"HMM... maupo ka muna, Jackson. Magtitimpla lang ako ng kape para sa 'yo," wika ni Krissa kay Jackson ng makarating sila sa sala sa loob ng apartment niya.
Nang tumango ito ay tumalikod na siya at naglakad patungo sa dereksiyon ng kusina. Pero nakakatatlong hakbang pa lang siya ng tumigil siya sa paglalakad at muling nilingon si Jackson. "Ano pala gusto mo sa kape. Black or with cream?" Tanong niya.
"Black," sagot nito.
"Okay." sabi niya bago siya tuluyan naglakad papasok sa may kusina.
Mabilis siyang nagtimpla ng kape para kay Jackson. At nang matapos siya ay binalikan niya ito sa may sala. "Your coffee," sabi niya sabay abot sa kape rito
Kinuha naman iyon ni Jackson. "Thank you."
Isang ngiti lang naman ang isinagot niya rito. "Saglit lang, Jackson, ha. May kukunin lang ako sa kwarto," paalam niya rito. Nang tanguhan siya nito ay naglakad siya patungo sa kanyang kwarto. Kumuha siya ng malinis na towel sa cabinet at agad na binalikan si Jackson.
Umupo siya sa tabi nito. At sinimulang punasan ang nabasang buhok at mukha nito. Medyo nabasa kasi ito dahil halos siya ang pinayungan nito kanina no'ng akayin siya nito papunta sa apartment niya.
Tumingin siya sa mga mata ni Jackson ng maramdaman niya ang mainit na titig nito. Nginitian niya ito ng magtama ang mata nila. Pagkatapos ay binalik niya ang atensiyon sa ginagawa.
"Done." Sabi niya ng matapos siyang punasan ito.
"Thanks." Wika naman ni Jackson sa kanya.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya. "Uhm, maiwan ulit kita dito, Jackson. Balik lang ako sa kitchen para magluto ng dinner."
"Oh, I help you then,"sabi nito.
Umiling naman siya. "Hindi. Kaya ko na," tanggi niya.
"I insist, Krissa," giit nito. Wala na siyang nagawa no'ng tumayo ito mula sa pagkakaupo nito at naglakad na patungo sa dereksiyon ng kusina.
Iiling na lang siyang sinundan ito. Pagkarating nila sa kusina ay nakita niyang nililihis na nito ang manggas ng long sleeve nito.
"So, what are we gonna cook?" tanong nito sa kanya.
"Ikaw?" wika niya sa halip na sagutin niya ang tanong nito.
Tumaas ang isang kilay nito. Napansin din niya ang pag-angat ng dulo ng labi nito. "Krissa hindi ako niluluto. Kinakain lang ako." makahulugang wika nito.
Hindi naman niya napigilan ang pamulahan ng mukha sa sinabi nito. At nang mapansin nito ang naging reaksiyon niya ay tumawa ito.
She just rolled her eyes. "Ang gusto kong sabihin ay kung anong gusto mong lutuin." Paglilinaw niya sa sinabi niya kanina.
Darn, kung ano-ano ang nasa isip nito.
"Oh," tanging wika ni Jackson. Mayroon pa rin ngising nakapaskil sa labi nito. "Ikaw na ang bahala. I'm just here to help you," sabi nito.
Kumibot-kibot naman ang labi niya. "Okay," sabi niya. At bago mag-umpisang magluto ay kinuha niya ang nakasabit na apron at isinuot niya iyon sa katawan niya. Kumuha din siya ng ekstrang apron para ibigay iyon kay Jackson.
Kinuha nito iyon pero hindi naman nito iyon isinuot. Kaya ang ginawa niya ay kinuha muli niya ang apron at siya mismo ang nag-suot niyon rito.
At dahil matangkad si Jackson sa kanya ay kailangan pa niyang tumingkayad para maisuot niya iyon sa leeg nito. Bahagya naman itong yumuko para hindi siya mahirapan. At nang maisuot niya iyon sa leeg nito ay isinunod niyang ibinuhol ang tali sa baywang nito.
"Done," nakangiting wika niya ng matapos siya. Tumingin siya rito at napansin niya na nakatitig ito sa mukha niya.
"What?" tanong niya rito.
Umiling naman ito. "Nothing," sagot nito.
Nagkibit-balikat lang siya bago siya lumapit sa fridge at binuksan niya iyon para i-check kung ano ang pwede nilang iluto.
"Okay lang ba sa 'yo na tinola na lang ang iluto natin?" Tanong niya rito nang makita niya ang manok at hilaw na papaya na nasa fridge.
"That's one of my favorite." Sagot nito sa kanya.
"Oh, tinola it is." Nakangiting wika niya. Pagkatapos ay inilabas niya ang mga kinakailangan nila sa pagluluto sa tinola at inilapag niya iyon sa may sink.
Lumapit naman na sa kanya si Jackson. "Ako na ang bahala na mag-chop nitong manok. Ikaw na lang sa iba," wika sa kanya ni Jackson ng lapitan siya nito.
Tumango naman siya. At sa mga sumunod na sandali ay abala na silang dalawa sa pagluluto.
"Hmm... it taste good," komento niya ng tikman niya ang niluluto. May ngiti din nakapaskil sa labi niya.
"Can I taste it too?" Narinig niyang wika ni Jackson sa kanyang tabi.
"Oh, sure." Sabi niya. Gamit ang sandok ay kumuha siya ng sabaw, pagkatapos ay inilapit niya iyon sa bibig ni Jackson. Pero sa halip na ibuka nito ang bibig para tanggapin ang inaalok niya ay lumapit ito sa kanya.
At napakurap-kurap siya ng mga mata ng halikan siya nito. Kinagat pa nito ang ibabang labi niya.
"Hmm... masarap nga." Nakangiting wika nito pagkatapos nitong pakawalan ang labi niya.
Hindi naman napigilan ni Krissa ang pagsilay ng ngiti sa sinabi at ginawa nito.
Happy reading!
BINABASA MO ANG
The Ex-girlfriend (Completed)
General Fiction(Warning: SPG | R-18) The Ex Series 1: The Ex-girlfriend Jackson Galvez