Chapter 20

29 8 39
                                    

Chapter 20: Memories To Keep

Jay's Point of View

Sa buong linggong 'to, naging kapansin-pansin ang pagbabago ni Alexis.

Tuesday.

Madali na siyang napapangiti, bagay na ikinagulat ng buong tropa. Isa pa'y biniro niya si Fari! Hindi siya madalas nagbibiro kaya nagulat kaming lahat!

Natutukso na nga kami palagi. Yung mga walang clue sa pagiging M.U. namin ni Alexis, tulad ni Yvonna, gulat at palagi kaming tinatanong kung mag-on na ba kami. Yung mga lalaki maliban nalang kay Jan Rui, todo encourage kay Alexis na ligawan na ako. Yung magpinsang babae, si Joyce at si Janine, natutuwa rin para sa amin.

Si Daphne naman, binigyan niya ako ng isang drawing naming dalawa ni Alexis. Ito yung way niya para sabihing... "Maligaya ako para sa inyo."

At syempre, di mawawala si paepal na Raina-reynahan na bumalik na sa pagpasok. Sobrang sama ng tingin niya sa akin pero wala na siyang magawa dahil si Alexis na ang laging lumalapit sa akin. Hindi ko alam kung bakit iba talaga ang pakiramdam ko sa kaniya... Parang anytime may gagawin siyang masama sa amin. Shocks, naloloka na ata ako.

Bukod kay Raina, syempre nandiyan din yung isang teacher. Tinaasan kami ni Ma'am Bitter nang makita niya ang pag-akbay ni Alexis sa akin, pero labis na nakaka-shock na hindi niya kami pinagalitan.

Pero wala na akong angal.

══════ ∘◦❁◦∘ ══════

Wednesday naman.

Ang laki ng tuwa namin nang pumasok si Anjyll, birthday kasi niya at mas masaya na siya kumpara noon. Nakangiti siya at walang ginawa ng yakapin naming mga babae siya. Muntik na rin siyang mayakap ng mta lalaki sa pangunguna ng abnormal na si Jan Rui na agad namang nahinto nang makita niya kung gaano kasama ang tingin namin ni Alexis sa kaniya.

At pangalawang beses na kaming HINDI pinagalitan ni Ma'am Bitter nang maglandian ulit kami ni Alexis sa klase niya. Inakbayan ulit ako ni Alexis pero wala siyang pakialam katulad noong kahapon.

Ang tanging ipinagtaka ko lang ngayong araw na 'to ay nung mag-joke si Joyce at tumawa si Anjyll, kapansin-pansin na hindi iyon umabot sa mga mata niya. Nakakapagtaka talaga... Kadalasan kasi ay tawa kung tawa ang peg niya.

Masaya siya kanina pero napapansin ko... May lungkot pa rin siya sa kanyang mga mata.

══════ ∘◦❁◦∘ ══════

Thursday ang pinaka-masayang araw ng linggong 'to.

Kinantahan ako ni Alexis. Yung In The Name of Love. May dala pa nga siyang gitara at siya yung nagpatugtog.

Todo irit ang nga kaklase ko. Ang saya nga eh, tapos sunod-sunod pang wala yung mga teacher namin. Kay Mama ni Alexis, Ma'am Bitter at dalawa pang teacher lang kami nagklase. Sumunod doon ay wala na, may mga ginagawa kasi sila.

Hindi ko maintindihan kung anong mararamdaman. Ang gandang kumanta ni Alexis! Binanatan pa ni Fari na kumanta rin daw ako, kaya nag-duet kami ni Alexis.

Naasar nga ako kay Henry eh. Sabi niya sa akin: "Akalain mo yun? May talent ka pala sa pagkanta?"

Wala rin kaming ginawa halos. Nagkantahan lang. Bumanat si Fari at Anjyll ng Dati at Huling El Bimbo. Tapos pinilit ni Harvis na pakantahin si Jan Rui, wala namang nagawa yung isa dahil napagtulungan ng tropa, kabilang na si Alexis, akala kasi nila hindi marunong kumanta si Jan Rui.

Binanatan niya yung isang Korean love song, may kaunti pa ngang pagsayaw. Tahimik lang kami ni Daphne na tumatawa kada hindi makapaniwalang reaksyon ang nakukuha namin.

May napansin rin ako. Parang malungkot si Jan Rui nung hapon habang tahimik naman as usual si Daphne. Nakita ko ring nag-uusap sila, pagaganahin ko na sana ang aking sense of hearing pero dahil sa ingay ay wala akong narinig. Ang rude naman kung lalapit ako sa kanila para makichismis.

Iniirapan na naman ako ni Raina. Inirapan ko rin siya pero di ko na pinatulan. Hayaan ko na lang siyang mahilo kaka-irap dyan. Hindi talaga mawawala yung eksena ng pabidang 'yan eh.

══════ ∘◦❁◦∘ ══════

Ngayon naman ay Friday.

Naka-upo si Alexis sa tabi ko. Recess na naman. Katulad ng dati ay kaming dalawa lang palagi ang naiiwan.

Lumayo rin si Raina sa amin pero hindi ako nilulubayan ng mga masasama niyang tingin. Shocks, kung pwede lang tusukin yang mga matang yan eh.

Palihim ko siyang inirapan. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Alexis sa tabi ko.

"I saw that." Sabi niya. Napanguso ako. Wag naman sana siyang maturn-off. "Nakaka-amaze ang paraan ng pag-irap mo. Could you do it again?"

Kahit naguguluhan ay umirap ulit ako. Natawa siya at pinisil-pisil ang pisngi ko.

"You're cute."

Huh? Hindi ko talaga maintindihan. Nakyu-cute-an siya sa irap ko? Bakit naman? Mukha kaya akong malditang ewan!

"If you're wondering..." Ngumiti siya. Shutangina! Ayan na naman yang makalaglag-panty'ng ngiting yan! "Tumitingin ka muna sa gilid bago ka umirap. Tapos mabagal pa ang pag-irap mo."

Napangiti ako at napatakip ng pisngi.

May naramdaman akong dumaan sa tabi ko. "Bitch." Bulong ni Raina at bahagya akong tinabig. Nakita naman siya ni Alexis.

Biglang bait ang gaga.

"Oops! Sorry! Di ko sinasadya." Sabi niya agad. Nakita ko ang pag-irap niya nang tumingin si Alexis sa ibang direksyon.

"Ayos lang." Sabi ni Alexis. Hindi siya ngumiti.

Ngumiti naman si Raina na halatang peke. Nagmake-face siya pagkatalikod sa amin, nakita ko pa yun. Para kasing sinadya niyang ipakita sa akin.

Hinawakan ni Alexis ang pisngi ko at muli itong pinisil-pisil. Ngumiti siya sa akin, labas ngipin pero hindi labas gilagid.

"You know what Jaylie? Don't mind them." Sabi niya. "I'm yours, hinding hindi ako mananakaw ng kung sino man sa'yo."

"Hala. Bakit mo sinasabi yan?" Tanong ko. Medyo nag-crack ang boses ko habang itinatanong yun. Paano ba naman kasi, parang may ipinaparating siya eh!

"Wala lang. I feel like saying it." Tumigil siya sa pag-pisil sa pisngi ko. Hindi ko nga alam kung bakit niya pinipisil ang pisngi ko eh. It was a Jan Rui thing after all.

Hinaplos niya naman ito. Narinig ko sa di kalayuan ang pag-'grrr' ni Raina. Sa tingin ko ay nakita niya ito.

Shocks! I guess na ito ang pinaka-memorable na linggo ko sa school. Andami agad nagbago at nangyari!

May mga positive tulad nung kay Alexis, Anjyll at Ma'am Bitter... May negative, tulad nung kay Jan Rui at kay Raina...

Pero kung ano mang mga nangyari ngayong linggong 'to, mapa-positive man o negative... It sure are memorable memories to keep.

*

In The Name of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon