Chapter 24: Can I Know Why?
Jay's Point of View
Tumugtog si Alexis. Shutanginamers! Natugtog siya ng gitara!
Tugtog lang ito, walang lyrics. Walang nakanta pero sobrang ganda sa pakiramdam.
Nang matapos siyang tumugtog ay tumingin siya sa akin. Ibinaba ang hawak na gitara. Ngumiti at lumapit sa akin.
Lima lang kaming nasa loob pero nakaka-ilang pa rin dahil nandito si Ma'am Adrianna. Laking ginhawa ko nang lumabas silang tatlo para iwan kaming dalawa ni Alexis sa salas.
Niyakap ako ni Alexis. At kahit matagal iyon, hindi ako nakaramdam ng awkwardness.
"Jaylie... I'm sorry..."
Tumibok ng mabilis ang puso ko. Ano 'tong sinasabi niya?
"I'm not going to be around for a while." Dagdag niya. "Pagkatapos ng Fourth Quarter. Aalis kaagad kami."
Napanguso ako pero hindi ko naitago ang lungkot nang marinig kong aalis sila. "Matagal-tagal pa naman pala eh. Bakit mo agad 'to sinasabi sa akin?"
"Para hindi ka na mabigla. Ayaw ko kung kailan malapit na, tsaka ko sasabihin sa'yo na aalis ako." Dahilan niya.
Napangiti ako. Ang thoughtful naman.
"Pero bakit kayo aalis?" Hindi ko mapigilang magtanong.
"Mom finally gave Dad a chance to prove himself." Nakangiti niyang sabi. Lumawak tuloy ang ngiti ko.
"Magkaka-ayos na rin kayo!" Bulalas ko. "Yes!"
"Yeah. Who would have thought?" Nagawi ang tingin niya sa sahig. "Hold a little longer Jaylie. Maliligawan na rin kita."
"I can wait for forever." Sagot ko.
"And Jaylie?"
"Hm?"
"I love you." Mahina niyang wika.
Wala sa sarili akong nagsalita.
"I love you too."
══════ ∘◦❁◦∘ ══════
"My son loves you. I can see that." Namula ako at napatingin sa sahig. Nasa harap ko ngayon si Ma'am Adrianna habang si Alexis ay nag-aayos sa kusina.
Ngumiti siya sa akin. Nakikita kong genuine iyon.
''I hope that... Magtagal kayo."
"Pero uh..." Napakamot ako sa ulo, nangangapa ng sasabihin. "Hindi pa po kami."
"But you act like one." Ngumiti si Ma'am. "Sa totoo lang... Hindi niyo na kailangan pang magligawan, pwede na kayong dumeretso sa pagiging magkasintahan.." Sabi pa ni Ma'am.
Napanguso ako at napatingin sa sahig. Siguro tama si Ma'am. Kasi, kahit hindi na manligaw si Alexis, sasagutin ko pa rin naman siya. May pagkaka-intindihan kami at kahit wala man kaming sabihin, nauunawaan na naming dalawa kung ano ang gagawin at ipinararating ng isa't isa.
"Honestly, you're not the brightest or the most aloof..." Nagulat ako sa pag-amin ni Ma'am. "But you make my son happy so I'm more than alright with your relationship."
Napangiti ako.
"Can I ask you a big favor Jaylie?"
"Opo."
"Can you love my son until your last breathe?"
Lumawak ang ngiti ko bago tumango.
"I can Ma'am, and I will." Sagot ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
In The Name of Love
RomanceStatus: Revised. Completed Nangarap si Jaylie Raquel ng isang lalaki na hindi nga perpekto, ispesipiko pero mamahalin siya ng todo. Kahit na hindi makatotohanan ang kaniyang ninanais, hindi siya tumigil sa pangangarap. Nang dumating ang panahon kung...