Chapter 17

35 7 41
                                    

Chapter 17: I Get What I Want

Jay's Point of View

"Watch where you're going." Binigyan ako ni Raina ng isang irap. Palihim ko naman siyang inirapan.

"Okay, sa'yo rin ha." Plastik kong sabi. Shocks. Nagpapakaplastik nanaman ako.

Muli niya akong inirapan bago umalis. Nagmake-face ako nang tumalikod niya. Shutangina, nakakainis na yan ah!

Kahapon pa kasi siya ganyan. Tuwing wala si Alexis, demonyita ang peg. Kapag nandyan naman, bait-baitan! Ang sarap itapon sa kanal!

Nakumpirma ko yung sinabi ni Jan Rui kahapon... Oo nga, may crush nga siya kay Alexis. Halata naman sa mga kilos at galaw niya. Kung maka-artw, akala mo, girlfriend. Pagbawalan ba naman yung iba naming mga kaklaseng babae na lumapit kay Alexis?

Pero syempre, sino ba naman sila para sumunod? Si Raina yung bagong salta dito, bakit siya yung susundin?

Kainis! Hindi na nga pinoproblema si Janine, may bagong susulpot naman na mas malala! Shete!

Ang malupit pa, hindi pa pumapasok si Alexis kaya ganyan siya umarte. Sus! Ni hindi nga siya dinadapuan ni Alexis ng tingin!

"I don't like her." Bulong sa akin ni Janine. Napatango na lang ako sa sinabi niya. Don't worry girl, hindi ka nag-iisa.

"Nasaan na ba kasi yung magkapatid?" Tanong ni Joyce, halatang nagpaparinig kay Fari.

"May problema nga kasi, ayaw nga ring ipasabi sa akin ni Mama eh." Paliwanag ng huli, medyo naiinis na. "Wag daw akong chismosa."

Napalavi si Joyce sa sagot ni Fari.

"Alam naman natin yung problema ni Alexis sa pamilya diba?" Singit ni Harvis. "Wag na nating alamin pa, baka magalit yun."

"Sabagay, eh pano yung Raina-reynahan na yun?" Tanong ko sa kanila.

"Dumikit ka nalang madalas sa amin." Singit ni Mat. Napasimangot naman ako. Apat na nga ang mata di pa nakakakita ng maayos.

"Boblets. Kitams ganun na nga ugali non kahit katabi tayo ni Jaylie." Binatukan siya ni Fari. "Iwasan mo nalang siya as much as possible."

Napatango ako. Kaya ko naman yun, diba?

══════ ∘◦❁◦∘ ══════

Sumapit ang Friday. Ilang araw na ring wala sina Alexis at namiss ang mga klase, ilang araw na akong mag-isa sa pwesto namin sa school bus.

"Morning Jay." Napalingon ako sa direksyon ng boses at nakita si Jan Rui. Sinabayan niya ako sa paglalakad.

Medyo masigla siya ngayo? kumpara noong mga nakaraang araw. Bakit kaya?

"Si Daph?" Agad kong tanong.

Sumimangot naman nang marinig ito.

"Ano ba yan Jay." Napakamot siya sa batok, kinunutan ko naman siya ng noo. "Hindi mo ba ako babatiin ng 'Good morning!', 'Miss you'... 'Love you'?"

Binatukan ko siya. Pinagsasasabi nitong lalaking 'to?

"As a friend." Humagalpak siya ng tawa pagkatapos. Inirapan ko lang siya. "Ito naman, iba ang nasa utak."

"Mabuti na lang. Kay Alexis lang ako." Inirapan ko siya ulit.

Napansin kong lumungkot ang ekspresiyon ng mukha niya. Nangunot tuloy ang noo ko. Ano na namang problema nito?

"Oo nga." Tumingin siya sa kung saan at doon rin napadpad ang tingin ko.

"Ayan na naman yang nakaka-imbyernang babaeng 'yan." Bulong ko.

Bahagya siyang napatawa pagkarinig sa sinabi ko. Inakbayan niya ako bago  inilapit ang bibig sa tenga ko para bumulong. "Feeling niya trip siya ni Alexis? No offense, ayaw kong pumatol sa babae, pero ayaw niya sa mga sobrang arte."

Napatawa ako sa sinabi ni Jan Rui. Nakita ko naman ang pagtaas ng kilay ni Raina nang makalapit sa aming dalawa.

Tulad ng mga ginagawa ng mga bully sa mga nobela't pelikula. Tumigil siya sa harapan ko, nagcross-arms, bago ako hagudin ng masamang tingin.

Pero syempre, hindi ako nagpatalo! Ginantihan ko rin siya ng masamang tingin.

"Wow, bilib rin naman ako sa'yo." Wika niya, kunwari'y namamangha bago ngumiwi. "Kapag wala ang nilalandi, iba naman ang lalandiin."

Binigyan ko siya ng isang nawiwirduhang tingin.

"For your information, Miss Morales. Hindi ko siya nilalandi at hindi siya nagpapalandi." Patungkol ko kay Jan Rui. Nakaramdam naman siya at tinanggal ang pagkaka-akbay niya sa akin. "Matagal na kaming ganito.''

Shr gave me a fake-shocked expression.

"Oh? Matagal na kayong naglalandian sa likod ni Alex?" Inilagay niya ang kamay sa tapat ng dibdib at umaktong nasasaktan. "Ow, how sad for Alex. Yung babaeng mahal niya, ginagaga lang siya. Sa bestfriend pa niya!"

Tumaas ang kanan kong kilay. Bakit lahat dila may nickname or endearment para kay Alexis? Si Janine, Six. Tapos siya? Alex? Cheap! Bakit ako wala?

Tsaka anong sinasabi nito? Sabunutan ko kaya 'to?

"Ay tanga." Nabulong ko bigla. For the nth time, sinamaan ko siya ng tingin. "Ang sabi ko, hindi ko siya nilalandi at hindi siya nagpapalandi. Hindi mo ba ako narinig o sadyang hindi ka lang talaga makaintindi?" Sarkastiko kong wika. "Ma-issue ka rin ano? Isa ka siguro sa mga taong hindi maka-intindi na ang babae at lalaki ay maaaring maging magkaibigan lang."

"A girl and a boy can't be friends nang walang nararamdaman sa isa't isa. It could either be one-sided or both." Pagkontra niya sa sinabi ko.

"Walang ganoon sa amin." Giit ko. "Hindi pare-parehas ang mga tao. Hindi porket popular o cliché yung sinabi mo, nag-aapply na 'yun sa lahat."

"How can you be so sure?" She said in a mocking tone. I let out a groan of frustration.

Ah ewan ko! Ang kulit nitong babaeng 'to.

Sumeryoso ang mukha ni Jan Rui. May ibinulong na hindi ko maintindihan kaya nangunot ang noo ko.

"Hindi mo lang naiintindihan kasi wala kang kaibigang lalaki." Nasabi ko nalang.

"Hindi rin traydor si Jay. Sa tingin mo ba kung may gusto yan sa akin, patatagalin pa niya bago siya umamin?" Singit naman ni Jan Rui. "Hindi rin siya magiging kay Alexis kung may gusto ako sa kaniya."

"Whatever." Sambit ni Raina at muling umirap. Shutanginang mata yan, ang sarap tusukin ng banana stick!

Naglakad siya palampas sa akin, pero tumigil siya sa tabi ko at may ibinulong pa siya na nagpagulo sa sistema ko.

"Anyway Jaylie..." Nilaro niya ang ilang strands sa buhok ko, inis ko namang pinalo ito palayo.

"Touch me again and I'll break your arm."

Hindi niya pinansin yung sinabi ko at natawa nalang na para bang nang-aasar.

"Huwag kang pakampante, hindi porket may gusto sa'yo si Alex, sa'yo na siya forever." Ngumisi siya. "May Once Upon A Time na kayong nasimulan... Pero hindi ibig sabihin nun kayo ang magkakatuluyan."

Inalis niya ang kamay niya sa buhok ko at tinapik ang balikat ko.

"I get what I want..." Sumeryoso ang boses ni Raina, nagbabanta. "Always."

Ngumisi siya muli.

"Just so you know..."

Pinagmasdan ko siyang umalis, nakakuyom ang kamao. Naramdaman ko nalang ang paghawak ni Jan Rui sa balikat ko.

"Tara na Jaylie..."

*

In The Name of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon