Chapter 18: Tayo Kahit Na Walang Label
Jay's Point of View
"Sineryoso mo talaga yung sinabi sa'yo ni Raina?" Di makapaniwalang tanong ni Jan Rui sa akin. Nanlalaki ang mga mata niya, nakaawang ang bibig at bahagyang nakayuko ng bahagya para magkapantay kami ng tingin.
"Eh..." Napa-iwas ako ng tingin, biglang nailang. Paano ko ba sasabihin? Para kasing may impact yung sinabi sa akin nung Raina-reynahan na yun eh.
Paano ko ba maipapaliwanag? Bakit feeling ko... Hindi nga kami magkakatuluyan? Bakit feeling ko... Mawawala rin sa akin si Alexis at magiging sila ni Raina? Bakit ganito?
Napa-iling ako sa sarili kong naisip.
No! Ayaw ko siya para kay Alexis. Mas gusto ko ako! Kung hindi man kami, mas okay pa sa kaniya si Janine o ibang babaeng mabait na magpapasaya sa kaniya! Mas makakaya ko pa 'yun kaysa kay Raina!
Ewan ko sa'yo Jaylie! Gosh! Leche ka! Nagiging OA at nakakairita ka na naman eh!
Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Jan Rui, mukhang napansin niya yung pagkabalisa ko. Tumigil siya sa paglalakad bago pa man kami makarating sa classroom kaya napatigil rin ako.
Iniharap niya ako sa kaniya, tinapik ang balikat ko nang ilang beses bago ako tingnan ng deretso sa mata at bahagyang ngitian.
"Look." Nagulat ako nang hawakan niya ang dalawa kong balikat. Shutanginamers? "Ganito na lang ang isipin mo. Kayo ni Alexis ang magkakatuluyan. Magpapakasal kayo. Magkakaroon ng masayang pamilya."
Itinaas niya ang baba ko gamit ang kanyang dalawang daliri at ngumiti ng walang halong biro o kalaswaan.
Huh. Weird and unusual.
Medyo nagulat ako sa mga susunod niyang sinabi.
"Cheer up Jaylie, maging masaya ka na please, kung hindi para sa akin, pwedeng para sa sarili mo?"
Napatingin lang ako sa kaniya, bahagyang nakakunot ang noo dahil sa kanyang sinabi. May kung ano sa mga mata niya na parang kumikislap habang tinitingnan ako. Huh?
Nang mapagtanto ang sinabi ay binawi niya ang sariling kamay at inilagay ang mga ito sa bulsa. Tumingin lang siya sa mga mata ko, hindi pa rin inaalis ang sinsiro niyang ngiti.
"Sige ka... Kapag hindi kita nakitang ngumiti ulit, kakanta ako ng Pusong Bato."
Inirapan ko siya at tsaka itinulak palayo. Tatawa-tawa naman siya kagaya ng palagi niyang ginagawa. Ugh! Alam nga pala nitong lalaking ito kung gaano ko ka-hate ang Pusong Bato.
Hindi naman ako totally against sa kantang yun. Ayun nga lang, nagstuck siya sa utak ko ng ilang weeks, tapos ang magaling na si Daphne, palagi itong pinapatugtog o kinakanta. Nakakasawa na kaya.
Idagdag mo pa si Jan Rui na sinasadyang ipitin ang sariling boses para pumiyok bilang pang-asar. Umaarte pa siya na nasasaktan at sa lahat ng pwede, ako palagi ang itinuturo sa linyang 'Di tulad mo na pusong bato'.
"Psh. Magmumukha ka lang tanga."
"Handa naman akong magmukhang tanga..." May ibinulong pa siya na hindi ko narinig. Kaya hindi ko nalang inintindi. Knowing Rui, it was probably something nonsensical.
Inunahan ko na siya sa pagpasok sa room. Hinawi ko pa ang buhok ko dahil dumidikit sa leeg ko. Mukha tuloy akong V.I.P.
Tawang-tawa pa ang tropa dahil sumunod sa akin si Jan Rui na nakatumba pa ng isang bangko na natabig niya.
══════ ∘◦❁◦∘ ══════
Pauwi na sana ako nang nag-vibrate ang phone ko. Tiningnan ko ito at excited na binuksan ang Messenger app nang makita ang notification.
BINABASA MO ANG
In The Name of Love
RomanceStatus: Revised. Completed Nangarap si Jaylie Raquel ng isang lalaki na hindi nga perpekto, ispesipiko pero mamahalin siya ng todo. Kahit na hindi makatotohanan ang kaniyang ninanais, hindi siya tumigil sa pangangarap. Nang dumating ang panahon kung...