Chapter 2: Rejection?
Jay's Point of View
Tumigil ako sa paglalakad nang matapatan ko ang isang classroom. Sinilip ko muna siya sa loob at tiningnan kung anong ginagawa niya.
Nananahimik siya sa isang tabi at nakain ng binalot niya, pagmamasdan ko pa sana siya kung hindi lang siya biglang tumingin sa akin.
"Ginagawa mo dyan?" Muntik na akong mapatalon sa gulat nang biglang nagsalita si Daphne. Magsalubong ang dalawa niyang kilay.
"Wala, tara na." Naka-irap kong giit. Shocks, minsan talaga nakakainis si Daphne! Sumunod nalang ko sa kaniya papuntang canteen para bumili ng makakain.
"Nandoon ba yung sinasabi mong crush mo?" Tanong niya.
"Oo." Sagot ko kay Daphne, kinikilig ng kaunti nang biglang maalala si Alexis. Ewan ko ba, normal lang naman 'to para sa akin.
Mukhang wala naman siyang pakialam kay Alexis o sa mga naging crush ko kaya iniba ko na lang ang usapan. Nagtanong nalang ako tungkol sa opinyon niya sa mga tinda sa canteen.
Ganyan naman si Daphne, minsan interesadong makinig, minsan hindi namamansin o iniintindi yung mga ikinukwento ko. Hindi naman siya nagrereklamo sa tuwing inuungkat ko ang mga bago kong crush, naiirita lang siya kapag paulit-ulit na yung sinasabi ko. Kahit sino naman siguro, ganoon.
"Daph-Daph! Jay!"
Napalingon kaming dalawa sa direksyon ng boses. Si Jan Rui pala, nakipag-appear siya kay Daphne bago bumaling sa akin at kumindat.
"Yo."
"Yo?" Nag-aalinlangan kong bati. Bumungisngis siya at tinapik ang pisngi ko. Inirapan ko lang siya.
Gwapo sana siya kaso nanti-trip. Naging crush ko noon si Rui noong Elementary kami pero agad din itong nawala nang bigla niya akong binuhusan ng tubig at nilagyan ng gagamba sa ulo noong Grade Five kami bilang prank. Buti nga hindi na masyadong nakakainis yung mga panloloko niya eh.
"Bakit ka nandito?" Narinig ko ang boses ni Daphne kaya bumalik ako sa realidad. Shocks, nalulutang na ako.
Biglang inilahad ni Jan Rui yung kamay niya sa harap ni Daphne at ngumisi-ngiti? Ewan ko kung alin sa dalawa.
"Baon ko."
"Bahala ka dyan, nagastos ko na, ayaw mong kunin kanina eh."
"Luh! Di nga! Akin na."
══════ ∘◦❁◦∘ ══════
Kinabuksan ay hindi ko na nakasabay sa school bus si Alexis kahit na sinadya kong magpalate ng kaunti para makasabay sana siya. Hindi ko alam kung late lang ba siya noong isang araw, napa-aga lang siya ng pasok o absent ngayon. Hay, sayang effort ng pagtiis sa pagbubunganga ni Mama.
Dumaan muna ako sa classroom niya, nandoon siya sa pwesto niya malapit sa may pinto, may isinusulat ng one whole.
Hindi na rin ako nagtagal at pumunta na sa classroom namin, baka mapa-aga ng dating si Ma'am ngayon, mamarkahan pa akong late.
May nakasalubong akong babaeng naka-checkered na jacket, hindi ko agad siya napansin sa pagmamadali kaya bigla ko siyang nabunggo. Hindi naman malakas pero sapat na para mapatigil kami sa mga ginagawa namin.
"Sorry po." Agad kong sabi sa kanya at nagbigay ng apologetic smile.
Nagulat naman ako ng pandilatan ako nung babae tapos nagpatuloy lang sa paglalakad na para bang walang nangyari. Tumigil siya sa taapt ng room nina Alexis tapos mabilis ding umalis.
BINABASA MO ANG
In The Name of Love
RomanceStatus: Revised. Completed Nangarap si Jaylie Raquel ng isang lalaki na hindi nga perpekto, ispesipiko pero mamahalin siya ng todo. Kahit na hindi makatotohanan ang kaniyang ninanais, hindi siya tumigil sa pangangarap. Nang dumating ang panahon kung...