LONG weekend. At naisipan nila ni Krissa at Jackson na magpunta sa beach na silang dalawa lang. At sa isang private resort sa Batangas nila naisipan na magpunta na dalawa.
Madaling araw pa lang ay sinundo na siya nito sa apartment niya kaya maaga silang nakarating sa Batangas. At ngayon ay nasa loob na sila ng private cottage na ni-rent nito.
Akmang lalabas siya ng kwarto ng makasalubong niya si Jackson. Mukhang papasok din ito sa kwarto na inuukupa nila. "May kailangan ka?" tanong niya rito ng magtama ang mga mata nila.
"I was about to call you," wika nito. "Let's go outside. Let's eat breakfast," sabi nito sa kanya.
"Okay. Nagugutom na rin ako," sabi niya rito. Mayamaya ay napatingin siya sa kamay nito ng ilahad nito iyon sa harap niya.
"Let's go?" yakag nito.
Saglit naman niyang tinitigan ang kamay nitong nakalahad sa harap niya bago iyon inabot. At pagkaabot niya ay awtomatiko nito iyong pinagsalikop. Para namang may mainit na kamay na humaplos sa puso niya sa sandaling iyon. Pakiramdam din niya habang hawak nito ang kamay niya ay parang hawak din nito ang puso niya.
Kinagat niya ang ibabang labi ng maglakad na sila palabas ng cottage. At hindi nito binitawan ang kamay niya hanggang sa makarating sila sa pagkakainan nila ng breakfast.
"Thank you." nakangiting wika niya ng ipaghila siya nito ng upuan.
Isang ngiti lang naman ang isinagot nito sa kanya. Mayamaya ay tinawag nito ang isang waiter. Lumapit naman agad ang waiter sa kanila at binigyan sila nito ng tig-isang menu.
"Anong gusto mo, Krissa?" tanong sa kanya ni Jackson.
Nag-angat naman siya ng tingin patungo rito. "Ikaw?" tanong niya.
Napansin niya ang pag-angat ng dulo ng labi nito. "I'm not part of the menu, Krissa. Pero kung gusto mo ako pwede naman," wika nito sabay kindat sa kanya.
Nahihiya naman na nag-angat si Krissa ng tingin patungo sa waiter na nasa tabi nila. At hindi niya napigilan ang pamulahan ng mukha nang mapansin niya ang pagpipigil na pag-ngiti ng waiter. Mukhang narinig nito ang sinabi ni Jackson.
Ibinalik niya ang tingin kay Jackson na ngayon ay may nakakalokong ngiti sa labi habang nakatingin sa kanya. "You making me embarrassed," she mouthed him.
Kinagat nito ang ibabang labi. And god, he looks so hot at his simple gesture. "Sorry," he mouthed back.
She just twitched her lips as an answer. Pagkatapos ay ibinalik na niya ang atensiyon sa menu. At nang makahanap ng gustong order-in ay sinabi niya iyon sa waiter. Ganoon din si Jackson.
At no'ng makaalis ang waiter sa tabi nila para kunin ang order nila ay napatingin siya kay Jackson ng i-usog nito ang upuan palapit sa kanya. "Are you mad at me?" tanong nito, sa pagkakataong iyon ay wala na ang nakakalokong ngiti sa labi nito.
Umiling naman siya bilang sagot. Nagpakawala naman ito ng malalim na buntong-hininga. At ganoon na lang ang kabog ng dibdib niya sa sunod na ginawa ni Jackson. Inakbayan kasi siya nito at hinapit palapit sa katawan nito. And he kissed her at the top of her head.
At parang natunaw ang puso niya sa ikinilos nito. At sa simpleng ginagawa nito ay lalong nadadagdagan iyong pagmamahal niya para rito. Hulog na hulog na talaga siya sa lalaki at hindi niya alam kung makakaahon pa siya sa nararamdaman niya para rito.
"I'm sorry," he apologized again.
"Hindi naman ako galit kaya walang dahilan para mag-sorry ka sa akin," sabi niya rito.
"I'm saying sorry for making you feel embarrassed."
Nginitian niya ito. "Okay apology accepted," sabi niya.
Gumanti naman ito ng ngiti sa kanya. Pagkatapos ay tumaas ang isang kamay nito para haplusin ang ulo niya. "Thank you."
"Oh? Bakit ka nagta-thank you sa akin?" tanong niya.
"Thank you dahil hindi ka galit sa akin."
"Bakit parang big deal para sa 'yo kung galit ako." curious na tanong niya.
"It is," sagot nito.
"Why?"
"Because I don't want you to get mad at me."
"Why?" she asked again.
Pero sa halip na sagutin siya nito ay dumukwang ito at binigyan siya nito ng mabilis na halik sa labi.
Mabilis at simpleng halik lang iyon pero kakaiba na ang dulot no'n sa puso niya.
Happy Mother's Day po sa mga nanay natin. At sa mga nanay na po, happy mother's day po sa inyo! You are the BEST. 😘
Please like, add, follow and subscribe po sa aking social media account! Thank you!
BINABASA MO ANG
The Ex-girlfriend (Completed)
General Fiction(Warning: SPG | R-18) The Ex Series 1: The Ex-girlfriend Jackson Galvez