Special Chapter #1

28 6 20
                                    

A/N: This is what happened AFTER the Prologue.

══════ ∘◦❁◦∘ ══════

Special Chapter 1: The Childhood Friend

Jan Rui's Point of View

"Why don't you just confess your feelings? It's not like you would lose something." Nakangiwing giit ng pinsan kong si Daphne sa akin pagkababa na pagkababa namin ng bus.

"Sana ganoon lang kadali."

"Sana... Sana... Sana..." Mapang-asar na kanta ni Daph. Napatingin ako sa kaniya ng masama. "Puro ka sana, ayaw mong gawin."

"Iniisip ko pa lang yung magiging reaksyon niya, naduduwag na'ko."

"Tanga ka kasi, sinabi na sa'yo noon na wag mong pagtripan, ginulo mo pa rin." Sabi ni Daph. Eh sa yun yung paraan ko para mapansin niya ako eh? "Tsaka ang sabi ko sa'yo nung Grade Seven, wag ka munang magconfess, nagconfess ka agad." Dagdag pa niya.

Biglang pumasok sa memorya ko yung ala-alang yun.

Grade Seven kami noon at hindi ko alam na nareject pala si Jaylie nung crush niya sa Grade Nine. Pagkatapos ko na nalaman.

"Jaylie! Ang lungkot mo ah!" Bungad ko sa kaniya katulad ng palagi kong ginagawa. Hindi siya ngumiti gaya ng inaasahan at pinanlisikan lang ako ng mga mata.

"Hindi, masaya ako. Ha-ha-ha." Sarkastiko niyang sagot kaya natawa ako at naupo sa tabi niya. "Anong kailangan mo?"

"Ano... Ah... Uh... Uhm..."

Napakamot ako sa batok. Nagsimula akong pagpawisan ng malamig nang mawala sa isip ko lahat ng prinactice ko kanina sa harapan ng salamin.

"Natatae ka ba?" Magsalubong ang kilay niyang sabi na agad kong ikinailing.

"M-May sasabihin lang sana ako. Kung ayos lang ba sayo?"

"Oo naman. Ano ba yun?"

"May gusto ko sayo." Mabilis kong wika habang nakatingin sa mga mata niya.

Hindi siya sumagot at nanatiling nakatingin sa akin.

She looks horrified... Sinilaban ako ng takot. Baka maging masama yung reaksyon niya! Worse, baka layuan niya ako!

Nagpumilit akong tumawa, hindi naman ito naging mahirap dahil gawain ko ito lagi.

"Joke lang!" Pagsisinungaling ko.

"Shutangina mo Rui!" Nakangiwi niyang sabi na may kasama pang paghampas. Agad akong tumakbo palayo habang tumatawa.

Tumatawa hindi sa kanya kundi sa sarili ko. Anak ka ng Nanay mo Jan Rui! Sa susunod nalang!

Isang napakalakas na busina at tilian ang nagpabalik sa akin sa katotohanan. Napalingon ako sa likod ko kung saan nanggaling yung sigaw. Nanlaki ang mga mata ko sa nasaksihan.

"Shit..." Narinig kong bulong ni Daphne.

"Jaylie!"

Hindi na ako nag-isip pa at agad na tumakbo papunta sa dalawang nagsalpukan na sasakyan. Natigil lang ako nang biglang may dumating pang isang sasakyan at bumangga sa likod ng truck.

Napatalon ako pagilid nang tumalsik ang motorsiklo ng isang nago-overtake na driver na napatama sa may pintuan ng truck papunta sa direksyon ko. Buti nalang nakailag ako!

Anak ng kagang, kinabahan ako roon ah!

Nang makitang ayos na at wala nang paparating na sasakyan ay pumunta ako sa may bus. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang duguan ang driver.

In The Name of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon