Chapter 8: Second Lead
Jay's Point of View
Inis na inis ako buong maghapon. Wala akong pinapansin kanina sa school lalo na't bukas ay Sabado. Kung meron man, tungkol lang sa school works ang pag-uusapan ko.
Gosh... Bakit ba kasi pumayag pa si Alexis na makipag-lunch dun sa Janine na yun? Niyaya ko naman na siya... Hindi lang natapos gawa nung pa-epal na kaimbyernang Janine.
"Huwag kang sumimangot, sayang ang beauty." Pabirong wika ni Anjyll pero mas sumimangot lamang ako. Ginaya niya ang reaksyon ko kaya bahagya akong napangiti.
"Yan. Mas maganda ka 'pag ganyan." Kumento naman ni Joyce habang tumatango-tango.
"Gusto mong bantayan namin ni Anjyll si Alexis?" Tanong naman ni Fari kaya napalingon ako sa kaniya.
"Hanip rin yun eh." Pag-singit ni Yvonna sa usapan namin.
Nasa C.R. kaming lahat. Nagpasama kasi si Yvonna at si Daphne sa C.R. ng babae, eh sumama si Fari, puro lalaki yung matitirang kasama namin dun kaya sumama na rin lang si Joyce at kakausapin naman daw ako ni Anjyll, habang ako naman ay naiinis pa rin kay Alexis. Ending, lahat kaming mga babae ay napunta sa C.R.
"Sino ba yang Janine na yan?" Tanong ni Daphne. "Ang alam ko kasi ay nabanggit na sa akin ni Rui yan, kaso di naman ako interesado.''
"Dati siyang girlfriend ni Alexis." Mapait na sagot ni Fari kasunod ang isang tumataginting na 'kadiri'.
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Shocks... Totoo? Nagka-girlfriend na pala si walanghiya?
Akala ko ba hindi niya first love yun-Sabagay... Wala naman siyang sinabi na ganoon. Baka tumikhim lang siya kasi hindi niya gustong pag-usapan yung bagay na 'yun.
"Ahem... Na ipinilit lang sa kaniya ni Papa." Pinandilatan ni Anjyll ang pinsan.
"Minahal ba nila ang isa't isa?" Napalingon silang lahat sa akin at napatingin na para bang dalawa ang ulo ko. "Tsaka paanong naging mag-boyfriend-girlfriend yung mga yun, eh... Grade 10 pa lang si Alexis? Ano yun, Grade 7 naging sila?" Tanong ko pa na ikinakunot ng mga noo nila.
══════ ∘◦❁◦∘ ══════
"Mukha kang ewan."
Pinandilatan ko si Jan Rui bago muling tiningnan si Alexis at yung pa-epal na Janine na papasok pa lamang ng isang maliit na Fast Food Restaurant.
Nalungkot sila Mama nang malamang hindi makakapunta ngayong Sabado si Alexis, sabi niya next time nalang daw. Pero kahit na ganoon, may kaunti pa rin akong pagka-inis.
"Seryoso ka Jay?" Kunot-noo pa niyang tanong.
"Sinasabi mo?" Kunot-noo ko ring tanong.
"You disguised yourself just to spy on them, and dragged me here after." Paliwanag niya kaya umikot ang mga mata ko. Gosh, shunga ba siya? Siya kaya itong kusang sumama. Tsaka... Anong problema nito sa suot ko?
Bahagya siyang ngumiwi bago tingnan ang kabuuan ko. Nabasa siguro niya ang weird kong expression kaya gumaganyan.
"Naka-ponytail ang buhok mo, naka-hoodie jacket ka at sunglasses, naka-black leggings at running shoes." Para bang nabasa na niya ang iniisip ko.
"What?" Nakanguso kong tanong. "Anong problema sa suot ko?"
"The problem is..." Pinagdikit niya ang dalawang kamay. "Naka-hood ka at naka-sunglasses. Nasa ilalim tayo ng payong sa rooftop... Tapos ang init-init naka-hoodie ka."
Napasimangot ako nang marealize ang point niya. Nakanguso kong inalis ang hood ng jacket ko at tinanggal ito. Inalis ko na rin ang aking sunglasses.
Napatingin naman ako sa baba ko at nakitang hindi nakasintas ng maayos ang sapatos ko, malamang dahil nagmamadali ako sa pagbibihis kanina. Yumuko ako para ayusin ito at nang matapos ay biglang nagsalita si Jan Rui.
"Baliw na baliw ka talaga sa kaniya ano?" Tanong niya, ang paningin niya ay naka'y Alexis na nasa loob ng fast food.
Napangiti ako nang makitang nasa tabi ng bintana si Janine at si Alexis, at iniisnob ni Alexis si Janine. No... Actually, more like nakikipag-usap siya pero ang focus niya ay nasa burger na kinakain niya.
Nasa rooftop kami ng isang Cafe, may mga upuan sa rooftop kung saan pwede kaming kumain sa ilalim ng mga red na payong. Katapat naman namin ang Fast Food na kinakainan ng dalawa at nasa may window seat sila kaya kitang-kita namin ang mga pinaggagagawa ng dalawa.
"I guess that answers it." Napalingon muli ako kay Jan Rui na tatango-tango. Mukha siyang seryoso at parang... Malungkot? Ah ewan.
"Anong 'answers it'?" Agad kong tanong.
Muntik na akong mapatili sa gulat nang bigla niyang hampasin ang mesa at biglang tumawa. Shocks! Baliw ba siya?
"Na patay na patay ka talaga kay Alexis Lee, ang crush ng bayan." Ngumisi siya at tsaka itinuro ang ilong ko. "Ang slow mo eh."
"Crush ng bayan ka dyan." Umirap ako at hinampas ng mahina ang kamay niya.
"Totoo naman eh." Giit pa ni Jan Rui nang mapansing hindi ako naniniwala. "Oh, bibilangin ko pa kung ilan bawat section ha." Inilahad niya ang kamay sa akin. "Anim na babae sa section D ng First years, may isang bakla rin doon na may gusto sa kaniya, tatlo sa C, walo sa B--" Pinalo ko ulit ang kamay niya palayo sa akin.
"Okay! Okay! Wala akong sinabing sabihin mo nga ah!" Medyo mahinang sigaw ko sa kaniya. Pinanlisikan ko siya ng mata dala ng pagka-irita pero tumawa lang siya. Nakakaimbyerna, ipamukha ba naman sa akin na maraming may gusto kay Alexis? Hmp! Syempre, gwapo yun kaya maraming nagkakagusto dun eh!
"Ang cute mong tao ka... Teka, tao ka ba?" Pinisil-pisil niya ang pisngi kaya muli ko siyang pinalo. Mas matutuwa pa ako kung si Alexis ang gagawa nun eh!
"Anong tingin mo sa'kin, hayop?" Umirap ako.
"Sige, yan ang sabi mo eh." Ngumiti pa ang loko.
"Hayop ako." Umikot muli ang mga mata ko. "Hayop sa ganda."
Nagmake-face ako nang muli siyang tumawa ng pagka-lakas-lakas, sinamaan ko siya ng tingin at nang marealize niya iyon ay ngumiti siya ng nakakaloko.
"Sa lahat ng sinabi mo, yon ang pinakanakakatawa."
Pinanlisikan ko ulit siya ng mga mata dahil doon.
"Ay, ayun na pala sila oh." Turo niya sa Fast Food Restaurant. Mabilis na bumaling ang ulo ko sa direksyong itinuro niya at nakita nga silang dalawa na lumabas.
Ngunit ang ngiti na dapat na iappakita ko ay napaltan ng pagka-salubong ng kilay at pagka-kunot ng noo nang biglang halikan ni Janine si Alexis sa pisngi.
Matagala akong napatitig sa kanila. Tsaka lang nabali ito nang marinig ko ang malakas na pagbuntong-hininga ni Jan Rui.
"Hey Jaylie." Tawag niya sa akin, lumingon muli ako sa kaniya. "Kung... Kung di ka tanggap ng leading man... May second lead ka pang sasandalan."
Kinindatan niya ako bago mawala ang kaniyang ngiti at magawi ang tingin niya sa sahig.
Malinaw ang pagkakasabi niya pero hindi ko rin ito gaanong naintindihan. Nasa paghalik pa rin ni Janine kay Alexis ang isip ko.
══════ ∘◦❁◦∘ ══════
A/N: Ngayong nirerevise ko 'to, ang dami ko palang mga typo hahaha
May isa rin akong hindi maintindihan... Yung part na 'Baliw ba siya?', 'Flip ba siya?' ang unang nakalagay. Nagtaka tuloy ako kung ano yung dapat na nakasulat don.
Lah lang share ko lang...
Thank you for tuning in!
~ Jewelplayer ♥
BINABASA MO ANG
In The Name of Love
RomanceStatus: Revised. Completed Nangarap si Jaylie Raquel ng isang lalaki na hindi nga perpekto, ispesipiko pero mamahalin siya ng todo. Kahit na hindi makatotohanan ang kaniyang ninanais, hindi siya tumigil sa pangangarap. Nang dumating ang panahon kung...