Chapter 4

75 12 79
                                    

Chapter 4: Meet The Tropa

Jay's Point of View

Natapos na ang buong school year at ang bakasyon. Wala naman akong ginawa masyado nung bakasyon kundi matulog, kumain, at makipag-chat kay Alexis... Yiiee! Nakaget-over naman na ako sa confession niya... Hindi ko pa rin lang talaga maiwasan na kiligin sa tuwing maalala ko siya.

First day of school na naman... Start of last year of high school to be exact, so I have to look my best. Plano ko sanang pumasok sa school ng maayos at plantsado ang damit, walang gusot, at syempre, hindi late.

Kaso! Ayaw umayon sa akin ni Tadhana. Akala ko, late na ako, kaya sa sobrang pagmamadali ko, magkaiba ang kulay ng medyas ko, gusot ng kaunti ang damit ko, at sa school bus na lang ako nagsuklay. Buti nga nakapagsuot pa ako ng jacket dahil nakakahiya yung hitsura ko!

Sa pagmamadali ko, may nabunggo pa akong mukhang teacher.

"Hala, Ma'am! Pasensya na po! Sorry po!" Mabilis kong pinulot ang nahulog sa kaniyang gamit at iniabot sa kaniya.

"It's okay..." Ngumiti si Ma'am sa akin, tipid lang at para bang pamilyar sa hindi ko maintindihang paraan.

"Sorry po talaga." Pag-uulit ko. Shocks naman! Ayaw kong may maging terror agad sa akin na teacher! Nagi-enjoy pa nga ako na wala na yung terror naming teacher last year eh. Retired na ngayon...

Pagdating ko sa mismong loob ng school, may thirty minutes pa ako bago tuluyang ma-late at magstart ang mga klase.

Dali-dali kong tinungo ang mga classroom ng grade 10. Nagsimula ako sa section D, bago ang C, hanggang sa mapapunta ako sa B.

Nagulat ako nang tumaas pala ang section ko. Top 14 lang kasi ako last school year.

At ang mas nakakagulat pa, kaklase ko pala si Alexis! Shemay naman! Thank you Lord talaga!

Pumasok ako sa loob at nilibot ng paningin ko ang loob ng classroom. Hm... Infairness, maayos ang classroom... Hindi katulad nung classroom namin last year na mukhang basurahan yung likod kahit na may naglilinis naman.

"Jaylie!" Napalingon ako sa may bandang likod kung saan nanggaling ang boses ni Jan Rui. Tinungo ko siya, only to find out na katabi niya pala si Alexis at katabi naman nito ang isa pang bakanteng upuan. "Dito ka na oh." Turo niya sa upuang katabi ni Alexis.

Binigyan ko siya ng nagpapasalamat na tingin. Nung una hindi niya masyadong nagets pero kinalaunan ay naintindihan din niya.

Ngumiti muna ako kay Alexis bago umupo. Napansin ko ang pamumula ulit ng tenga niya. Na naman?

"Ikaw ba si Jaylie Raquel?" Medyo may kalakasang tanong ng isang lalaking nakaupo sa table ng armchair niya. Kapansin-pansin ang kwintas niyang parang gold chain.

"Nakilala ka na rin namin." Dagdag ng isang babaeng mukhang may lahing Koreana. Mukhang Kpop eh, Hihi! Medyo pamilyar rin siya sa akin... Siya ata yung kapatid ni Alexis!

Bakit magka-year sila?

"Bukambibig ka nyang lalaking yan." Dagdag ng isa pang babae na below the shoulders ang buhok, nakaturo pa siya kay Alexis.

"Woah, ikaw pala yun?" Singit ng isa pang lalaki na medyo matangkad at may suot na baseball cap.

Marami pang nagsalita, sa tantsa ko ay mga pito silang lahat excluding Alexis and Jan Rui. Nagsabay-sabay sila sa pagsasalita kaya ang naririnig ko ay pawang mga ingay lang.

"Teka nga! Magdahan-dahan nga muna kayong lahat! Mahina yung kalaban!" Sigaw bigla ni Jan Rui kaya natahimik silang pito. "Mas mabuting ipakilala ko muna kayo ano?"

Humarap siya sa akin bago humarap sa isang lalaking may suot na gold chain. "Ito si Harvis. Parte ng Taekwondo club. Ito naman." Tinapik niya yung katabi ni Harvis na lalaking may freckles. "Ito si Henry. Hindi sila magkapatid ni Harvs ha... Magkamukha lang talaga."

Magkamukha nga sila... Kundi lang gawa nung freckles ni Henry eh... Pero cute naman.

Bumulong sa akin yung kapatid ni Alexis. "Baka siya ang pinaka-kainisan mo dito. Ingat lang."

Humarap muli sa akin si Jan Rui at tinuro ang babaeng mukhang Koreana. "Ito si Anjyll Lee. Anghel ha, anghel." Sumimangot naman yung Anjyll, haha! Mukha siyang manika. "Ito pinakamahinhin sa tropa, sa maniwala ka man o sa hindi. Kapatid siya ni Alexis."

Hindi naman na ako nagulat. Hindi sila magkahawig o magkamukha ni Alexis pero dahil sa Facebook ay nalaman ko ito.

Itinuro naman niya ang babaeng below the shoulders lang ang buhok. "Ito naman si Fari, pinsan yan nina Alexis, pero kung makadikit akala mo kapatid." Nagmake-face sa kaniya si Fari. "Pala-mura yan. Pero nerd at mahili-" Napatigil siya sa pagsasalita nang bigla siyang binatukan ni Fari.

"Hindi ako nerd!"

"Edi hindi!" Tugon ni Jan Rui na hinihimas ang parteng tinamaan. "Ito si Joy." Turo niya sa isa pang babae. Mas maitim siya kumpara kay Anjyll at Fari pero hindi naman siya sobrang maitim.

"Joyce ako." Inis na pagtatama nito.

Ipinakilala pa sa akin ni Jan Rui ang iba. Sampu sila lahat lahat, apat na babae at anim na lalaki. Bale ngayong kasama nila ako, lima na ang babae.

"So Jaylie... Alam mo bang bukambibig ka ni Alexis?" Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko sa sinabi ni Mat, isa sa kabarkada ni Alexis. Nagtawanan naman silang lahat.

"Uy, si Alexis Lee... Namumula." Pang-aasar ni Henry dito na mas ikinatawa nila.

"Manahimik nga kayo." Sabi ni Alexis sa kanila. Mahina-hina ang kaniyang boses pero madiin. Napatawa naman ako.

Hindi pa naman kami close ng mga katropa niya pero magaan na ang pakiramdam ko sa mga ito.

"Teka, magkaiba ba yang kulay ng sapatos mo?" Tanong bigla ni Yvonna, yung isa pang babae sa grupo.

"Baka medyas, ulol." Kumento ni Fari na ikinakati ng ulo ni Yvonna.

"Akala ko late na ako eh." Napakamot ako ng ulo katulad ni Yvonna. Hindi ko naman akalaing mapapansin pa niya! "Sino pala ang teacher natin?" Pag-iiba ko sa topic.

"Yung Nanay ni Alexis." Si Joyce ang sumagot.

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa narinig.

Wha--What? Adviser namin si Future Mother-in-Law ko?

"Si Mrs. Adrianna Lee yung Nanay neto." Turo ni Jan Rui kay Alexis. "Sa pagkakatanda ko yun yung Teacher nina Harvs dati."

"Grade Seven, subject teacher lang. Mabait yun, wag kang mag-alala." Paninigurado naman ni Harvis sa akin.

Yun nga lang, hindi naman ako namromroblema kung masungit siya o hindi, I mean, si Ma'am Guinto nga, a.k.a. Ma'am Terror na pahirap sa amin last year, natagalan ko, yun pa kayang Nanay ni Alexis ko?

Paano ko ba siya mai-impress?

"Nako... Nag-iisip kung paano magpapa-impress." Tukso ni Jan Rui sa akin kaya inirapan ko lang siya. Natawa siya, pero hindi ganoong kalakas.

"Wag ka nang magpa-impress, magugustuhan ka nun panigurado." Nakangiting ani Fari. Teka, Fari lang ba pangalan nito, o nickname niya lang yun?

"Hindi naman..." Sagot ko bago mahinang tumawa at napatingin kay Alexis. "Anong hitsura ng Mommy mo, Alexis?"

Magsasalita na sana siya nang may pumasok sa loob ng classroom. Nagsi-ayusan silang lahat kaya umayos na rin ako ng upo.

"Good morning." Wika nung pumasok, nakinig kaming lahat sa kaniya, teka... Bakit parang... "I am Adrianna C. Lee, and I'll be your teacher."

Muntik na akong mapanganga nang makita ang kaniyang mukha.

Shocks! Siya yung teacher na nabunggo ko kanina!

*

In The Name of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon