Chapter 15

33 7 39
                                    

Chapter 15: Family Problems

Jay's Point of View

Napahilamos ako ng mukha. Ngayon ay nakikinig kami ni Alexis ng usapan ng may usapan. Hinila niya ako palapit sa Mama niya at sa kausap nito, akala ko babatiin niya sila pero bahagya lang akong nagulat nang magtago kami sa likod ng mga halaman.

"I told you Andreas! I'm not giving Alexis and Anjyll to you!" Sigaw ni Mama ni Alexis. Bakit? Ibibigay?

Napatingin muli ako kay Alexis na tutok na tutok sa usapan nila.

Di kaya Tatay niya yung Andreas? Malamang siguro...

"Nae mal deul-eu la!" Sigaw nung Andreas. Ano raw?

Napatingin ako kay Alexis. Mukhang naunawaan naman niya yung sinabi nung kausap ng Mama niya.

Napalingon muli ako kina Ma'am Adrianna at Andreas nang muli silang magsalita.

"Give me one good reason why I should listen to you!"

"Because if you'll just hear me out, I will leave you alone!"

Tumahimik silang dalawa matapos itong isigaw nung kausap ng Mama ni Alexis. Pero masama pa rin ang tingin sa kaniya ni Ma'am Adrianna.

"As their father I want to look after them too! Can't I bond with my children too?''

Shocks! Confirmed nga! Daddy nga nila. Napatingin muli ako kay Alexis. Huh? Nakakuyom yung kamao niya... Bakit naman kaya?

"You lost your right when you abandoned us!" Galit na sigaw ni Ma'am. Napatingin ako sa paligid. Walang tao, pero baka may dumating at marinig sila nito.

"I can explain!" Sigaw pa ulit nung Daddy ni Alexis. "I can tell you why I left... Just hear me out!" Naramdaman kong kumalma naman yung Daddy niya. "All you have to do is—Alexis?"

Napalingon silang dalawa sa amin. Kita ko ang galit sa mga mata ni Ma'am at magkahalong tuwa at gulat sa mga mata ng Daddy ni Alexis. Hala... Patay na.

Lumabas si Alexis sa pinagtataguan namin. Nakayuko naman akong sumunod sa kaniya.

"What's the meaning of this?" Kunot-noong tanong ni Mama ni Alexis, ang mga mata niya'y nasa anak. "You're eavesdropping?"

"Your voices were way too loud, anyone could've heard you." Sagot ni Alexis, hindi na niya ito dinagdagan pa.

"Adeul!" Tuwang-tuwang bulalas ng Daddy niya. Tinangka nitong lumapit kay Alexis pero nang humakbang palayo si Alexis at tumingin sa ibang direksyon ay tumigil siya. "Oh, mianhae. I'm just happy to see you."

Nagawi ang tingin sa akin ng Mama ni Alexis. Napalunok ako ng laway. Parang nagiging girl-version siya ni Alexis tuwing naiinis.

Halatang naiinis dahil parang gusto kang tusukin ng mga mata. Resting-bitch face, parang ganun ba.

"And what are you doing here?" Tanong ni Ma'am sa akin, nagpipigil ng inis. Mukhang bad timing kami ngayon... Ayaw ko pa man ding magkaroon si Ma'am ng dahilan para hindi ako magustuhan. "You shouldn't be here."

"Ah, eh—"

"Were you also eavesdropping?"

"I dragged her here, don't get mad at her." Sabat ni Alexis. Napakawalan ko yung hininga na kanina ko pa pala pinipigilang lumabas. Shocks! Ramdam mo talaga yung umaapaw na tensyon!

"What? You should get home! Where is your sister?" Tanong ng Mama niya, medyo tumataas yung tono.

"An jil-eun eodiss-eo?" Naging alerto ang pandinig ko. I heard 'Anjyll'. Siya siguro ang pinag-uusapan nila. "Where is she?" Napatingin siya sa akin. "Is she your sister?"

In The Name of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon