Chapter 14

32 7 37
                                    

Chapter 14: Uy, Selos

Jay's Point of View

"Bilog ba ang buwan?" Halatang gulat na tanong ni Henry. "Himala! Nagkasundo ang dalawang panig!" Itinaas pa nito ang isang kamay at sinuntok-suntok ang hangin.

Napairap ako sa inasal niya. Shocks, ang overdramatic niya.

Panay ang tanong nina Fari at Anjyll kay Janine. Panay ngiti namana ng sagot nito. Napatingin sa akin si Alexis na kakapasok lang ng room.

Lalapit na sana ako sa kaniya nang mapasigaw ako kasi hinila ako ni Jan Rui! Hmp! Siya na ang epal ngayon!

"Anong meron Jay?" Mahina niyang tanong malapit sa tenga ko.

"Anong meron?" Bulong ko pabalik.

"Kailan pa kayo naging close? Parang kahapon lang kinaiinisan mo pa siya."

Napangiti ako. Pero no-no-no way kong sasabihin sa kaniya ang dahilan.  Baka mapunta na naman sa isang pang-aasar.

"Hala siya." Napalayo siya sa akin ng kaunti at umastang nagulat. "Jaylie, umamin ka nga..."

Binigyan ko siya ng isang wirdong tingin. "Ano na naman Jan Rui Castillo?"

"Na-mental ka ano? Katatakas mo lang ano?"

Nasamaan ko siya ng tingin sa sinabi niya. Sa ganda kong 'to, mukha ba akong takas sa mental?

Napairap ako pagkatapos. Naupo nalang sa upuan ko.

Naka-upo na si Alexis sa tabi ko. Hindi katulad kanina na may slight na ngiti sa kaniyang mukha, ngayon ay nakasimangot nanaman siya. Biglang nag-moodswing.

Pinagmasdan ko ang mukha niya. Hindi ko talaga maimagine na makulit si Alexis nung bata pa siya.

Sinundot ko ang pisngi niya.

"Oy, ba't ka nakasimangot?" Tanong ko, pero mas lalo lang nagsalubong ang kilay niya, pang-asar lang?

Pero ang mas nakakaasar lang ay hindi na naman niya ako pinansin. Pa-famous na naman siya dyan oh...

"Alexis."

Wala.

"Hoy. Alexis Lee."

Wala pa rin.

"Gwapo. Hoy, magtatampo talaga ako sa'yo." Pagpapaawa ko with matching pout and beautiful eyes pero wala pa rin akong nakuhang reaction. More like, hindi talaga niya ako napapansin.

Nagmake-face na lamang ako sa kaniya habang di siya nakatingin. Iwinagayway ko na ang kamay ko sa harap niya pero pumikit lang siya at tumingin sa ibang direksyon.

"Hala siya, anong problema mo?" Kunot-noo kong tanong kay Alexis, pero katulad ng kanina ay hindi niya pa rin ako pinansin. Hindi ko na lang ulit siya kinulit. Hmp, bala sya dyan.

Tumalikod ako sa kaniya. Pero hindi rin nagtagal ay napatingin din ako sa kaniya. Naktalikod pa rin si Alexis sa akin kaya hindi ko maiwasang mapasimangot.

Tampuhan na naman ba?

══════ ∘◦❁◦∘ ══════

"Lex! Kanina mo pa hindi pinapansin si J—Ay!" Napatigil sa pagsasalita si Jan Rui nang samaan siya bigla ng tingin ni Alexis. "Galit?"

"Bakit ka naman galit?" Kunot-noong tanong ni Fari na sinundan ng pagsang-ayon ni Anjyll.

"Hindi ako galit." Ang tanging sinabi niya tapos hindi na nagsalita. Nakita kong nagmake-face rin ang magpinsan kay Alexis.

"You make that kinda face when you are pissed." Pagpo-point out naman ni Janine. Nagsipagsang-ayunan naman ang barkada sa sinabi ni Janine.

"Ano nga yun Alexis?" Tanong ni Jan Rui at umakbay sa akin. Nakita ko naman sa kasulok-sulukan ang pag-ngisi ni Daphne sa tabi ni Jan Rui, di ko sure kung ano ba ang dahilan. "May nang-aaway ba sayo?"

Inilapit ako ni Jan Rui sa kaniya, napakunot na rin ako ng noo at napatingala sa kaniya dahil mas matangkad siya kaysa sa akin.

Nang gawin naman iyon ni Jan Rui'ng baliw ay parang galit na umalis si Alexis. Tsaka naman ako binitawan ni Rui.

"Shuta! Bakit ganon yun?" Nag-aalala kong tanong. Tiningnan naman ako ni Jan Rui at nginisian. Sa sobrang pagka-asar ko ay nahampas ko siya sa braso. Hindi ko pa siya tinigilan at pinagkukurot pa sa braso.

"Aray! Masakit!" Hinimas niya ang parteng natamaan. Sinamaan ko ulit siya ng tingin na naging dahilan ng pagtawa niya. "Sarap mo talagang biruin."

"Ay, kaya naman pala." Tumatangong sabi ni Joyce na para bang may naunawaan na sa wakas. Napatingin kami ni Jan Rui sa tropa. Alin yung sinasabi ni Joyce?

"Oo nga ano?" Si Mat ang sumunod na nagsalita. Mas lalo lang akong naguluhan. Shocks, naa-out of place ako, ano bang tinutukoy nila?

Tiningnan ko si Daphne, lumapit naman siya sa akin at bumulong.

"Mukhang nagseselos si Alexis sa inyo ni Jan Rui."

Napasimangot pa ako sa narinig. Shutangina, ayaw kong mag-assume pero parang sapat naman na na dahilan yun para sabihin kong nagselos nga siya.

Medyo maganda nga na nagseselos siya pero ayoko namang sumobra. Wala naman siyang dapat ikaselos dahil kahit noon pang Elementary, ganito na ako tratuhin ni Jan Rui.

══════ ∘◦❁◦∘ ══════

Inilibot ko ang paningin. Hindi pa muna ako sumakay ng bus dahil panigurado ay iiwasan niya ako.

Nakita ko ang isang lalaking nakatalikod at brownish ang buhok. Naningkit ang mga mata ko.

Target: Found.

Lock on.

"Alexis!" Sigaw ko at nagsimulang tumakbo papunta sa kaniya. Medyo malayo kasi siya sa akin kaya kinailangan ko ng tumakbo. "Teka!"

Nang napalingon siya at tumayo lamang siya doon. Napangiti ako nang makalapit ako sa kaniya.

Pabiro kong hinampas ang braso niya pero katulad pa rin ng kanina ay wala siyang reaksyon.

"Uy, selos." Ginamit ko ang pabiro kong tono at nilaro-laro ang buhok ko habang nakatingin sa baba. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko at hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob ko para sabihin iyon kay Alexis.

"Hindi ah." Sagot niya sa akin. Pero hindi niya ako maloloko! Namumula ang likod ng tenga niya. Senyales na nagba-blush siya!

Yieee!

"Pwede mo namang sabihin na nagseselos ka kay Jan Rui eh..." Mahina kong sabi, may kasamang tukso.

"Hindi nga. Bakit ako magseselos sa kaniya?" Inilagay ko ang dalawang palad sa bewang at umakto na para bang nag-iisip. Bakit nga ba? Di ba siya yung dapat na sumagot nun?

Nagbilang ako sa isip. Parang may gusto pa siyang sabihin eh.

"Ano namang pakialam ko kung inakbayan ka niya? Tsaka eh ano naman ngayon kung sobrang close kayo? Eh ano—"

Confirmed.

Nayakap ko siya nang panandalian pero agad rin akong humiwalay nang mapagtanto kung ano ang nagawa.

Napayuko ako sa inakto ko. Shocks Jaylie! Huwag kang basta basta mangyayakap!

Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko. Nakita ko naman ang pamumula ng tenga ni Alexis.

"F-Fine... Sige, a-aaminin ko na n-nagseselos—"

Inintay ko ang sasabihin niya. Parang may tinitingnan siya sa likod ko..

"Alexis?"

Pero hindi siya sumagot.

Napatingin ako sa direksyon na tinitingnan niya. Nakita ko naman si Ma'am Adrianna na nakikipag-usap— No... more like nakikipagtalo sa isang lalaking kaedaran niya.

Tiningnan ko ng matagal ang lalaki bago lumipat ang tingin kay Alexis na parang magkahalong gulat at galit ang nararamdaman.

Tsaka ko lang narealize.

May pagkakahawig sila ng lalaking kaharap ni Ma'am.

*

In The Name of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon