36

3.1K 136 13
                                    

LIHIM na pinag-aaralan ni Krissa ang presensiya ni Jackson. Simula kasi noong dumalo sila sa engagement party ng kakilala nito. At simula no'ng dumating si Jenny sa party ay pakiramdam niya ay may nagbago dito. Kasama nga niya ito physically pero pakiramdam niya ay ang layo nito sa kanya. At ang lalim lagi ng iniisip nito. At malakas ang kutob niya na may kinalaman iyon sa pagbabalik ni Jenny. Dahil naging ganoon si Jackson simula no'ng magkita muli ang mga ito sa party.

At tanda pa nga ni Krissa ang nangyari no'n sa party.

"How are you guys?" Tanong ni Jenny ng banggitin ni Greyson ang pangalan ng babae.

Sumagot naman sina Trevor, Marcus at Greyson sa tanong ni Jenny. Napansin naman niya ang pagbaling nito kay Jackson na walang imik sa tabi niya. "Ikaw, Jackson? How are you?"

Kinagat niya ang ibabang labi nang makita ang paggalaw ng panga ni Jackson. Matagal bago ito sumagot. "I'm fine," matipid na sagot nito.

Ngumiti si Jenny. "That's great." sagot nito. Pagkatapos ay tumutok ang atensiyon nito sa kanya. Napansin niya ang rekognisyon sa mata nito. "Krissa?"

Tumango siya rito. Pilit din niya itong nginitian. "Hi Jenny,"

"Oh, it's really you. What are you doing—

"I invited her. And she's with me," putol ni Jackson sa ibang sasabihin nito.

Natahimik naman si Jenny sa sinabing iyon ni Jackson. Kinagat naman niya ang ibabang labi ng yumuko siya. Mayamaya ay napatingin siya kay Jackson ng magsalita ito.

"Kumain ka na, Krissa. Baka lumamig ang pagkain mo," wika ni Jackson sa kanya. Iba na ang tono ng boses nito ngayon. Kung kanina, kapag kinakausap nito si Jenny mariringgan sa boses nito ang pagka-seryoso at kalamigan. Pero no'ng kausapin siya nito ay may lambing na. At dahil do'n ay naalis iyong takot na bigla na lang naramdaman ng puso niya sa mga pagbabalik ni Jenny.

Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Krissa ng maalala ang eksenang iyon sa party. Sa totoo lang, kahit na anong pigil niya ay hindi niya maiwasan ang matakot. Matakot na baka hanggang ngayon ay may nararamdaman pa rin si Jackson para kay Jenny. Nararamdaman kasi niya na apektado pa rin ito sa presensiya ng babae.

Hindi ba siya? Ilang taon niyang dala-dala sa puso niya ang pagmamahal niya para kay Jackson. Na kahit na anong gawin niyang pag-mo-move on ay hindi pa rin nakalimot ang puso niya? Her heart still beating for him? Paano kung ganoon din si Jackson? Saksi siya noon kung gaano nito minahal si Jenny. Paano kung mahal pa rin nito si Jenny sa kabila ng pag-iwan ng babae rito?

Sa isiping iyon ay parang may malaking kamay na sumakal sa puso niya dahil nakaramdam iyon ng sakit. Napakurap-kurap siya ng mga mata para pigilan ang luhang gustong kumawala sa mata niya.

Kagat ang ibabang labi ng inalis ang tingin sa harapan at tumingin siya sa gilid ng bintana ng kotse.

She inhale and exhale to calm her aching heart.

"You okay, Krissa?"

Kinagat niya ang ibabang labi ng marinig niya ang boses na iyon ni Jackson.

Bumaling siya kay Jackson. "O-okay lang ako," sagot niya rito kahit na ang totoo ay hindi siya okay.

Napansin naman niya ang bahagyang pagkunot ng noo nito nang balingan siya nito. "Bakit namumula ang mga mata mo? Para kang naiiyak?"

"Ha? Ano kasi... inaantok ako," alibi niya rito. Kunwari humikab din siya.

"Ganoon ba?"

Isang tango lang naman ang isinagot nito sa kanya.

"Come closer, Krissa."

Sinunod naman niya ang inutos nito. Kinagat niya ang ibabang labi ng hawakan siya nito sa ulo at pinahilig sa balikat nito. "Sleep. Gigisingin na lang kita kapag nakarating na tayo," wika nito. Gamit ang isang kamay ay niyakap siya nito sa balikat at ang isa namang kamay ay abala sa manibela.

At nang ipikit ni Krissa ang mata ay hindi niya napigilan ang pagpatak ng isang butil ng luha sa mata niya.  

 Your votes and comments are well appreciated. Thank you guys!

Kindly follow me on my social media account. Thank you!

The Ex-girlfriend (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon