Chapter 25 : I Hate You!
Jay's Point of View
Si Alexis Lee. Alexis Luthor Lee.
Umalis siya. Six months ago. Umalis siya dala-dala ang pangakong aayusin niya ang pamilya niya, at tsaka niya ako liligawan...
Umalis siya. Kasama ng hiling ko na wag niya sana akong makalimutan.
Unang month simula ng umalis siya ay napaka-saya naming dalawa. Chat kami ng chat, skype ng skype na tila ba walang bukas.
Pinadalhan niya ako ng mga pictures. Nasa Gangnam sila, yung birthplace ng Tatay niyang Korean.
Tuwang-tuwa silang magkapatid. Ang ganda daw sa Korea, tila ba iniinggit ako.
Kinantahan niya ulit ako, kahit medyo choppy yung signal kaya tunog namamalat yung boses niya. Ewan ko ba kung bakit nagagandahan pa rin ako doon.
Pangalawang month ay wala silang pinagbago. Walang mintis ang pagbanat niya ng mga jokes. Pinakilala niya ako sa Daddy niya, nagustuhan nga ako nung Daddy niya. Sabi niya, nakakatuwa daw ako, gusto daw niyang maging Daughter-in-law.
Pero nang magsimula ang panibagong school year namin as Senior Highschool. Dumalang ang facetime naming dalawa.
Puro chat na lang na bihira pang mareplyahan.
Nag-aadjust kami pareho. Senior Highschool na ako eh. Hindi na katulad ng Highschool.
Fourth Month.
Wala na.
Hindi na kami nag-uusap. Mas naging busy kasi. Mahirap rin kasi dahil medyo magka-iba ang timezone namin. Minsan, si Anjyll na lang ang nakaka-usap ko. Ang huli kong balita sa kaniya... May mga bago nang tropa si Alexis. Mga Koreano lahat. Parang nakalimutan na niya yung tropa... Sabagay, kinalimutan na rin naman nila kami.
Fifth month.
Wala na akong balita sa kanilang dalawa.
Umiyak na ako nung isang beses dahil sini-seen ako palagi ni Alexis sa chat at nirereject sa tawag... Pathetic, I know... Pero sinong hindi iiyak kung bigla nalang siyang nanlamig sa hindi malamang dahilan.
I'd like to think that it's his family again but... My gut has a different thought.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Mabuti na lang, nandyan pa si Daphne at si Jan Rui.
Simula kasi nung nangyari sa Graduation. Nabuwag na ang tropa. Yung iba kasi katulad ni Joyce at Yvonna na binabaan ang pride para ihatid si Alexis sa airport, sa Maynila nag-aral. Si Janine, bumalik ng America at doon na nag-aral. Wala naman na akong balita doon sa mga lalaki.
Hindi ko alam kung ano bang nangyari at nagkaganito kaming lahat. Mas lalong hindi ko naman alam kung anong nangyari kay Alexis.
Sawa na ba siya? Hinihintay ko naman siya ah.
Nakahanap na ba siya ng iba? Pero ang sabi niya... Aayusin niya ang pamilya niya at liligawan niya ako pagkatapos.
Balita ko rin mula kay Fari, nag-iba na ng Facebook account si Alexis. Binura naman daw ni Anjyll yung sa kaniya. Wala rin daw siyang balita... Halata ang sinseridad sa boses niya, nag-aalala na nga siya para kay Anjyll dahil nalaman niya raw mula kay Ma'am Adrianna na umiyak ito dahil sa hindi nila malamang dahilan.
May isang tanong sa isip ko nung mga panahong yun.
Bakit?
Sinubukan kong itanong kay Fari kung anong Facebook name ni Alexis dahil walang nalabas tuwing isesearch ko.
BINABASA MO ANG
In The Name of Love
RomanceStatus: Revised. Completed Nangarap si Jaylie Raquel ng isang lalaki na hindi nga perpekto, ispesipiko pero mamahalin siya ng todo. Kahit na hindi makatotohanan ang kaniyang ninanais, hindi siya tumigil sa pangangarap. Nang dumating ang panahon kung...