Repost...
TINANGGAL ni Krissa ang rayban shades na suot ng makarating siya sa arrival area ng NAIA airport. Pagkatapos niyon ay inilibot niya ang tingin. At hindi niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi nang makita at mabasa ang pangalan niyang nakasulat sa isang illustration board habang hawak ng isang medyo may edad na lalaki.
Iiling na lang si Krissa na naglakad palapit sa may hawak na illustration board habang hila-hila ang kanyang trolley.
"Welcome back po, Ma'am Krissa." Wika sa kanya ng may edad na lalaki.
Krissa smile sweetly. "Matagal-tagal din po no'ng huli tayong nagkita, Manong. Kamusta po kayo?" wika niya kay Manong Romy. Matagal na itong naninilbihan sa kanila bilang family driver. At kahit na nag-migrate na sila sa America ay nanatili pa rin itong tapat sa kanila. Sa katunayan, si Manong Romy at ang pamilya nito ang caretaker sa bahay nila. Nang mag-migrate sila sa America, napag-desisyonan nilang hindi ibenenta ang bahay. Pinaasikaso nila iyon sa pamilya ni Manong Romy para kapag magbabakasyon sila sa Pilipinas ay may tutuluyan pa rin sila.
"Oo nga, Ma'am, eh. Limang taon din tayong hindi nagkita. Hindi kasi kayo sumasama kina Sir kapag nagbabakasyon po sila rito sa Pilipinas," wika ni Manong Romy.
Napakamot siya sa batok habang ngingiti. "Busy po kasi, Manong. Kaya hindi po ako nakakasama kina Papa kapag nagbabakasyon po sila dito." sabi na lang ni Krissa kay Manong Romy.
Hindi niya sinabi rito ang totoong dahilan kung bakit hindi siya sumasama sa mga magulang kapag umuuwi ang mga ito sa Pilipinas para magbakasyon.
"Ay, tara na po, Ma'am para makapagpahinga kayo. Malamang pagod po kayo sa haba ng biyahe niyo," mayamaya ay wika ni Manong Romy. Kinuha na rin nito ang trolley na hawak niya.
Nginitian naman niya ito bago sila naglakad palabas ng nasabing Airport.
Pinagbuksan siya ni Manong Romy ng pinto ng kotse ng makarating sila sa kinapaparadahan ng kotse. Nilagay naman nito ang trolley niya sa compartment bago ito sumakay sa driver seat. At mayamaya ay binabagtas na nila ang daan patungo sa bahay nilang matagal niyang hindi nakita.
Tumingin naman si Krissa sa labas ng bintana at pinagmasdan ang mga building na nadadaanan nila.
Five years na rin simula no'ng huling nakatapak si Krissa sa Pilipinas. Matapos kasi ang heartache niya noon kay Jackson ay naisipan niyang lumayo rito.
Naisip kasi ni Krissa noon, na kung hindi siya lalayo kay Jackson ay paano siya makaka-move on? Paano siya makakalimot kung lagi niyang nakikita si Jackson at Jenny na magkasama? Nang masaya?
Kaya tinanggap na lang ni Krissa ang matagal na inaalok sa kanila ng Papa niya na tumira na lang sa America para magkasama na sila. Do'n kasi nagta-trabaho ang Papa niya bilang isang engineer. Noon pa kasi sila gustong kunin ng ama na tumira sa America. Okay naman na lahat ng papers nila, na-petisyon na sila ng Papa niya. Siya lang itong umaayaw kasi ayaw niyang umalis sa Pilipinas. Hindi din makaalis ang Mama niya dahil ayaw siya nitong iwan na mag-isa.
At sa pag-migrate nila sa America ay do'n na rin ipinagpatuloy ni Krissa ang natitirang taon sa pag-aaral. At habang nasa America siya ay pilit niyang inaalis sa puso at isip si Jackson. Pilit niyang inabala ang sarili para kahit papaano ay makalimot siya. Grumaduate siya at nakahanap ng trabaho.
Nag-try din siyang tumanggap ng suitor's baka makatulong iyon para maka-move on siya agad. May mga naging boyfriends naman siya pero hindi din nagtatagal ang relasyon nila. Kung hindi siya ang nakikipaghiwalay ay ang mga ito ang nakikipaghiwalay sa kanya. At iisa lang ang sinasabing rason ng mga naging boyfriend niya kung bakit nakikipaghiwalay ang mga ito.
Kulang sa pagmamahal. Hindi daw maramdaman ng mga naging boyfriend na mahal niya ang mga ito. Hindi naman siya nagbigay komento sa mga sinabi ng mga naging boyfriend niya dahil hindi din niya alam ang sasabihin.
At nang minsan makita ni Krissa ang picture ni Jackson sa social media no'ng minsang nagba-browse siya ay do'n niya na-realize kung bakit nasasabi ng mga ex niya iyon sa kanya. Do'n niya na-realize na hanggang ngayon ay nakakulong pa rin siya sa pagmamahal sa isang lalaking hindi kailanman nasuklian ang nararamdaman niya.
She realize that after this years she still in love with Jackson. Nothing changed.
At iyon din ang isang dahilan kung bakit nag-desisyon siyang bumalik na sa Pilipinas. Si Jackson ang dahilan niya kung bakit siya umalis. Si Jackson din pala ang dahilan kung bakit siya babalik sa Pilipinas.
At tamang-tama din ang naging desisyon niya na bumalik sa Pilipinas dahil nalaman niyang single si Jackson. Dalawang taon na palang hiwalay ito kay Jenny. And this time, she will try again her best to make him fall for her.
At sa pagkakataong iyon ay gagawin niya ang lahat para manalo.
By hook or by crook.
Magiging sa kanya si Jackson.
Comment and votes are well appreciated! Thank you!
BINABASA MO ANG
The Ex-girlfriend (Completed)
General Fiction(Warning: SPG | R-18) The Ex Series 1: The Ex-girlfriend Jackson Galvez