42 -Finale

5.4K 173 19
                                    

TUMUNOG muli ang cellphone ni Krissa matapos niyang putulin ang tawag ni Jackson. Kinagat niya ang ibabang labi ng mapatitig siya sa pangalan nito na nakasulat sa screen ng cellphone niya. Hinayaan lang naman niya iyong tumunog hanggang sa i-off niya ang cellphone.

Nasabi naman na lahat ni Krissa ang gustong sabihin kay Jackson. Naamin na niya ang lahat ng nararamdaman dito. At ayaw na rin niya itong makausap pang muli dahil gaya ng sinabi niya rito kanina ay baka hindi na niya mapanindigan ang desisyon na lumayo rito kapag patuloy niyang maririnig ang boses nito.

Ipinikit ni Krissa ang mga mata at sa pagpikit ay tuloy-tuloy ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. Hinayaan lang naman ni Krissa ang mga luhang maglandas sa pisngi niya. Gusto niyang ilabas lahat ng luha sa mga mata niya para pagbalik niya sa America ay hindi na siya iiyak. And she will start over again. And this time, she will start to love herself first. Ibinigay kasi niya lahat at wala siyang itinira para sa sarili kaya ng masaktan siya ay grabe ang sakit na naramdaman niya. Grabe ang impact no'n sa puso niya.

Alam naman niya na mahihirapan siya na makalimot—lalo na ang puso niya. Pero gagawin niya ang lahat para makalimot para sa sarili, para sa pamilya, sa kaibigan at lalong-lalo na sa batang nasa sinapupunan.

Yes. She was pregnant. Dala-dala niya sa kanyang sinapupunan ang ginawa nila ni Jackson. Sa tuwing nagtatalik kasi sila ni Jackson ay sinasabi niya rito na safe siya kaya hindi na sila gumagamit ng proteksiyon pero ang totoo ay hindi naman talaga siya safe. Kaya nagbunga ngayon ay ginawa nila.

At mamahalin niya ng buong puso ang magiging anak. Gagawin niya ang lahat maging mabuting ina rito. Ito ang gagawin niyang lakas sa mga araw na dadaan. At kahit na hindi nagtagumpay ang plano niya na mahalin din siya ni Jackson. Ma-swerte din naman siya dahil magiging ina na siya.

Iminulat ni Krissa ang mga mata. Pinunasan din niya ang luha na naglandas sa mga mata niya. Bumuntong-hininga siya at nagsimulang naglakad pabalik sa cottage na tinutuluyan sa private resort.

Pagkatapos kasing ibinigay ni Krissa ang resignation letter niya sa secretary ni Jackson ay dumiretso siya sa private resort na dati nilang pinuntahan. Gusto kasi niyang balikan iyon lugar kung saan siya naging masaya sa piling nito. Gusto niya sa huling pagkakataon man lang maalala niya na minsan ay naging masaya din siya.

At pagkatapos no'n ay di-deretso na rin siya ng airport at babalik na siya ng America. Nakapag-book na rin kasi siya ng flight niya.

Nang makarating si Krissa sa cottage ay humiga siya sa kama. Ipinikit niya ang mga mata at hindi niya namalayan na nakatulog na siya.

Naalimpungatan siya ng parang may mainit na kamay na humahaplos sa pisngi niya. Dahan-dahan niyang iminulat ang mata. At napakurap-kurap siya nang makita niya ang mukha ni Jackson na nakatitig sa kanya.

"Krissa," banggit nito sa pangalan niya.

Kumurap-kurap siya ng maramdaman ang pamamasa ng mata niya ng mababakas sa boses nito ang pagsuyo. Bumangon siya mula sa pagkakahiga. "Anong ginagawa mo—

Hindi na niya natapos ang iba pa niyang sasabihin ng bigla na lang siya nitong niyakap ng mahigpit.

"I'm sorry, Krissa." wika nito sa kanya.

Sa pagkakataong iyon ay hindi niya napigilan ang pagpatak ng luha. Sunod-sunod iyon. Nagso-sorry ba ito sa kanya dahil hindi siya nito kayang mahalin pabalik? Kinagat niya ang ibabang labi. Pinunasan niya ang luha sa kanyang pisngi. Pagkatapos niyon ay kumawala siya mula sa pagkakayakap nito.

"H-hindi mo kailangan mag-sorry sa akin. H-hindi mo naman kasalanan na minahal kita," sabi niya sa garalgal na boses.

Tinitigan siya ni Jackson deretso sa mga mata. Iniwas naman niya ang tingin rito dahil hindi niya matagalan ang klase ng titig na pinagkakaloob nito.

The Ex-girlfriend (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon