30

3.3K 123 3
                                    

"KRISSA, kumukulo na. Pwede ko bang tikman kung okay na ang lasa?" tanong ni Jackson sa kanya.

Itinigil naman ni Krissa ang paghalo sa ginagawang vegetable salad para balingan si Jackson.

"Oo naman," sagot niya rito.

Nginitian siya nito bago nito nilagyan ng sabaw ang hawak nitong sandok para tikman. Siya naman ay pinagpatuloy ang paghalo sa vegetables salad na ginagawa.

Nasa penthouse siya ni Jackson sa sandaling iyon. Rest day nila. At niyaya siya nito na pumunta sa penthouse nito na malugod niyang pinaunlakan. Gusto din naman niyang makasama si Jackson.

"Matabang para sa akin. Tikman mo kung pareho tayo ng panlasa," mayamaya ay wika na naman nito sa kanya.

Iniwan naman niya ang ginagawa para lapitan ito. "Tikman ko," wika niya.

Kumuha muli ito ng sabaw sa hawak nitong sandok. At bago nito iyon ipatikim sa kanya ay hinipan pa nito iyon.

At para na namang may mainit na kamay na humaplos sa puso niya sa simpleng ikinilos nito. "Here." wika nito ng ilapit nito ang sandok sa bibig niya.

Ibinuka naman niya ang bibig para tikman ang sabaw na nasa sandok. "Yeah. Matabang nga," komento din niya.

Napakurap-kurap naman ng mata si Krissa ng umangat ang kamay ni Jackson patungo sa gilid ng labi niya at pinusan ang basa do'n. Nagdulot na naman ng kakaiba sa puso niya ang ikinilos nito.

Heart, easy.

Nilagyan niya ng tamang asin ang nilulutong tinola. Hinalo iyon ni Jackson. Pagkatapos ay nilagyan na naman nito ang hawak na sandok. Hinipan uli nito bago nito iyon pinatikim.

"Okay na?" tanong nito.

Nag-thumps up siya dito para sabihin na okay na ang lasa. "Patikim nga din," sabi nito. Akala niya ay kukuha ulit ito ng sabaw para iyon ang tikman nito. Pero laking gulat niya ng halikan nito ang labi niya. Kinagat pa nito ng mahina ang ibabang labi niya bago nito iyon pinakawalan.

Nakangiting tumango-tango ito. "Okay nga." sagot nito sabay thumps up sa kanya. Pagkatapos niyon ay itinutok na nito ang atensiyon sa niluluto. Napansin din niya ang matamis na ngiti sa labi nito. It looks like, he's happy.

Napangiti din siya habang nakatitig siya sa nakangiting mukha nito. Naidalangin niya na sana ni Krissa na ganito palagi sila ni Jackson. Masaya.

May ngiti sa labi na ipinagpatuloy na ang ginagawa. Hindi naman nagtagal ay tapos na siya. Ganoon din si Jackson. Sabay nilang dalawa na inayos iyon sa mesa. At nang matapos ay magkatabi silang dalawa na umupo sa harap ng dining table.

And before they eat, she prayed for the food they about to eat.

"Let's eat." nakangiting wika niya ng matapos siyang magdasal.

Napatingin siya rito ng lagyan nito ng kanin ang plato niya. At mukhang naramdaman nito na nakatitig siya rito dahil tumingin ito sa kanya. "What?" tanong nito ng magtama ang mata nila.

"Anong nakain mo at naging sweet ka?" tanong niya. Tinaasan niya ito ng isang kilay nang makita niya ang pagtaas ng sulok ng labi nito.

"Your sweet lips," sagot nito na may ngisi sa labi.

"Iyan tayo, eh." Sabi niya na may ngiti sa labi.

"I'm telling the truth but nothing but the truth, Krissa. You have the sweetest lips I've ever taste in my life." wika nito. Sa pagkakataong iyon ay sumeryoso ang ekspresyon ng mukha nito.

Sinalubong niya ang titig nito. "Naniniwala naman ako sa 'yo, eh. You're obvious. Lagi ka na lang nanghahalik," sabi niya.

Jackson chuckle. "Can't help it. Your lips is addicting," sabi nito sabay kindat sa kanya.

"Thank you very much," natatawang wika naman niya rito.  

__

Your votes and comments are well appreciated. Thank you!

The Ex-girlfriend (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon