NAGPAKAWALA ng malalim na buntong-hininga si Krissa ng un-attended ang numero ni Jackson ng tinawagan niya ito. Kaya ang ginawa na lang niya ay tinext na lang niya ang lalaki.
To: Jackson
Hey... it's lunch time already. Eat on time.
Nang ma-send niya iyon ay binulsa na niya ang cellphone at naglakad na patungo sa cafeteria ng Firm kung saan naghihintay na sa kanya ang ka-trabaho.
Pagdating niya sa cafeteria ay agad siyang um-order ng pagkain at nagtungo sa mesa na kinauupuan ng kasama.
Nagsimula na silang kumain hanggang sa magsalita si Gweneth. "Alam niyo ba ang balita?"
"Anong balita?" tanong naman ni Sunshine rito.
Tahimik lang naman siyang nakikinig sa pag-uusap ng mga ito habang kumakain.
"Na bumalik na daw ang ex-girlfriend ni Sir Jackson. Sa katunayan nga nasa office siya ni Sir ngayon."
Natigil sa akmang pagsubo si Krissa sa sandaling iyon sa narinig. "Oh, baka magbabalik ang matamis nilang pag-iibigan ni Sir Jackson," narinig niyang wika ni Sunshine.
Bigla siyang nawalan ng gana na tapusin ang pagkain niya sa patuloy na naririnig.
Gweneth snorted. "Kung ako si Sir Jackson, hindi ko na babalikan ang babaeng iyon. Sir Jackson doesn't deserve that woman. Sir Jackson deserve better. Ipinagpalit si Sir Jackson para sa pangarap no'ng babae. If I love the person, hindi ko siya iiwan para sa pangarap ko," mahabang wika ni Gweneth.
Sang-ayon siya sa sinabi ni Gweneth. Kung pagpipiliin siya sa pangarap o pag-ibig. Pipiliin niya ang pag-ibig. Dahil kahit na nakamit niya ang pangarap. Wala din iyon halaga kung iyong puso niya ay kulang dahil wala iyong taong mahal niya. Hindi din siya tuluyang magiging masaya.
Dahil para sa kanya, mas magandang kasama ang taong mahal niya sa pagbuo ng pangarap niya. Worth it pa iyon.
Kahit na nawalan na ng gana si Krissa na kumain ay pilit pa rin niyang inubos ang pagkain. Ayaw kasi niyang ipahalata na affected siya sa pag-uusap ng mga ito tungkol kay Jackson at sa ex nito.
At hanggang sa matapos silang kumain at nakabalik na sa kanya-kanyang cubicle ay para siyang robot lalo na no'ng wala siyang matanggap na reply galing kay Jackson. Hindi naman kasi ito ganoon dati. Kapag tenetext niya ito ay nagre-reply ito. Kung hindi naman ay tinatawagan siya nito para sagutin ang text niya.
Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Krissa. Hindi siya makapag-trabaho ng maayos sa sandaling iyon. Ang atensiyon niya kasi ay nasa dalawa. Iniisip kung ano ang ginagawa at pinag-uusapan ng mga ito.
Ipinilig na lang ni Krissa ang ulo at ipinukos ang atensiyon sa trabaho. And thank god, nagawa niya ang trabaho ng maayos hanggang sa mag-uwian.
Kinuha niya ang cellphone at sinubukang tawagan si Jackson. Kinagat niya ang ibabang labi ng un-attended ang numero nito. At nang hindi niya ito ma-contact ay sa telepono sa office niya ito tinawagan.
Ring na ring iyon hanggang sa may sumagot. At boses ng sekretarya nito ang sumagot.
"Miss, Chloe. This is Krissa. Is Jackson is there? May gusto sana akong sabihin sa kanya regarding do'n sa project ng firm," sabi niya rito.
"Oh, I'm sorry, Miss Krissa. Pero umalis po si Sir Jackson kanina pa. Kasama po niya si Ma'am Jenny," sagot nito. May kumirot sa puso niya sa narinig.
"Oh," sabi niya. "S-saan daw siya pupunta?" hindi niya napigilang itanong.
"Hindi po niya sinabi. Basta pina-cancel ni Sir sa akin ang appointment niya dahil may importante daw silang pupuntahan."
Kumurap-kurap si Krissa para pigilan ang luhang gustong pumatak sa mata niya. "G-ganoon ba." sabi na lang ni Krissa. "Okay, bukas ko na lang siya kakausapin. T-thank you."
Nangmaibaba ni Krissa ang telepono ay hindi niya napigilan ang pagpatak ng luha samata niya.
Comments and votes are well appreciated. Thank you guys!
BINABASA MO ANG
The Ex-girlfriend (Completed)
General Fiction(Warning: SPG | R-18) The Ex Series 1: The Ex-girlfriend Jackson Galvez