Chapter 21: I've Got Something To Say
Jay's Point of View
"Jay."
Nilingon ko si Jan Rui. Nakayuko siya. Anong problema nito?
Pumunta sila ni Daphne sa bahay. Nasa C.R. lang ang bestfriend ko. Mabuti na nga lang at wala sila Mama at Papa sa bahay dahil kung nandito sila, malamang pinaulanan na nila ng tanong si Jan Rui.
"Kayo na ba ni Alexis?" May lungkot na mababasa sa mukha niya.
Muntik ko nang maibuga ang iniinom kong kape sa kaniya. Mabuti nalang at nalunok ko ito ng maayos.
"H-Ha?" Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko. Shocks! Bakit ako namumula?
"Kung kayo na ba ni Alexis kako."
"H-Hindi." Parang medyo sumaya yung reaksyon niya. "Pa." Ngayon ay lumungkot naman.
Teka nga? May bipolar disorder ba 'tong lalaking 'to?
"Pa?"
"Malaki ang tsansa na magiging kami in the near future." Sabi ko with matching smile and beautiful eyes.
Hay! Ang assuming ko naman. Pero sabagay, di naman sya ganoong kalayo sa reality... Ayoko mang umasa pero nagtitiwala ako kay Alexis nung sinabi niya na liligawan niya ako pagkatapos niyang ayusin yung sarili niyang problema.
"Ah, ganoon ba?" Nagbalik ako sa katotohanan nang magsalita siya bigla.
Nagtaka na talaga ako sa ekspresyon niya. Shocks, bakit? Anong problema?
Bumalik si Daphne.
"Oh, Jan Rui. Nasabi mo na?" Tanong niya.
"Anong nasabi na?" Saluboong ang kilay at kunot ang noo kong tanong kay Daph. "Kung kami na ba ni Alexis?"
"A-Ah... Oo..." Tumango siya. Halatang nagulat. "Oo."
"Hindi pa nga kami."
"Stuck in Mutual Understanding zone lang kayo?" Tanong ni Daphne. Hindi ko maintindihan kung anong reaksyon niya talaga, kasi parang inis, supportive, at... Wala lang ang mga nababasa ko sa kaniya.
"Hindi mo rin naman masasabi." Sabi ko.
"Pero hindi mo rin masasabi kung kayo rin ba ang magkakatuluyan sa huli." Wika pa ni Daphne gamit ang ganyang seryosong boses. Hindi ko alam kung anong problema ko't kinabahan ako bigla. "At syempre, hindi ako seryoso nung sinabi ko yun."
Shete naman si Daph oh! Minsan na nga lang magka-lovelife gaganyan pa siya! Hmp naman eh!
"Lumayas na nga kayo." Nakanguso kong sabi. "Alis! Mga badvibes 'tong mga 'to."
Tumawa si Jan Rui habang paalis na sila ni Daphne sa bahay, pero katulad ng mga nakaraang araw, hindi ito umabot sa mga mata niya like how it used to be. Ewan ko, malungkot ata siya.
Ang tanong naman doon... Bakit siya malungkot? May nagawa ba akong mali? Sa kaniya? Sa kanilang dalawa ni Daphne?
Hindi lang pala ang mga Lee ang magulo. Ang mga Castillo rin pala.
══════ ∘◦❁◦∘ ══════
Pagka-alis ng mag-pinsan ay naka-recieve ako ng message sa Messenger. Inaasahan kong si Alexis iyon, pero pangalan ni Anjyll ang nakalagay sa notification.
Anjyll:
Hi Jaylie!
You:
BINABASA MO ANG
In The Name of Love
RomanceStatus: Revised. Completed Nangarap si Jaylie Raquel ng isang lalaki na hindi nga perpekto, ispesipiko pero mamahalin siya ng todo. Kahit na hindi makatotohanan ang kaniyang ninanais, hindi siya tumigil sa pangangarap. Nang dumating ang panahon kung...