35

3.2K 115 13
                                    

NAKAABRISYETE si Krissa kay Jackson habang naglalakad sila papasok sa hotel kung saan gaganapin ang engagement party ng collegue nito.

Napansin niya na nagpalinga-linga si Jackson sa paligid hanggang sa alisin nito ang pagkaka-abrisite niya at hinawakan siya nito sa siko para alalayan siya palakad patungo sa isang mesa kung saan nakaupo ang mga kaibigan nito.

Unang nakapansin sa kanila si Greyson ng mag-angat ito ng tingin patungo sa kanila. "Jackson." tawag nito sa pangalan ng pinsan dahilan para mag-angat din ng tingin ang kasama nito sa mesa.

Hinanda niya ang ngiti sa kanyang labi ng tumutok ang tingin ng mga ito sa kanya. Napatingin naman siya kay Jackson ng maramdaman niya ang pagpisil nito sa siko niya na hawak nito.

"By the way, guys. This is Krissa," pagpapakilala ni Jackson sa kanya. "And Krissa, this is Greyson, Trevor and of course, Marcus." isa-isang pinakilala ni Jackson ang mga kaibigan nito sa kanya.

"Hi!" bati niya sa mga ito na nakangiti. "It's nice to meet you all." dagdag pa na wika niya.

Tumayo naman si Marcus mula sa pagkakaupo nito at lumapit sa kanya. "It's nice to meet you again, Krissa." nakangiting wika nito sabay lahad ng kamay sa harap niya.

Nakangiting inabot naman niya iyon. "Same here," sabi niya.

"Pwede mo ng bitiwan ang kamay niya, Marcus," wika ni Jackson sa kaibigan nito.

Binitawan naman na ni Marcus ang kamay niya. Napansin din niya ang ngisi sa labi nito ng tumingin ito kay Jackson.

"Come on, Krissa. Let's sit," wika mayamaya ni Jackson.

May dalawang bakanteng upuan sa mesa ng mga ito. Mukhang naka-reserved iyon sa kanila. At napagitnaan iyon nina Greyson at Marcus.

At ang upuan na katabi ni Greyson siya nito pinaupo. At sa tabi ni Marcus naman umupo si Jackson.

"So, how are you Krissa?" mayamaya ay tanong ni Trevor sa kanya.

"I'm okay," sagot niya ng sulyapan niya ito.

"How's work at Galvez firm?" sa pagkakataong iyon ay si Marcus naman ang nagtanong. "Hindi ka ba nahihirapan do'n?"

"Shut up, Marcus." wika ni Jackson. Mapapansin sa boses nito ang pagkainis.

Marcus just chuckled as answer. Mayamaya ay nilingon siya ni Jackson. "Are you hungry? Ikukuha kita ng pagkain." wika ni Jackson sa kanya sabay tayo mula sa pagkakaupo nito.

"Samahan na kita," sabi niya rito

"No. You stay here," wika naman nito. Pagkatapos ay tumingin ito kay Marcus. "Stand up at samahan mo akong kumuha ng pagkain. "

"You can do it alone," sabi naman ni Marcus kay Jackson.

"Samahan mo ako," giit ni Jackson kay Marcus. Wala na itong nagawa no'ng hawakan ito ni Jackson sa braso at hinila patayo at palakad patungo sa buffet table kung nasaan ang mga pagkain.

Naiwan silang tatlo nina Greyson at Trevor. Pero naiwan din sila ni Greyson no'ng magpaalam saglit si Trevor na may kakausapin.

"I'm glad that he's back to himself."

Napatingin si Krissa kay Greyson ng magsalita ito. Clueless siya sa sinabi nito. At mukhang nabasa ni Greyson ang katanungan sa mukha niya kaya nagpatuloy ito sa pagsasalita. "Pagkatapos ng paghihiwalay nila ng ex niya ay malaki ang pinagbago niya," wika nito. At kilala ni Krissa ang 'ex' na tinutukoy nito. Its Jenny. "He becomes playboy that he's not used too. He changed big time," pagpapatuloy na wika nito. "At ang akala namin ay hindi na siya babalik sa dati pero nagkamali ako—kami."

Sa pagkakataong iyon ay bumaling sa kanya si Greyson. "Bumalik siya sa dati ng makilala ka niya. And I like you for him," wika nito sa sincere na boses. At sa unang pagkakataon ay nginitian siya nito. "Take good care of my cousin, Krissa." Pagpapatuloy na wika nito.

Nginitian naman ni Krissa si Greyson. "I will," sagot niya na hindi inaalis ang titig dito. Kahit naman na hindi nito sabihin ay iyon ang gagawin niya. Mahal niya ito at parte ng pagmamahal niya ay ang alagaan ito.

Isang tango lang naman ang isinagot ni Jackson sa kanya. Inalis na rin nito ang atensiyon sa kanya. Masaya siya dahil boto sa kanya ang pinsan nito at ang kaibigan nito para kay Jackson.

Mayamaya ay dumating na rin sina Marcus at Jackson na may dalang pagkain. Inilapag nito ang plato sa harap niya. "Here's your food, Krissa." wika ni Jackson.

"Thank you," sabi niya ng balingan niya ito.

Isang ngiti lang naman ang isinagot nito sa kanya. "Eat up now, Krissa." wika nito ng umupo ito sa tabi niya.

Nakangiting tumango naman siya. "Kain ka na rin," sabi niya. Pagkatapos ay binalingan din niya ang kaibigan ni Jackson. "Kain na rin kayo," sabi niya sa mga ito.

Isang tango lang naman ang isinagot ng mga ito sa kanya. Nag-umpisa na rin silang kumain. Paminsan-minsan ay nagku-kwentuhan ang mga magkakaibigan. Lagi naman siyang kinakausap ni Jackson para siguro hindi siya ma-out of place.

Mayamaya ay napatigil sila sa pagku-kwetuhan ng may magsalita mula sa likod nila. "Hey guys! It's been a while..."

Napatingin si Krissa sa kanyang tabi ng maramdaman niya na natigilan ito ng marinig nito ang boses na iyon. Napansin din niya ang paggalaw ng panga nito at ang paghigpit sa hawak nitong kutsara at tinidor.

"Jenny."

Hindi niya napigilan ang pag-awang ng labi ng marinig ang pangalan na binanggit ni Greyson. At hindi rin maiwasan ni Krissa ang makaramdam ng kaba sa puso niya.  

Comments and votes are well appreciated. Thank you!

The Ex-girlfriend (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon