16

3.4K 105 0
                                    

BINAGALAN ni Jackson ang pagmamaneho ng kanyang kotse ng mamataan niya si Krissa sa isang waiting shed. Mukhang naghihintay ito ng masasakyan.

Akala niya ay nakauwi na ito. No'ng silipin kasi niya ito sa monitor ng CCTV ay wala na ito sa cubicle nito. At late na rin siyang nakauwi dahil may importante siyang tinapos sa opisina.

Imina-obra ni Jackson ang kotse patungo sa harap ng waiting shed kung nasaan si Krissa. Sa oras na iyon ay sigurado siyang mahihirapan itong sumakay. Lalo na at umaambon. Idagdag pa na maraming pasaherong naghihintay ng masasakyan.

Nang huminto ang kotse niya sa tapat nito ay awtomatikong lumingon ito. Napansin din niya ang paglingon ng ibang pasahero na nasa waiting shed din. He rolled down the window. Napansin niya na yumuko si Krissa para sumilip sa loob ng kotse. At nang makita siya nito ay awtomatikong ngumiti ito.

Napatitig siya sa mukha ni Krissa. He like her smile. Kapag ngumingiti kasi ito ay pati mga mata nito ay ngumingiti din na para bang mga bituin iyon na nagkikislapan.

He smiled back at her. "Hop in, Krissa," sabi niya rito. He unlocked the door, too.

Nakita naman niya ang pagkagat nito ng ibabang labi bago ito kumilos.

Nang makasakay ito sa loob ng kotse ay kinuha niya ang panyo na nasa loob ng bulsa ng pantalon at inabot niya iyon kay Krissa. "Use this."

Kinuha naman nito ang panyong inabot niya. Pagkatapos ay ginamit nito iyon pamunas sa medyo basang mukha nito dahil napatakan iyon ng ambon. At habang pinupunasan nito ang mukha ay nakatitig siya rito. Nakita din niya na inipon nito ang lahat ng buhok at inilagay nito iyon sa kabilang side ng mukha nito. Bumaba ang pinupunasan nito patungo sa leeg nito. Napalunok siya ng makailang ulit ng mapatitig siya sa maputi at makinis na leeg nito. He can't take his eyes off her neck. And right now, he wanted to kiss, suck and lick her beautiful neck. Gusto niyang markahan ang leeg nito gaya ng ginagawa niya kapag nagso-solo silang dalawa.

At sa isiping iyon ay naramdaman niya ang paninikip ng pantalon niya. He's having a hard on again. Pagdating sa babae ay madali talaga siyang tigasan. Tititigan lang niya ito ay naninigas na ang pagkalalaki niya.

Fucking shit!

Saglit niyang ipinikit ang mga mata para pakalmahin ang init na katawan na lumukob bigla sa kanya.

Inalis na lang din niya ang tingin sa leeg nito baka hindi siya makapagpigil. Baka magawa niya ang matagal na gusto niyang gawin dito ngayon mismo.

Pinaandar na ni Jackson ang kotse paalis. "Akala ko nakauwi ka na?" Tanong niya rito mayamaya habang nasa daan na sila.

Mula sa gilid ng mata niya ay nakita niya ang pagsulyap nito sa kanya.

"Uhm, may binili kasi ako diyan sa Mall. Hindi ko naman inaasahan na mahihirapan pala ako sa pagsakay pauwi. Sakto pang coding ang kotse ko," sagot nito sa kanya.

Tumango-tango naman siya. "Mabuti na lang at nakita kita," sabi niya sabay lingon rito.

Ngumiti naman ito sa kanya. "Ang swerte ko naman. Sa dami ng pasahero sa may waiting shed, nakita mo pa ako."

Hindi din niya napigilan ang mapangiti. "I easily recognize you." Sabi niya.

Gumilid ito para humarap sa kanya. "Really?" May ngiti na nakapaskil sa labi nito.

"Yes. Ikaw lang kasi ang magandang pasahero na nando'n sa waiting shed."

Hindi ito nagbigay komento sa sinabi niya. Nang sulyapan niya ito sa tabi niya ay nakita niyang namumula ang magkabilang pisngi nito. Nakita din niya na kagat-kagat nito ang ibabang labi nito.

Darn, habang nakikita niya ito na kagat-kagat nito ang labi ay gusto niya itong kabigin at siya mismo ang kumagat do'n. And of course, he wants to kiss her nonstop.

Fuck! Mukhang mapapalaban ang self control niya sa gabing iyon. "Don't bite your lips in front of me, Krissa. Baka ako ang kumagat diyan," sabi niya. "After all, kanina ko pa gusto na halikan ka." Dagdag niya sa mahinang boses pero alam niyang narinig naman nito.

Tumingin siya sa rearview mirror para silipin ito. Nakita niyang inalis nito ang pagkakagat sa labi nito. Umayos din ito mula sa pagkakaupo nito. At bago ito humarap sa daan ay nakita pa niya ang pagsilay ng ngiti sa labi nito.

Hindi na naman niya maiwasan ang mapangiti habang nagmamaneho.

Hindi naman nagtagal ay nakarating na rin sila sa building kung saan matatagpuan ang apartment nito. At sakto na pagkarating nila do'n ay bumuhos ang malakas na ulan.

Pinatay niya ang makina ng kotse bago siya tumingin kay Krissa. Nakita niyang nakatingin ito sa labas ng bintana at pinagmamasdan ang buhos ng ulan. Saglit din itong nakatingin sa labas ng bintana bago ito tumingin sa kanya.

"Masyadong malakas ang ulan," sabi nito. "Patilain mo muna bago ka umuwi. Baka ma-stranded ka pa sa daan."

Tumango naman siya bilang pagsang-ayon. Sa lakas ng buhos ng ulan ay sigurado siyang ma-i-stranded siya sa daan.

Ngumiti naman si Krissa sa kanya. "Tara muna sa loob. Magkape ka muna habang naghihintay," yaya nito sa kanya.

"Okay," sabi niya. Pagkatapos niyon ay kinuha niya ang payong sa backseat. Bumaba siya ng kotse at gumiya siya patungo sa passenger seat para pagbuksan ng pinto si Krissa.

Pagkababa nito ng kotse ay agad na pumulupot ang braso niya sa baywang nito para magkasya silang dalawa sa payong. Naramdam niya na saglit itong natigilan sa ginawa niya. Niyuko niya ito, napansin niyang nakatitig ito sa kanya. There is something different in her eyes as she looked at him. Para din bang may gusto itong sabihin sa kanya. "What?" Tanong niya.

Umiling naman ito. "Uhm, nothing." Sabi nito.

Saglit niya itong tinitigan bago niya ito inakay papunta sa apartment nito.  

Thank you for reading! Stay safe po.

The Ex-girlfriend (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon