Chapter 27 - Final Chapter

47 6 31
                                    

Chapter 27: The Aftermath

Jay's Point of View

Unti-unting nagmulat ang mga mata ko. Hindi ako makagalaw ng maayos.

Kahit nanlalabo ang mga paningin, sinubukan kong tingnan ang paligid. Puro puti. May naririnig akong tunog ng makina.

Ospital. Nasa ospital ata ako.

"Jay?" May narinig akong pamilyar na boses. "Jay! Jaylie!"

"Susmaryosep!" May sumigaw pang isa. "Tumawag kayo ng doktor! Gising na ang anak ko!"

May narinig pa akong ingay na para bang may nagmamadali.

Hindi ko maintindihan ang nangyayari... Nasaan ako?

"Shh... Anak... Ayos ka lang ba?"

"M-Ma?" Unti-unting nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit pero parang matagal ko na siyang hindi nakikiat.

"Anak!" Halos umiyak na si Mama. Ano bang nangyari? Bakit hindi ko maalala?

"Mabuti naman at gising ka na!"

"P-Pa?"

Nakita ko si Papa na umiiyak na rin sa tuwa. Katabi niya si Mama.

Sinubukan kong umupo... Pero nahihirapan ako.

"Jay, wag ka munang gumalaw-galaw!"

"Rui?"

"Oo Jay! Ako 'to!" Ngumiti siya na para bang nagagalak. "Wag mo munang pagurin ang sarili mo."

Napatigil ako nang para bang may maalalang pangalan.

"Alexis." Mahina kong sambit

"Ha?"

"A... A-Alexis.."

Nakita ko ang pagkunot ng noo nila na para bang nagtataka. Napapikit ako. May nalilimutan ako... Alam kong  may nalilimutan ako.

"Sinong Alexis?" Tanong ni Papa.

My eyes flutters open.

Why can't I recall anything? Alam kong may nangyari... Pero bakit parang hindi ko matandaan?

Para bang nagising ako sa isang mahabang panaginip.

May dumating na mga taong nakaputi bago pa man ako makasagot. Umalis sila Mama.

May kung anong ginawa yung mga hinihinala kong doktor sa akin. Hindi ko alam kung ano ito. Nagsasalita-salita sila ng alphabet, at mga numbers. Hula ko, tsine-check nila yung kalagayan ko.

══════ ∘◦❁◦∘ ══════

"May nararamdaman ka pa ba iha?" Tanong sa akin nung nagpakilalang doktora.

"Medyo may sumasakit po."

"Saan?" Malumanay nitong tanong.

Hirap kong itinuro ang puso ko. Kunot-noo namang tumingin sa itinuro ko ang doktora.

"Masakit ang dibdib mo?"

"Puso..."

"Nahihirapan ka bang huminga?" Tanong nung doktora gamit ang kanyang malumanay na boses.

Dahan-dahan akong umiling.

"Ma-idedescribe mo ba sa akin yung sakit?"

"Para bang may pumipiga..." Sagot ko.

"Sandali lang iha ha? Kakausapin ko lang ang Nanay mo."

Pumasok muli sila Mama. Kinausap sila ng Doktora.

In The Name of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon