Beware: Rated SPG! Not suitable for young readers.
KAGAT ni Krissa ang dulo ng lapis na hawak niya habang nakatitig siya sa sketchbook niya. Nag-iisip kasi siya ng pwede niyang idagdag sa ginagawa niyang designs na ipi-present niya sa board.
Nasa ganoon siyang posisyon ng tumunog ang message alert tone ng cellphone niya. At nakita niya na si Jackson ang nagpadala ng mensahe sa kanya.
She opened the message to read.
From: Jackson.
You look hot while biting that pensil.
Napaayos siya bigla mula sa pagkakaupo ng mabasa niya ang message nito. Nagpalinga-linga din siya paligid pero hindi niya ito makita. Nasaan ito?
Magta-type sana siya ng reply rito ng muling mag-text si Jackson.
From: Jackson
You're looking for me?
Ngumuso siya habang nagta-type siya ng reply rito.
To: Jackson
Where are you?
Naghintay lang naman siya ng ilang segundo bago siya nakatanggap ng reply rito.
From: Jackson
In my office.
Bahagya namang kumunot ang noo niya ng mabasa niya ang reply nito. Kung nasa office ito, paano siya nito nakikita?
Bahagyang namilog ang mga mata niya ng may maisip. Mayamaya ay tumingala siya sa kinaroroonan ng CCTV footage na nakatutok sa dereksiyon niya.
Inalis niya ang tingin do'n at ibinalik ang atensiyon sa cellphone.
To: Jackson
Pinapanuod mo ako sa CCTV?
From: Jackson
Kanina pa po. And I like watching you here.
Hindi niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi ng mabasa niya ang sumunod na reply nito.
To: Jackson
You're unfair. Nakikita mo ako pero ako hindi kita nakikita.
From: Jackson
Problema ba iyon? 'Di pumunta ka dito sa office para makita mo ako.
To: Jackson
Hindi pa ako tapos sa ginagawa ko. Maybe some other time.
Naghintay si Krissa ng reply kay Jackson pero wala na siyang natanggap na reply mula rito. Ngumuso siya. Pagkatapos ay nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. Ipinatong niya ang cellphone sa ibabaw ng cubicle at ibinalik na ang atensiyon sa ginagawa niya kanina.
Pero nawala naman ang atensiyon niya do'n ng tumunog ang telepono sa cubicle niya.
Inangat niya iyon para sagutin ang tumatawag. "Good afternoon. This is Krissa. How may I help you?"
"Good afternoon, Ma'am Krissa. This is Chloe. Pinapatawag po kayo ni Sir Jackson. May idi-discuss daw po siya sa inyo."
Ngumuso si Krissa ng marinig niya ang sinabi ni Chloe —Secretary ni Jackson sa kanya. Ano kaya ang idi-discuss nito? "Ganoon ba. Sige, pakisabi papunta na ako diyan." Sabi niya bago niya ibinaba ang telepono.
Inayos muna ni Krissa ang buhok bago siya tumayo mula sa pagkakaupo niya. Pagkatapos ay naglakad na siya para puntahan ang opisina ni Jackson.
Hindi naman nagtagal ay nakarating na rin do'n si Krissa. "Hi Chloe," nakangiting bati niya sa secretary ni Jackson nang makita niya ito ro'n. "Pasok na ako sa loob, ha?"
BINABASA MO ANG
The Ex-girlfriend (Completed)
General Fiction(Warning: SPG | R-18) The Ex Series 1: The Ex-girlfriend Jackson Galvez