Chapter 7: Janine
Jay's Point of View
"Ouch! Mama naman eh!" Daing ko nang kurutin ako sa bewang ng Nanay ko. Kanina pa niya ako kinukurot. Masakit din kaya kahit papano!
"Sinabi ko na sa'yong ayaw kong mapatawag sa school niyo eh!" Aniya habang naka-pamewang pa. "Ku! Ikaw talagang bata ka!" Akmang kukurutin niya ulit ang bewang ko pero napaiwas ako.
"Ma! Stop pinching me! Di ba naexplain ko na? S Ma'am B-Wenda yung mali?" Nakasimangot kong sabi.
"Nga pala, bakit ka nga ulit na-office?" Nakakunot ang noong tanong niya kaya muntik ko nang masapo ang noo ko. Shocks... Ano ba yan... Sinabi ko na kaya kanina! Hindi ba siya nakikinig o nakalimot lang talaga?
"Naglalandian daw kami." Umikot ang mga mata ko and tingin ko namang sapat na yun kay Mama para malaman kung totoo ba ang sinasabi ko o hindi.
"Eh totoo ba?" Tanong niya kaya gusto kong ibalik yung naisip ko kanina. Why oh why?
"Hindi." Sagot ko kay Mama. Hindi ko alam kung bakit ayaw niyang may 'po' ang salita ko sa kaniya, basta ayaw niya.
"Nakikipaglandian ka daw kanino?" Tanong pa ulit niya at itinuon ang kamay sa mesa. "Dun ba sa lalaking gwapo na kasama mo kanina?" Agad akong pinamulahan sa sinabi ni Mama. Shocks! Iba talaga alindog ni Alexis, pati ibang tao ang impresyon agad sa kanya gwapo...
Tumango ako dahil hindi ako makapagsalita. Mas namula ang pisngi ko nang ngumiti ng nakakaloko si Mama.
"Naku! Kung ganoong kagwapo rin lang ang makakalandian mo, papayag ako!" Ngiting-ngiting wika ni Mama kaya napatawa ako, although pakiramdam ko ay nag-iinit pa rin ang pisngi ko. "Pwede ka na rin niyang ligawan! Panigurado magiging magaganda ang mga magiging apo ko!"
Nanlaki ang mga mata ko. "Mama naman eh!"
"Joke lang!" Humahagikhik niyang sabi.
"Si Mama oh." Mahina kong sabi at napanguso pero hindi ko maitatangging hindi ako kinikilig sa posibilidad na iyon.
"Kung ganoon din lang ka-gwapo ang Tatay mo..." Nakanguso nitong ani kaya bigla akong napatawa. "Alam ko na... Yayain mo siya sa Saturday, dito siya mag-lunch sa atin."
Napatigil ako sa pagtawa.
"Bakit naman?"
"Wala lang! Para ma-meet namin siya ng maayos! Hindi naman aangal yang Tatay mo!"
Kahit namumula ay tumango nalang ako habang nakangiti. Meet the parents na ba ito? Shocks! Ang baliw talaga ni Mama! Alam ko na kung kanino ako nagmana...
══════ ∘◦❁◦∘ ══════
Kinabukasan ay pumasok ako sa school via bus. Doon pa rin ako sa dating pwesto namin ni Alexis pumunta at laking tuwa ko nang naroon rin siya.
Kaso...
Hindi siya nakangiti o walang reaksyon.
Nakakunot ang kaniyang noo at mukha siyang galit. Umupo ako sa tabi niya at nagpigil ng ngiti.
"Hi." Nag-ayos agad ako ng buhok. "Bakit ka nakasimangot?''
Tiningnan niya lang ako at umiling. Hm. Infairness. Hindi na siya total snob. May mga panahon lang talaga na snobbish siya, at may mga panahon ring ngumingiti siya at kusang nakikipag-usap.
"Anong ibig sabihin ng iling?" Tanong ko using my 'cute voice', or 'pa-kyut voice' ayon kay Daphne. Kaimbyerna kasi yun eh, ayaw akong suportahan sa mga kabaliwan ko.
Hindi siya sumagot kaya hindi na rin ako umimik. Bumaba kami ng bus at nang malapit na kaming makarating sa hagdan papuntang second floor kung nasaan ang classroom namin ay tsaka lamang siya nagsalita.
"Kilala mo si Janine Ignacio?" Ang kaniyang naging tanong kaya napasimangot ako at napailing.
Bakit kaya niya nai-ungkat? Nung tinanong ko siya tungkol kay Janine noon sa chat, hindi niya gustong pag-usapan. Pero those aside... Sino ba si Janine?
"Hindi." Simpleng sagot ko at pinagdikit ang labi.
"Pero narinig mo na yung pangalan niya?" Tanong ulit niya and this time, tumango naman ako.
"Sabi ng ilan first love mo daw siya." Nakanguso kong wika na sa tingin ko ay sanhi ng pagka-tikhim niya.
So siguro hindi ito totoo... Shocks, minsan talaga hindi mo mapagkakatiwalaan ang tsismis.
"Anak siya ng bestfriend ng Tatay ko." Parang lason na dapat iluwa ang salitang 'Tatay' sa pagkakasabi niya.
Hm... To think wala pa akong naririnig na sinabi niya tungkol sa Tatay niya, but I'm certain naman na Koreano ito dahil sa apelyido ni Alexis.
"Oo nga pala Alexis..." Lumingon siya sa akin. "Nagyayaya si Mama na this Saturday... Sa amin ka--"
Itutuloy ko na sana ang sasabihin ko nang may lumapit kay Alexis na isang magandang babae. Maputi ito at mas matangkad. Pulang-pula ang labi nito na animo'y Washington Apple.
"Sino yan?" Tanong ko na na-balewala nang hawakan nung babae si Alexis sa braso at ngumiti ng pagkatamis-tamis.
Teka, teka... Nag-uusap kami ah!
"Six!" Sigaw nito kaya napakunot ang noo ko. Shocks. Sino 'tong babaeng ito? Naliligaw ata.
Lumingon ako sa kaliwa't kanan, pati na rin sa likod ni Alexis para i-check kung sino man yung 'Six' na sinasabi nung babaeng dumating. Kaso nakatingin siya sa mga mata ni Alexis.
"Janine." Mahinang bulong ni Alexis pero sagap na sagap ng tenga ko.
Hindi ako nakapagsalita nang marinig ko ito. Kanina lang pinag-uusapan namin siya ah, paanong...
Nagsukatan sila ng tingin. Matamis at tila ba pursigidong makuha ang kung anong ninanais ang mga mata ni Janine. Medyo gulat naman ang mga mata ni Alexis pero agad rin iyong nawala at napaltan ng kawalan ng reaksyon. Habang nagtataka naman ang akin.
"Uh... Sino siya?" Tanong ko ulit kunwari pero hindi ako napansin... Or... Pinansin.
"Six! Good grace!" Ngumiti muli siya. "Nagkita rin tayo!"
"Teka lang Ate... May klase pa kami--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang biglang nagsalita ulit si Janine.
"Alam mo ba kung saan ako nanggaling?" Excited niyang tanong. Bubuka sana ang bibig ni Alexis pero naunahan na siya. "Pinapunta ako ni Dad ng USA! It's been so long! I can't believe it!"
Nagkwento pa siya ng nagkwento at singit naman ako ng singit sa usapan nilang dalawa pero hindi ako makasingit.
"Aish! I miss hanging out with you, Six." Ngumiti nanaman siya, unti-unti na akong naiinis sa mga ngiti niya. "Oh, I know! Maybe we can have lunch this Saturday?" Tumingin sa akin si Alexis, pasimple akong umiling.
"Sure."
Ngumiti naman ulit si Janine, this time, mas malaki sa nauna niyang mga ngiti.
Bumuka ang bibig ko... Pero walang lumabas... Bakit this Saturday rin? Nauna na akong magsabi sa kaniya!
"Morning Jaylie!" Sumulpot naman si Jan Rui mula sa kawalan. Gulat akong napatingin sa kaniya.
May sasabihin pa sana siya nang magawi ang mga mata sa nag-uusap pang Alexis at Janine. Nagbalik sa akin ang paningin niya at hinatak ako papunta sa classroom. Nagpahatak naman ako sa kaniya dahil hindi ko na kayang makinig sa pag-uusap nung dalawa.
Nakasimangot pa rin ako nang makarating kami ni Jan Rui sa classroom. Kaimbyerna. Bakit ka ba kasi pumayag Alexis? May sinabi na ako sayo kanina eh...
*
BINABASA MO ANG
In The Name of Love
RomanceStatus: Revised. Completed Nangarap si Jaylie Raquel ng isang lalaki na hindi nga perpekto, ispesipiko pero mamahalin siya ng todo. Kahit na hindi makatotohanan ang kaniyang ninanais, hindi siya tumigil sa pangangarap. Nang dumating ang panahon kung...