hindi niya napansin ang oras.
May pinapagawa kasi si Jackson sa Engineering team. Kailangan nilang mag-submit ng mga ideas nila para sa isang townhouse. At pipili ito at ang board ng Galvez Firm ng magandang ideas at iyon ang gagamitin sa next project na gagawin ng firm.
And she needs to do her hundred percent best para mapili ang gawa niya. Hindi naman sa nakikipag-kompetensiya siya sa ka-work niya. Gusto lang niyang mapili ang ideas niya dahil gusto niyang maging proud sa kanya si Jackson.
At saka hindi naman masasayang ang ideas ng hindi mapipili. Dahil ang sabi sa kanila ni Jackson ay gagamitin din nito ang mga ideas nang iba sa susunod na proyektong mapupunta sa firm nito.
"Kanina pa po. Nauna na nga ang iba sa cafeteria," sagot ni Gweneth.
"Sige. Mauna ka na. Magliligpit lang ako ng gamit ko," sagot niya rito.
"Okay. Sunod ka na lang, ha."
Nakangiting tumango naman siya. Nang umalis si Gweneth sa harap niya ay inayos niya ang gamit na nagkalat sa ibabaw ng kanyang cubicle. Kinuha niya ang wallet at cellphone. Akmang tatayo na siya sa kinauupuan ng tumunog ang ringtone ng cellphone niya. At nang tingnan niya iyon ay nakita niya na si Jackson ang tumatawag sa kanya.
She immediately answered the call. "Hello, Sir Jackson?" Wika ni Krissa ng sagutin niya ang naturang tawag.
"Sir Jackson?" Balik tanong nito.
"Oh, what I mean, Jackson." Wika niya sabay kagat ng ibabang labi. Well, medyo nasanay kasi siyang tawagin itong 'Sir' kapag nasa work siya. Iyon naman talaga ang dapat na itawag niya rito dahil boss niya ito. Ito lang ang may ayaw, kaya napagkasunduan na lang nila na tatawagin niya itong 'Sir' kung may ibang nakakarinig. Pero kapag silang dalawa lang ay 'Jackson' lang ang itatawag niya rito. Pero kung minsan ay natatawag pa rin niya itong 'Sir' kapag silang dalawa lang.
And every time she calls him 'Sir' ay pinaparusahan siya nito. Isang parusang hindi niya pinagsisihan.
Hinahalikan siya nito sa labi at hindi siya nito tinitigilan hanggang sa hindi mamaga ang labi niya. At kung minsan, ay nauuwi ang halik na iyon sa isang mainit na eksena. But still, walang penetration na nagaganap. Hindi pa siya nito naangkin. Make-out lang kasi ang ginagawa nilang dalawa kahit na pumayag siyang maging fuckbuddy nito.
Tinanong siya ni Jackson kung bakit ayaw niyang tuluyan na siya nitong angkinin. Sinabi naman niya rito ang dahilan niya, gustong niyang manabik muna sila sa isa't isa. Iyong bang tipong, wala nang tulugan kapag inangkin na siya nito ng tuluyan. Iyong bang tipong kapwa na sila bagsak pagkatapos. At alam niyang sabik na sabik na rin itong angkinin siya. Kasi everytime na nagma-make out sila ay ramdam niya ang gigil nito. Nagpipigil lang ito dahil pinagbibigyan nito ang kagustuhan niya.
"Gusto mo naman yatang mamaga ang labi mo." Kinagat niya ang ibabang labi nang marinig niya ang sinabi nito. "Walang problema iyon sa akin, Krissa. Gustong-gusto ko nga, eh. I love kissing your lips. It's so addicting," husky ang boses na wika nito.
Kinagat ni Krissa ang ibabang labi. Sa totoo lang ay gustong-gusto din niya na halikan siya nito. Gusto niya iyong pakiramdam na nasa bisig niya ito.
"Uhm, by the way. It's already twelve. Let's eat together." Mayamaya ay yaya ni Jackson.
Kumibot-kibot naman ang labi ni Krissa. Gusto niyang um-oo sa paanyaya nito. Pero hindi pwede dahil napangako siya kay Gweneth na susunod siya rito sa cafeteria. "I'm sorry, Jackson. Pero hindi ako pwede ngayon. Nakapangako kasi ako kina Gweneth na susunod ako sa kanila sa Cafeteria. Maybe some other time?"
Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito mula sa kabilang linya. "Ganoon ba?"
"Uhm, yup. Bawi na lang ako next time," sabi niya. "Sige. I need to hang up na. Baka hinihintay na nila ako." paalam na niya kay Jackson bago niya patayin ang tawag.
Nag-umpisa na rin siyang maglakad patungo sa dereksiyon ng cafeteria. Agad niyang inilibot ang tingin para hanapin sina Gweneth. Nang makita niya ang mga ito ay lumapit siya sa mga ito.
"Um-order na kayo?" Tanong niya sa mga ito ng tuluyan siyang makalapit.
"Hindi pa. Hinihintay ka namin. Para sabay-sabay tayong um-order." Sagot sa kanya ni Patrick—workmate din nila.
"Ganoon ba. Tara, order na tayo." Yaya na niya sa mga ito.
Sabay-sabay naman tumayo mula sa pagkakaupo ang mga ito. Nagsimula na silang naglakad patungo sa counter ng nasabing Cafeteria ng mapahinto sila sa paglalakad nang makita nila si Jackson na papasok sa loob ng cafeteria.
Kinagat ni Krissa ang ibabang labi habang nakatingin siya rito. He looks so hot while walking. Lalong nadagdagan ang hotness nito sa suot nitong white long sleeves na nakalihis hanggang sa siko nito. Para itong isang modelo na naglalakad sa catwalk.
"Ang gwapo talaga ni Sir Jackson." Napatingin si Krissa kay Gweneth ng marinig niya ang sinabi nito.
"Hindi lang gwapo, ang hot pa." Dagdag pa na wika ni Sunshine. Kilig na kilig pa ang dalawa.
Kumibot-kibot lang naman ang labi niya sa komento ng dalawa. Well, agree naman siya sa sinabi ng mga ito. Gwapo at ang hot talaga ni Jackson.
"Hello, Sir." Halos sabay-sabay na bati ng mga kasamahan niya kay Jackson.
Tumikhim siya bago niya binati din si Jackson. "Hi Sir Jackson."
Jackson looked at her. Napansin niya ang pag-angat ng dulo ng labi nito tanda ng pag-ngisi. Pasimple naman niyang iniwas ang tingin rito.
"Hi," bati din ni Jackson sa kanila.
"Ano po pala ang ginagawa niyo rito, Sir Jackson?" Mayamaya ay tanong ni Sunshine rito.
"I want to have lunch with you, guys," Sagot nito. "Matagal-tagal na rin kasi simula no'ng nakisabay ako sa inyo."
"Oh," halos sabay-sabay na wika naman nila lahat.
"Oh, mukhang ayaw niyo akong makasabay, ha." Komento naman ni Jackson nang makita nito ang naging reaksiyon nila.
"Of course not, Sir." Halos sabay-sabay na sagot ng mga kasamahan niya.
"Gusto namin," dagdag naman na sagot ni Gweneth.
Ngumiti lang naman si Jackson. Pagkatapos no'n ay sinabi nitong pumila na sila para maka-order.
At habang nakapila ay tumunog ang message alert tone ng cellphone niya.
Ngumuso si Krissa nang makita niya ang pangalan ni Jackson sa screen ng cellphone niya. She opened the message.
From: Jackson
You call me, Sir again. Lagot ka sa akin mamaya. I will kiss you nonstop.
Kinagat niya ang ibabang labi ng mabasa niya ang message nito. Pasimple siyang lumingon sa likod at nakita niya na pangiti-ngiti ito habang hawak nito ang cellphone.
Sinupil naman ni Krissa ang ngiting gustong kumawala sa labi niya.
Comments and votes are well appreciated. Thank you!
BINABASA MO ANG
The Ex-girlfriend (Completed)
General Fiction(Warning: SPG | R-18) The Ex Series 1: The Ex-girlfriend Jackson Galvez