Chapter 10: Date? Date.
Jay's Point of View
Paasa si Jan Rui. Mas paasa pa ata siya sa teacher ko nung Grade Five na sinabing may plus five kami sa long test dahil mababait kami kaso nalimutan kaya hindi na itinuloy. At mas paasa pa ata siya kay Alexis... Tsk. To think, hindi naman talaga paasa si Alexis kahit na naiinis pa rin ako sa kaniya.
Kinagat ko ang BLT sandwich ko nang may simangot sa labi. Ilang beses na ba akong sumimangot ngayong araw na ito? Baka mabawasan ang beauty ko nito gaya ng palaging sinasabi ni Mama sa akin.
Sabi kasi ni Jan Rui kanina, ililibre niya ako. Bibili na sana ako ng isa pang BLT Sandwich at isang Apple Juice kaso sampung piso lang pala ang dala niya kaya hindi niya ako maililibre. Shete. Matutuwa na sana ako eh.
"Jay, maawa ka naman, tinangay kaya ni Daphne yung baon ko kanina." Sumimangot siya at hinarap ako, pabalik na kami ng classroom.
"Oo na! Pang-ilan mo na yan? Pang-lima?" Sarkastiko kong sabi, pero nang umakto siyang tila ba nag-iisip at nagbibilang ay agad kong dinagdagan ang sinabi ko. "Sarcastic yun Jan Rui. Sarcastic. Sar-kas-ti-ko kung di mo alam."
"Joke lang rin yun Jaylie. Joke lang. Bi-ro lang kung hindi alam." Pang-gagaya niya sa akin sabay peace sign kaya sinamaan ko siya ng tingin. Siraulong 'to. "Tingin ko alam ko na kung paano nakapasok si Janine dito."
"Paano?" Curious kong tanong. "Second Quarter na ah, paano yun?"
"Malakas ang kapit ni Janine sa Principal, na tiyuhin niya." Paliwanag niya sabay taas ng kamay. "Kaninang umaga, pinakilala na siya sa amin ng Principal at pinapili ng uupuan, magrereklamo na nga sana yung tropa kaso nanguna na siya tapos pinandilatan kami ng Principal."
Napatango ako. Oh... Sabagay... Sabi nga ni Ma'am Adrianna kanina, parang anak na ang turing ng Principal kay Janine dahil ito ang nag-iisa nitong pamangkin... Hmp! May special treatment!
"Di niyo ba sinabing may nakaupo na doon?"
"She didn't care. Hinabol ko nga si Principal Ignacio kanina kaso ayaw makinig sa akin." Umiiling-iling niyang sabi.
Nagulat ako nang sinabi niyang hinabol niya yung Principal. Iba rin naman talaga yung kakapalan ng mukha ni Jan Rui ano? Hindi ba niya naisip na baka mabastusan sa kaniya yung Principal namin?
"So malakas ang kapit niya..." Mahina kong bulong.
Bumalik na kami sa room at saktong nakita ko si Alexis sa upuan niya, wala na si Janine at si Anjyll. Ang nakakapagtaka pa, parang bad mood siya. May nangyari kaya?
"Oh, akala ko ba ililibot mo si Janine?" Tanong ni Jan Rui dito. Umupo ako sa upuan ko--sa kanya pala na binigay muna sa akin, tapos bigla rin siyang umupo at siniksik ako sa upuan.
Nakita ko ang pagtiim ng bagang ni Alexis nang sumiksik sa akin si Jan Rui. Huh? Problema nan?
Nakita ko ang pag-ngisi ng nakakaloko ni Joyce. Lumapit naman sa akin si Fari at bumulong.
"Nang umalis ka kasama si Rui, alam mo ba?" Sandali siyang tumigil. "Bigla niyang sinabi kay Anjyll na siya na raw lang ang maglibot kay Janine."
Napa-'oh' ang bibig ko at napasulyap ako kay Alexis. Teka, di kaya nagseselos siya...?
Napangiti ako sa sariling naisip. Bakit ganoon? Parang wala akong pakialam sa paghalik sa kaniya ni Janine sa pisngi nang malaman kong nagseselos siya? Teka! Wag munang assuming Jaylie!
"Bubulong ka pa Fari, eh rinig ko naman." Nakangising wika ni Jan Rui dito. Inirapan siya ni Fari.
"Eh hindi naman tungkol sa'yo eh!" Sinuntok siya ni Fari kaya bahagya akong napatawa.
"Narinig ko pa rin ang pangalan ko." Wika niya at tsaka umakbay sa akin. Hinayaan ko nalang siya.
"Oys. Teka, selos na siya oh." Sabi ng kung sino at awtomatiko naman akong napalingon kay Alexis na ngayon ay nakakuyom na ang kamao at nagtitiim pa rin ang bagang.
══════ ∘◦❁◦∘ ══════
Nauna na ako sa school bus. Naupo ako sa spot namin ni Alexis, wala pa naman siya doon kaya ipinatong ko muna ang bag ko sa pwesto niya.
Nagsuot ako ng headset at nagpatugtog sa cellphone ko.
Namimili ako ng pwedeng ipatugtog kaso wala akong mapili. Halos lahat kasi ng kanta ko, naririnig ko araw-araw.
Nangunot ang noo ko at nahimasmasan lang ako nang may tumapik sa akin.
Lihim akong napangiti nang makitang si Alexis iyon. Pero agad din iyong nawala nang maalala ang impaktitang mukha ng Janine na yun. Shete, bakit biglang pumasok yung gagang yun sa isipan ko?
Agad na kinandong ang bag ko para makaupo siya pero hindi ko na siya binati. Umupo siya sa pwesto niya at nanahimik lang kaming dalawa hanggang sa umandar ang bus.
Tiningnan ko siya at napanguso. I hate the fact na naka-labas na sila ni Janine at kami ay hindi pa. Hindi naman sa possessive ako, ni hindi nga siya akin eh! Naiinis lang siguro ako... Dahil si Janine yun.
Yung ex-girlfriend niya. Na hindi ko pa alam kung minahal ba niya o kung paano bang naging sila.
Nagbalik ako sa reyalidad nang magsalita siya. Shocks! Tulala ba ako? Hala!
"Kumusta?" Tanong niya.
"A-Ayos lang." Medyo naguguluhan kong sagot sa tanong niya.
"Mukhang close kayo ni Jan Rui ah?" Tanong niya nang hindi lumilingon sa akin. Hm. Ba't naman napasali sa usapan yun? Teka... Di kaya nagseselos ito? Katulad ng kanina?
"Pinsan siya ng bestfriend ko at magka-schoolmate kami simula Elementary... Bakit?" Kumukurap-kurap kong sagot, hindi ko mapigilan ang ngiti ko na bigla na lamang lumabas. Lumingon siya sa akin at napangiti.
"You're smiling like an idiot." Bumuntong-hininga siya pero hindi pa rin nawala ang kanyang ngiti. "Alam mo? Ang alam ko'y may sinasabi ka sa akin about your parents... Ano yun?"
Mas lumapad ang pagkangiti ko sa naging tanong niya. Finally! Masasabi ko na rin nang walang umeepal... Teka... Baka ma-jinx ko 'to!
Lumingon-lingon muna ako sa paligid to check if may makikialam. Nang makitang wala ay lumingon ulit ako kay Alexis at nagsalita.
"Actually, nagyayaya si Mama, sabi niya, kung pwede daw sa amin ka Mag-lunch one of these days... Lunch lang naman, gusto ka raw nilang makilala..." Wika ko... Sa wakas nasabi ko na rin! "Maybe this Saturday?"
He gave me a small smile. Shocks! Nag-smile ulit siya!
"Cool. That sounds like a date."
Tila may nag-buffer sa tenga ko, malinaw ang pagkakasabi niya pero hindi ko ito maproseso. Ha? Ano raw?
"D-Date?" Pagsisigurado ko.
Tumango siya. "Mm. Date."
Tila ba may nagdiwang sa loob ko nang sabihin niya ito. Yiiee! Bakit ba ang lakas mo talaga sa akin Alexis?
*
BINABASA MO ANG
In The Name of Love
RomanceStatus: Revised. Completed Nangarap si Jaylie Raquel ng isang lalaki na hindi nga perpekto, ispesipiko pero mamahalin siya ng todo. Kahit na hindi makatotohanan ang kaniyang ninanais, hindi siya tumigil sa pangangarap. Nang dumating ang panahon kung...