Chapter 16

41 7 40
                                    

Chapter 16: Raina

Jay's Point of View

Nasesense ko na maganda 'tong takbo ng araw na ito. Nagkasabay ulit kami sa bus ni Alexis, hindi pa ako pinagtitripan ni Jan Rui, kumpleto ang tropa, hindi nalate si Ma'am Adrianna at Anjyll, at nakagawa at nakapakinig ako ng maayos sa mga nagdaang subjects.

Mukhang maayos-

"Get a one whole sheet of paper, number it from one to thirty, we are having a surprise quiz. Surprise!"

Nanlaki ang mga mata ko nang biglang pumasok si Ma'am Bitter sa loob ng classroom bitbit ang kaniyang mga gamit at hawak ang isang bondpaper.

Spoke too soon...

"Anong tinutunga-tunganga niyo dyan? Number one!"

Madali akong kumuha ng sheet of paper mula sa bag ko at pandalas na nagsulat.

"Ano ang pinakamahalagang e-"

"Wait lang Ma'am!"

"Sandali lang!"

"Penge papel!"

Tumatagaktak na ang pawis ko habang isinusulat ang mga numbers. Sasabihin na sana ni Ma'am Bitter yung mga tanong nang may pumasok na teacher namin na may kasamang studyanteng babae.

"Uh, Ma'am Wenda... Isisit-in ko po si Raina, ayos lang po ba?" Tanong ng teacher.

Lihim akong napangiti. Yes!Makakapagsulat pa ako!

Matapos maisulat ang numbers one to fifteen ay napatingin ako kina Ma'am at dun sa isa pang teacher na may kasamang studyante. Nag-usap sila ng teacher, mahina iyon kaya hindi ko maintindihan.

Napatingin ako dun sa Raina. Dumapo rin ang tingin niya sa akin, masama iyon kaya sinamaan ko rin siya ng tingin. Shocks, ang sama kung makatingin, akala mo may ginawa akong masama sa kaniya eh. Teka, para ngang nakita ko na siya noon pa...

Nagawi ang mga mata ko sa suot niyang checkered jacket. Bigla kong naalala, siya yung babaeng nabunggo ko last year tapos naging rude yung trato sa akin!

Bumalik ang tingin ko sa mukha niya nang biglang...

Inirapan niya ako !

Shutanginames. Nangunot ang noo ko, inaano ko ba yang babaeng yan? Mukhang hindi naman ganoong kayaman pero parang spoiled na spoiled!

"She rolled her eyes at you." Bulong sa akin ni Janine. Napasimangot ako. Kita ko nga eh, sarap dukutin. "Do you know her, Jaylie?"

Iling lang ang isinagot ko sa kaniya.

"Sa likod ka umupo." Wika ni Ma'an Bitter sa kaniya. Nanlaki naman ang mga mata ko. Napalingon ako sa may likuran sa bandang gitna, sa tapat ko, walang mga nakaupo doon!

Isinusumpa ko na naglagay ng mga upuang yan! Wala yan last quarter eh! Bakit kasi ang lapit sa upuan namin?

Nagkatinginan kami ni Daphne, nakakunot din ang noo niya kay Raina na tila ba kinikilatis ito.

Speaking of Raina, mabilis siyang sumunod sa sinabi ng teacher. Bitbit ang kaniyang bag na kulay sky blue at suot ang hindi ko maintindihang ekspresyon sa mukha niya, pumunta siya sa itinuro ni Ma'am.

Nang dumaan siya lane namin ay nakita ko ang panandalian niyang pag-ngiti, nakatingin siya kay Alexis. Nagngitngit ang ngipin ko bigla. Pumunta na siya sa upuang katapat na katapat ko lang!

"So, siya po si Raina Morales, galing siya sa advisory class ko, sana ay pakitunguhan niyo siya ng maganda." Ngumiti sa amin si Ma'am Kanluran, teacher namin siya sa Filipino.

In The Name of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon