NILUWAGAN ni Jackson ang necktie na suot ng makapasok siya sa opisina niya. Umagang-umaga pero pakiramdam niya ay stress siya.
Umupo siya sa kanyang swivel chair. Pero sa halip na mag-trabaho ay binuksan niya ang laptop at kinonnect niya iyon sa CCTV.
Gusto niyang makita si Krissa. Stress reliever kasi niya ito. Sa tuwing nakikita kasi niya ito, sa tuwing nakikita niya ang ngiti sa labi nito ay pakiramdam niya lahat ng pagod at stress na nararamdaman niya ay nawawala. At kapag nakakaramdam siya ng pagod, pinagmamasdan niya ito mula sa kuha ng CCTV.
Kumunot naman ang noo ni Jackson nang makitang wala ito sa cubicle nito. Naisip niyang baka nasa-CR ito o hindi kaya nasa ibang cubicle. So, he waited her. Hanggang sa lumipas ang limang minuto, sampung minuto hanggang sa naging tatlumpong minuto ay hindi pa rin niya nakikita si Krissa sa cubicle nito.
Inalis niya ang tingin sa monitor ng laptop niya at kinuha ang cellphone para tawagan ito. Pero un-attended ang numero nito.
Muli niya itong tinawagan pero un-attended pa rin iyon. Akmang tatawagin niya ang kanyang secretary ng mapatigil siya ng kumatok sa pinto sa opisina niya.
"Come in," wika niya.
Bumukas naman iyon at pumasok ang sekretarya niya. "Good morning, Sir." bati nito sa kanya. Naglakad ito palapit at inabot nito sa kanya ang isang folder.
Binuksan naman niya iyon at tiningnan. At hindi niya mapigilan ang manlaki ng mata nang makita at mabasa kung ano ang laman ng folder ng inabot sa kanya ni Chloe.
"Where's Krissa?" tanong niya rito ng i-alis niya ang tingin sa hawak na folder.
"Hindi na po siya pumasok, Sir Jackson simula no'ng ibigay niya sa akin ang resignation letter niya," sagot sa kanya ni Chloe.
Hindi naman niya ito sinagot. Sa halip ay muli na naman niyang sinubukang tawagan si Krissa. Un-attended pa rin ang numero nito hanggang ngayon.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya. "Cancel all my appointment, Chloe." wika niya rito saka naglakad palabas ng opisina.
Habang naglalakad siya ay iniisip niya si Krissa—ang dahilan kung bakit ito nag-resign. Bigla niyang naalala no'ng gusto nitong makausap siya ng personal dahil may gusto itong sabihin sa kanya. Tungkol ba sa resignation nito ang sasabihin nito? Gusto na ba nitong kumawala mula sa set up nilang dalawa? Fuck! Sa isiping iyon ay parang may malaking kamay na sumakal sa puso niya dahil nakaramdam iyon ng paninikip. Nakaramdam iyon ng sakit. He can't lose Krissa. Hindi niya kakayanin. At kung kinakailangan na lumuhod siya sa harap nito para lang kumapit ito sa kanya ay gagawin niya.
Wala siyang ginawang hakbang no'ng iniwan siya ni Jenny. But this time ipaglalaban niya ang nararamdaman niya para kay Krissa.
Nang makarating si Jackson sa parking lot ay agad siyang sumakay ng kotse at pinaandar niya iyon.
Gusto niyang makita si Krissa. Gusto din niya itong makausap. At habang nagmamaneho ay sinubukan niyang tawagan muli si Krissa. Nakahinga siya ng maluwag ng sa pagkakataong iyon ay nag-ring ang numero nito.
Ring nang ring iyon hanggang sa sinagot nito ang tawag niya. "Thank god, I contacted you," sabi niya. "Where are you, Krissa? We need to talk."
Wala naman siyang narinig na sagot mula rito. Tanging ang pagbuntong-hininga at hampas ng alon ang naririnig niya. Hampas ng alon? Nasa dalampasigan ba ito?
"I'm sorry, Jackson." Wika nito mayamaya.
"Why are you saying sorry to me?" sabi niya.
Bumuntong-hininga ito. "I... want out whatever relationship we have," sabi nito.
Itinigil niya ang kotse sa narinig. "What? Why?" halos makasunod na tanong niya. "Nasaan ka ba? Kailangan nating mag-usap."
"I'm sorry but I can't face you," wika nito dahilan para kumunot ang noo niya.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Ayoko kasing makita ka." sagot nito dahilan para kumirot ang puso niya. "Baka... kasi hindi ko mapanindigan ang plano kung lumayo sa 'yo. Baka... magpatuloy akong magpakatanga sa nararamdaman ko para sa 'yo." pagpapatuloy na wika nito. "I love you, Jackson. Noon pa ay mahal na kita." pag-amin nito dahilan para manlaki ang mata niya. "Pilit kong itinago iyong nararamdaman ko noon para sa 'yo dahil alam ko naman na wala akong laban kay Jenny. Alam ko naman na mahal na mahal mo siya. At kahit na alam kung may girlfriend ka ay minahal pa rin kita ng palihim." tahimik lang naman siyang nakikinig sa sinasabi nito mula sa kabilang linya. "At no'ng hingan mo ako ng tulong no'ng mag-break kayo ni Jenny. Pumayag ako hindi dahil gusto kitang tulungan na bumalik siya sa 'yo. Pumayag ako dahil gusto kitang tulungan na mag-move on at higit sa lahat na tulungan na magmahal nang iba. P-pero hindi ako nagtagumpay," sa pagkakataon iyon ay garalgal na ang boses nito. Mababakas din do'n ang sakit. Parang nadudurog din ang puso niya habang patuloy ito sa pagku-kwento. Wala siyang kaalam-alam tungkol sa nararamdaman nito para sa kanya. "U-umalis ako para maka-move on sa 'yo. Umaasa ako na sa paglipas ng araw, buwan at taon ay makakalimutan kita. Pero kahit na ilang taon na ang lumipas iyong pagmamahal ko para sa 'yo ay hindi nawala. Hindi man lang nabawasan."
Nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga saka ito nagpatuloy sa pagsasalita. Sinabi din nito ang dahilan ng pagbabalik nito. Inamin din nito na planado ang lahat ng pagkikita nila noon sa bar at sa gym. Lahat ng plano nito ay sinabi nito sa kanya. "Pero kahit na anong gawin ko pala, hindi ko makuha ang puso mo dahil mayroon na palang nagmamay-ari no'n. At wala akong kalaban-laban."
Narinig niya ang pagsinghot nito mula sa kabilang linya. "I... wish your happiness with Jenny, Jackson." wika nito hanggang sa mawala ito mula sa kabilang linya.
Sinubukan muli niya itong tawagan pero ring nang ring iyon hanggang sa hindi na niya ito ma-contact. "Fuck!" Mura niya.
-----
Comments and votes are well appreciated. Thank you!
May group page po ako, sa may gusto pwede po kayo maki-join. Search niyo lang po Queen's Palace (Fiona Queen's Reader) or kung hindi niyo po ma-search message niyo ako sa facebook ko para ma-add ko po kayo.
BINABASA MO ANG
The Ex-girlfriend (Completed)
General Fiction(Warning: SPG | R-18) The Ex Series 1: The Ex-girlfriend Jackson Galvez