23

3.5K 127 6
                                    

GAYA ng napag-usapan, pagkatapos ng work nila ay pupunta sila sa bar para mag-celebrate.

At sa sandaling iyon ay nasa sikat na bar sila—ang Serenade Bar—nasa iisang mesa sila habang masayang nag-ku-kwentuhan at nag-iinuman.

"So, let's cheer guys for Krissa," mayamaya ay wika ni Gweneth. Dinampot naman nang iba ang bote ng alak na nasa ibabaw ng mesa at itinaas. Mabilis din niyang itinaas ang hawak na bote.

"Cheers!" Halos sabay-sabay na wika nila habang pinagdikit ang mga boteng hawak.

"Thank you guys!" Masayang wika niya sa mga ito.

"Kami dapat ang mag-thank you sa 'yo, Krissa dahil nilibre mo kami." natatawang biro naman ni Gweneth sa kanya.

Isang tawa lang naman ang isinagot niya sa sinabi ni Gweneth.

At sa sumunod na sandali ay masaya silang nag-iinuman habang nagku-kwentuhan. Hanggang sa nagyaya si Gweneth na sumayaw sa dance floor. Nagsitayuan naman ang ilang ka-work niya at nagpunta ang mga ito sa gitna ng dance floor.

Nag-angat naman ng tingin si Krissa nang maramdaman niya ang presensiya ni Patrick sa kanyang gilid.

"Hmm... yes?"

"Can we dance?" yaya nito sa kanya.

Sa totoo lang ayaw ni Krissa na sumayaw pero ayaw naman niyang ipahiya si Patrick lalo na at nakatingin sa dereksiyon nila ang mga kasamahan. Nakita naman niya ang pagsilay ng ngiti sa labi nito ng tumango siya.

Hinawakan siya ni Patrick sa likod ng siko para alalayan na maglakad patungo sa ginta ng dance floor.

Hindi din niya napigilan ang mapailing nang tuksuhin sila nina Gweneth nang makita silang dalawa ni Patrick. Napansin din naman niya ang pamumula ng mukha at ang tainga ng lalaki. At dahil love song ang kantang pumapainlanglang sa loob ng bar ay kailangan niyang ipatong ang kamay sa balikat nito. Dahan-dahan din na ipinatong ni Patrick ang kamay nito sa baywang niya.

And they started to sway their bodies in a slow motion.

"Krissa..."

Tumingin si Krissa sa mga mata ni Patrick ng banggitin nito ang pangalan niya. "Bakit?" Tanong niya rito.

Bumuntong-hininga muna si Patrick bago ito nagsalita. "Matagal ko na itong gustong sabihin sa 'yo pero wala lang akong lakas ng loob." saglit itong huminto sa pagsasalita bago nagpatuloy. "Pwede ba akong manligaw sa 'yo?" seryosong wika nito habang titig na titig sa kanya.

Since day one, nararamdaman na niya ang pagpapahiwatig nito sa kanya pero hindi niya iyon binibigyan ng atensiyon. Hindi din niya pinapansin ang mga tukso ng mga kasamahan nila sa trabaho sa kanilang dalawa ni Patrick.

Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga. "I'm sorry Patrick but I'm not the one for you." kahit na ayaw niyang sabihin iyon rito dahil alam niyang masasaktan ito ay sinabi pa rin niya. Ayaw niya itong paasahin dahil alam niya kung ano ang nararamdaman ng taong pinapaasa. At magandang derektahin na niya ito dahil wala naman talaga itong mapapala sa kanya.

Her mind, heart and body is exclusive for Jackson. No one else.

And speaking of Jackson, bigla na lang niyang naalala ang nangyari sa kanila ni Jackson kanina sa office nito. Malapit na nilang marating ang sukdulan ng hindi natuloy dahil may kumatok sa pinto ng opisina nito. Gusto man nilang ipagpatuloy ang ginagawa pero hindi nila nagawa dahil makulit ang taong nasa labas ng opisina. Ayaw nitong tumigil sa pagkatok.

Mura nga nang mura si Jackson dahil nabitin ito. At kulang na lang na murahin nito si Greyson na siyang kumatok sa pinto dahil sa pag-i-istorbo nito sa intimate moment sana nila.

Nakaka-strike two na kasi ang lalaki sa pag-i-istorbo sa kanila. At pareho ding masakit ang puson nila dahil sa matinding pagkabitin.

"So, hindi pwede?" wika nito, naramdaman niya sa boses nito ang disappointment.

She sighed heavily. "I'm really sorry. Honestly my hearts belong to someone else," pag-amin niya rito.

"Oh," bulalas naman ni Patrick. Nahihiyang nagkamot din ito ng batok. "I just try my luck. I thought you are single," sabi nito sa kanya.

Tipid lang naman niya itong nginitian. "You know what? Marami ka pang babaeng makikilala at alam kung makikita mo din ang babaeng nakatadhana para sa 'yo," pagpapalubag loob niya rito. "Hindi pa sa ngayon. Pero darating ang araw na makikilala mo rin siya." Pagpapatuloy na wika niya.

Isang ngiti lang naman ang isinagot ni Patrick sa kanya. At para naman mabawasan iyong guilt na nararamdaman niya ay kinausap niya ito habang patuloy sila sa pagsasayaw.

Hanggang sa nag-freeze ang ngiti ni Krissa nang dumako ang tingin niya sa dereksiyon ng bar counter.

Wala namang ganoon karaming tao sa dereksiyon ng bar counter kaya kitang-kita niya kung sino ang naroon.

And the guy is none other than.... Jackson. At parang may kumirot sa puso niya nang makitang may kasama at kausap itong babae. And they were smiling each other. And right now, jealousy consuming her.

"Krissa?"

Do'n lang inalis ni Krissa ang tingin sa dalawa nang marinig niya ang pagtawag ni Patrick sa kanya. "You okay?" tanong nito ng magtama ang mga mata nila.

Isang tango lang naman ang isinagot niya. Pagkatapos ay niyaya na niya ito na bumalik sa mesa nila. At bago pa siya naglakad ay sumulyap mo na siya sa gawi ni Jackson. At sa sandaling iyon ay magkausap pa ang dalawa. Nag-ngi-ngitian pa rin.

Nang makabalik sila ni Patrick sa kanilang mesa ay agad niyang kinuha ang bote ng alak at tinungga iyon.

She wants to get drunk until the pain in her heart will go away.  

So, extended ang ECQ? Kamusta naman kayo?

The Ex-girlfriend (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon