Chapter 1: Crush
Jay's Point of View
Nagmadali akong bumaba ng hagdan. Agad akong tumakbo palabas ng bahay. Pero agad rin akong bumalik sa loob nang tawagin ako ni Mama dahil naiwanan ko yung baon kong pera sa lamesa.
Shocks! May babayaran pa naman kaming ka-ek-ekan ng teacher namin! Buti nalang malakas boses ni Mama at abot sa labas ng bahay.
Hindi ako mapakali. Shutanginamers naman eh! Ba't ba ako nalate ng gising ngayon? Maabutan ko pa kaya yung bus?
"Shunga mo naman Jaylie." Bulong ko sa sarili ko habang nakatayo sa tapat ng bakuran namin. "Takbuhin ko nalang kaya?" Tanong ko pa.
Mukha akong baliw dito. Shocks, umayos ka nga, nakakabawas yan ng kagandahan.
Nabitawan ko ang hawak kong lalagyan ng libro na iniiswing-iswing ko. Napayuko naman ako para kunin ito, nang may mapansin ako. Nako! Nakalimutan ko pang itali yung shoelaces ko.
Agad ko itong itinali. At saktong pagtayo ko, may bus na nakatigil!
Agad akong napangiti at maglalakad na sana para sa pinto nang bigla itong umandar! Shutanginamers ulit!
"Kuya Bus Driver, teka! May sasakay pa po!"
No choice. Male-late na ako kung tatakbuhin ko nalang mula dito papuntang school. Ba't di man lang bumusina yung bus? Kadalasan naman bumubusina yan eh! Badtrip ba yung nagda-drive?
Binilisan ko ang pagtakbo ko. Sayang naman yung practice ko sa Track n' Field na yan nung Elementary kung di ko magagamit ngayon.
"Kuya teka!" I said while waving my left hand. Shocks! Mukha akong naghahabol ng ex-jowang paalis dahil narealize ko na mahal ko pa pala siya, pero akala niya di ko siya mahal kaya magpapakalayo-layo siya at iiwan ako sa second lead-Hey wait, malelate ka na yan pa nasa isip mo. Yun munang sermon ng adviser mo na matatanggap mo ang unahin mo!
Nakahinga naman ako ng maluwag nang mistulan iyong marinig ng driver. Agad akong pumasok sa loob ng bus.
Ngumiti ako sa driver at nag-bow na parang Koryana. "Thank you po." Pero di niya ako pinansin.
Naningkit ang mga mata ko at wala na akong nagawa kundi pumasok sa loob pa ng bus. Famous kasi yung driver kaya di namamansin. Famous. F-A-M-O-U-S.
Pumunta ako sa second-to-the-farthest seat. Nandun lang kasi ang bakante kaya dun na ako dumeretso.
"Kuya, pwede pong umupo?" Tanong ko sa lalaking nakaupo sa tabi ng upuang bakante. Ngumiti pa ako bago ituro yung upuan para polite.
Hindi niya ako pinansin, nakaharap pa rin siya sa bintana at ayaw akong tingnan, kaya naupo nalang ako. Magkamag-anak ata sila nung driver kaya di namamansin eh. Parehong famous.
Naglagay muna ako ng polbo at nag-liptint, yung pink lang na may cherry flavor. Hindi ko pinapula ng masyado dahil baka mapagalitan ako ng mga conservative teachers. Dami pa namang nagkalat sa school namin. Inayos ko 'yung long-sleeved blouse ko at 'yung pleated skirt ko na kulay blue, uniform namin na hindi naayos kanina dahil sa pagmamadali.
Dahil hindi ako sanay ng walang dinadaldal tuwing byahe. Tinangka kong kausapin ang katabi kong wala ata akong balak tingnan.
Am I too beautiful for him? Charot lang naman. Baka may maniwala.
BINABASA MO ANG
In The Name of Love
RomanceStatus: Revised. Completed Nangarap si Jaylie Raquel ng isang lalaki na hindi nga perpekto, ispesipiko pero mamahalin siya ng todo. Kahit na hindi makatotohanan ang kaniyang ninanais, hindi siya tumigil sa pangangarap. Nang dumating ang panahon kung...