34

2.9K 98 0
                                    

NAKAGAT ni Krissa ang ibabang labi nang makita ang pagpasada ni Jackson ng tingin sa kanya mula ulo hanggang paa. At tumigil ang tingin nito sa mukha niya. Napansin niya ang pagkamangha sa mga mata nito habang nakatitig sa kanya.

Inimbitahan siya ni Jackson na um-attend sa engagement party ng isa sa mga colleague nito. At he wants her to be his date.

At dahil alam niyang imbitado din ang ibang kaibigan ni Jackson ay nag-effort siyang mag-ayos. Gusto niyang maging maganda sa paningin ng iba para maipagmalaki siya nito kapag ipapakilala siya nito sa ibang kaibigan nito. Siyempre, hindi maiiwasan na ipakilala siya nito sa kaibigan nito dahil magkasama silang dalawa.

"Sorry at natagalan ako," hingi niya ng paunmanhin rito ng lapitan niya ito.

"It's okay," nakangiting wika nito. "It's worth the wait. And by the way, you're beautiful." komento nito mayamaya.

Hindi naman niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi sa komento nito. Her effort is worth it. "Thank you," pasasalamat niya.

Isang ngiti lang naman ang isinagot sa kanya ni Jackson.

Bumaba naman ang tingin ni Krissa sa necktie ni Jackson na medyo magulo ang pag-aayos. Tumaas ang kamay niya patungo ro'n para ayusin iyon. Nag-angat siya ng tingin patungo sa mukha nito ng maramdaman na titig na titig ito sa kanya.

Bahagyang tumaas ang kilay niya. "What?" tanong niya.

Umiling naman ito. "Nothing," sagot naman nito habang titig na titig sa mukha niya. May kakaiba sa titig nito hindi lang niya maipaliwanag kung ano ang kakaiba do'n.

Sa totoo lang ay hindi iyon ay unang pagkakataon na napansin niya ang kakaibang titig nito. Napansin na niya iyon bago pa lang sila mag-unwind na dalawa sa resort no'ng long weekend.

Kapag hindi siya nakatingin rito ay nararamdaman niya na nakatitig ito sa kanya. At kapag nahuhuli naman niya itong nakatitig sa kanya ay ngingitian lang siya nito. Isang klase ng ngiti na nagpapatibok ng mabilis sa puso niya.

Kumibot-kibot naman ang labi ni Krissa bago sumilay ang ngiti sa labi niya. Umangat ang kamay niya patungo sa batok nito.

"Siguro nagagandahan ka sa akin kaya titig na titig ka sa mukha ko?" tukso niya rito. Pagkatapos ay tumingkayad siya para ilapat ang bibig sa tainga nito. "Am I right?" bulong niya sa tainga nito.

Naramdaman naman niya ang pagpulupot ng isang kamay nito sa baywang niya at hinila siya palapit sa katawan nito. Dikit na dikit ang katawan nilang dalawa. Sa katunayan ay ramdam niya ang pamumukol ng pagkalalaki nito sa puson niya. At naghatid iyon ng kakaibang kiliti sa puson niya pababa sa pagkababae niya.

Inilipat din ni Jackson ang bibig sa tainga niya. "Yeah. Nagagandahan nga ako sa 'yo. At gusto ko ngang ikulong kita sa kwarto at gusto kitang angkinin ng paulit-ulit." raspy ang boses na bulong nito sa tainga niya kasabay din ng pagkagat nito sa tainga niya.

Hindi niya napigilang ang mapadaing sa ginawa nito. Nag-iinit siya sa simpleng ginagawa nito. Mas hinapit pa siya lalo nito patungo sa katawan nito. Gusto yata nitong maramdaman niya ang pagkalalaki nito. "Why don't we skip the party? Let' s go to your room and make love all night?" bulong nito habang binibigyan siya nito ng mumuntik halik sa leeg.

Kinagat niya ang ibabang labi. Gustong-gusto niyang suggestion nito pero kailangan niyang kontrolin ang sarili.

Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. Pagkatapos ay kumawala siya mula sa pagkakayapos nito. Tumingkayad siya at binigyan niya ito ng halik sa labi. At bago pa ito tumugon ay mabilis niyang inilayo ang labi rito. Napansin niya ang pagkabitin sa gwapong mukha nito.

Binigyan niya ito ng matamis na ngiti sa labi. "Next time, Jackson. Let's make love all night. Pero kailangan natin um-attend sa party ng kaibigan mo ngayon." sabi niya bago niya ito nilagpasan.

"Fuck!" narinig niyang mura nito. Napangiti lang naman niya.

Mayamaya ay naramdaman niya ang presensiya nito sa tabi niya. "Brace yourself, Krissa. After the party, I will make you scream my name the whole night." banta nito sa kanya dahilan para kumislot ang pagkababae niya.

Darn, its look like her pussy is excited.  

Comments and votes are well appreciated. Thank you!

The Ex-girlfriend (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon