39

3.3K 153 25
                                    

TININGNAN ni Krissa ang suot na wristwatch. Sampung minuto na pala ang lumipas simula no'ng dumating siya sa coffee shop. Sampung minuto na siyang naghihintay sa pagdating ni Jackson.

Tinawagan kasi niya ito kanina. At gusto niyang makipagkita dito dahil may gusto siyang sabihin dito.

Pagkatapos kasi nilang mag-usap na dalawa ni Jenny ay napag-desisyonan niyang magtapat ng nararamdaman kay Jackson. Iyon na siguro ang tamang pagkakataon para sabihin dito na mahal niya ito.

Nagpakawala si Krissa ng malalim na buntong-hininga at matiyagang naghintay sa pagdating ni Jackson.

Mayamaya ay napatingin siya sa cellphone niya na nakalapag sa ibabaw ng mesa ng tumunog ang ringtone niyon. At nang makita niya ang caller ay agad niyang sinagot ang tawag.

"Jackson," banggit niya sa pangalan ng lalaki.

"Krissa, baka hindi ako makapunta diyan. I'm here at Gomez hospital right now," wika sa kanya ni Jackson.

Nakaramdam naman siya ng pag-alala ng sinabi nitong nasa ospital ito.

"What are you doing there? You okay?" tanong niya.

"Yeah. I'm okay. Sinamahan ko lang si Jenny sa ospital. Bigla na lang kasi siyang nahilo kanina."

Kinagat niya ang ibabang labi ng maramdamang parang may malaking kamay na sumakal sa puso niya sa sandaling iyon. Mababakas kasi sa boses nito ang pag-alala para sa kalagayan ng babae. At magkasama na naman ang dalawa. Simula noong dumating ang babae ay lagi ng magkasama ang dalawa.

"G-ganoon ba." iyon lang ang lumabas na salita sa bibig niya. Natatakot kasi siya na baka pumiyok ang boses niya kung may salita pang lalabas sa bibig niya.

"Yeah. Bukas na lang tayo mag-usap na dalawa."

"Okay."

"Sige, bye." And the call ended.

Napakurap-kurap naman ng mata si Krissa ng tuluyang mawala sa kabilang linya si Jackson.

He still worried for Jenny. He still care and it means he still love her. And with that thought, her heart aches.

Nagpakawala ng malalim na buntong-hiniga si Krissa. Kinalma muna niya ang puso bago siya tumayo at tuluyang umalis sa naturang establishemento. Pero sa halip na umuwi na ay pumunta siya sa Gomez Hospital kung nasaan ang dalawa.

Masokista na yata si Krissa dahil gusto niyang makita ang dalawa. Gusto kasi niyang makita ang ginagawa ng mga ito. Nang malaman niya kung saan room si Jenny ay naglakad siya patungo do'n.

Pabigat nang pabigat ang mga hakbang niya palapit sa pinto ng private room nito. At nang tuluyan siyang nakalapit ay sumilip siya ro'n.

At lalo lang nanikip ang dibdib niya nang makitang nakaupo si Jackson sa gilid ng kama kung saan nakahiga si Jenny. Nakita din niyang nakahawak ang lalaki sa kamay ng babae.

Darn, why it hurt so much? Tanong niya sa sarili habang nakatitig siya sa dalawa.

Because you love him. At hindi mo talaga maiwasan na masaktan kapag nakikita mo ang lalaking mahal mo na nag-aalala sa ibang babae—lalo na kung ang babaeng iyon ay ang kanyang dating minahal.

Patuloy pa rin si Krissa sa pagsilip sa dalawa hanggang sa inalalayan ni Jackson si Jenny na bumangon mula sa pagkakahiga.

At sa sumunod na sandali ay hindi niya napigilan ang pagpatak ng luha sa kanyang mata nang halikan ni Jenny si Jackson.

"Please... push her...Push her..." piping dalangin ni Krissa. Umaasa siyang itutulak ni Jackson si Jenny sa ginawa nitong paghalik. Umaasa siya na maalala nito ang usapan nila noong tinanggap niya ang alok nitong maging exclusively lovers silang dalawa. Pero mukhang nakalimutan iyon ni Jackson dahil hindi man lang nito tinulak si Jenny palayo. Hinayaan lang nito na halikan ito ni Jenny. At habang nakatingin siya dito ay do'n niya na-realize na kahit anong gawin niya ay hindi siya kayang mahalin ni Jackson.

At sa paglakataong iyon ay umalis na siya mula sa kinatatayuan. Oo, may pagkakataon na may pagkamasokista siya pero iyong sakit kasi—lalo na sa puso niya. She felt that someone squeezes her heart because of so much pain. She can't breathe.

Sumandal siya sa pader at hinayaan ang luhang pumatak sa mga mata niya. "Why can't you love me back, Jackson?" mahinang tanong niya sa sarili.

Ginawa naman na niya ang lahat para mahalin siya nito. Nagpatanga siya sa pagmamahal na nararamdaman niya rito. Ginawa niya ang mga bagay na hindi niya ginagawa no'n. Ibinigay niya ang sarili dahil mahal niya ito.

Pero hindi pa rin pala sapat ang mga ginawa niya para rito. Dahil kahit anong gawin niya ay wala siyang laban sa unang minahal nito. At kung pagpipiliin niya ito ay alam niyang hindi siya nito pipiliin at iyon ang masakit para sa kanya.

Pinunasan ni Krissa ang luhang pumatak sa mata niya. Nagpakawala din siya ng malalalim na hininga. She can't win against Jenny. She is giving up. May katiting pa naman siyang awa para sa sarili.

Nagsimula na si Krissa na maglakad paalis. At sa pag-alis niya sa lugar na iyon ay ang pag-alis din niya ng tuluyan sa buhay ni Jackson.  

Your comments and votes are well appreciated. Thank you!

The end is near na. Sino nabu-bwisit kay Jenny? Hahaha

The Ex-girlfriend (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon